"Hindi niyo po ako kailangang bayaran, Mr. Antonio. Masaya ako na makatulong..." nakangiti kong sabi. Nakaka-intimidate ang mga tinginan niya kaya nag-iwas ako ng tingin. Nilayuan ko siya at muli akong tumabi kay Rehan na naglalambing. Huwag nating pansinin ang daddy mo, Anak. Lakas ng topak. Pinalibot ni Rehan ang mga kamay niya sa aking tiyan. "Thank you so much, Mommy! You really love me!" "Anything for you, bebe boy. I love you too." Tumikhim si Kevin pero hindi ko siya tinignan. "My dad is handsome right, Mom?" tanong ni Rehan. Hindi ko alam kung bakit pa niya ako kailangang tanungin lalo na sa harap ng kaniyang ama, lolo at ni Manang na naiiling sa tabi. Pinilit kong tumawa. Ayaw kong sagutin lalo na at naiinis ako sa inaasta ng ama niya. Naalala ko na sinabihan ko nga

