Naunang magising si Rehan sa akin. Nagbibihis na siya nang bumangon ako. Nasa kuwarto din ang kaniyang yaya, para alalayan siya at siguraduhing nasa bag ng kaniyang alaga ang mga kailangan niya sa school. Napuyat kasi ako. Babawi na lang ako bukas. Dapat ako na ang nag-aasikaso sa aking anak, total nandito naman na ako. "Good morning, mommy!" masigla niyang bati sa akin. "Good morning, bebe boy. I'll just take a bath, real quick." Hindi na muna ako humalik dahil bagong gising lang ako. SABAY na kaming bumaba pagkatapos kong makapagbihis. May kasambahay na nag-aabang sa amin sa baba ng hagdanan. "Naghihintay na po sila sa dining, Ma'am," imporma niya sa akin. Ngumiti ako sa mga ito at bumati. Ngumiti naman siya at bahagya pang yumukod, pagkatapos ay giniya na kami hanggang sa

