"Bye, Mom! Let's have a dinner again tomorrow." Hindi matatawaran ang saya sa mukha ni Rehan. "Sure, bebe boy..." Hinalikan ko siya sa pisngi at binalingan ko naman ang kaniyang ama na tahimik na nakatayo at halos hindi na maipinta ang mukha. "Pasok ka na sa loob ng sasakyan," utos ko sa aking anak. "Bakit naman ganiyan ang mukha mo?" malambing na tanong ko kay Kevin. Nakasandal ito sa pinto ng sasakyan habang nakahalukipkip. Bumuntong hininga siya. "Bakit parang hindi ka masaya?" Ngumuso siya. Ang mukha ay nagpapaawa. "Hindi ka ba masaya na s-sinagot na kita?" "Masaya. Pero mas masaya sana kung..." Ngumuso siya. Para talagang bata. "Really, Kevin? Nagseselos ka sa anak mo," natatawang sabi ko. Humakbang ako palapit sa kaniya hanggang sa may ilang dangkal na lang ang spa

