Nag-aya si Mr. Antonio na kumain na muna sila ng tanghalian bago sila magpahinga sa kani-kanilang mga kuwarto. Tahimik lang si Camila. Naisip niya bigla si Amanda. Dumating na ang ama ng anak nito at magkakaroon na din ito ng closure at makakapag-move on na ng tuluyan. Pero ang tanong, sasabihin ba niya ito sa kapatid o saka na muna? Bumuntong hininga siya. Kay Lily na muna niya siguro ito sasabihin. At wala din siya sa lugar para sabihin kay Kevin that got away ang tungkol sa anak nito sa kaniyang kapatid. Naupo siya sa gilid ng mesa malapit kay Mr. Antonio, si Rehan sa tabi niya at sa tabi naman nito ang kaniyang daddy. Sa tapat niya naman nakaupo si Kevin Franco. Ano ba iyan! Nalilito na tuloy siya. Bakit ba kasi parehas Kevin ang mga 'to? Tapos parehas pang Kevin ang tawag ni

