"What was that, huh?" tanong ni Kevin kay Camila habang nakasunod siya dito papasok ng mansyon. Hindi sumagot si Camila. Hindi man lang siya nito tinignan. "Don't make a fool out of me. Lagi mo na lang akong ginagawang tanga!" Napairap na lang sa hangin si Camila. Nandito siya para kay Rehan. Hindi na niya obligasyon pang magpaliwanag kay Kevin. Bahala ka sa buhay mo! asik niya sa kaniyang isipan. "Sabihin mo nga sa akin, ano ang relasyon niyo ng kapatid ko? And don't ever try to lie again. I know, I can feel it. You two are hiding something from me." Nagtuloy-tuloy pa din sa paglakad si Camila na tila walang naririnig. "May gusto ka ba sa kapatid ko? Answer me!" Bumuntong hininga siya at nagtuloy-tuloy sa pag-akyat sa hagdan. Nakasunod naman sa kanila si Manang at isang ma

