"Naglinis ako at nakita ko ang mga baby pictures ni Rehan. Ipapakita ko sana sa kaniya kaso tulog pala," paliwanag ni Manang. Mabuti na lang at nakapag-isip siya agad ng idadahilan. Hindi namin inaasahan na uuwi si Kevin ng maaga lalo at wala naman siyang pasabi sa text. "Sobrang cute ni Rehan nu'ng baby siya," sabi ko na may alanganing ngiti sa labi. Tumayo si Manang at si Kevin naman ang pumalit sa kanya sa aking tabi. "Why are you crying?" seryosong tanong niya. Hindi pinasin ang sinabi namin. "Ah... Nagkakuwentuhan lang kami ni Manang. Naalala ko ang mga pinagdaanan kong hirap mula noong bata pa ako." Hinawakan niya ang aking kamay at marahan itong pinisil bago ako pinatakan ng halik sa aking pisngi. "Maiwan ko na kayo," paalam ni Manang. Ngumiti ako at tumango kay Manang

