"Good morning, Mama-Tita!" Napakatinis talaga ng boses ni Divine. "Good morning, labs ko!" Nagpunas ako ng kamay at kinarga ito bago ko siya pinaupo sa dining table, dahil hindi pa niya ito abot. Nakabihis na siya ng kaniyang school uniform. Kamukha niya talaga ang daddy niya. Napanguso ako at nag-iwas ng tingin sa bata. "Natulog ka pa ba?" tanong ni Amanda sa akin. "Oo naman. Kaso hindi ganoon kahimbing, lalo na at naiisip ko ang kalagayan ni Rehan..." Niluluto ko ang request niyang pagkain. Mabuti at mukhang may gana na siya ulit kumain. "Agahan mo na lang matulog mamayang gabi. Huwag kang magpuyat. Kung sakaling match kayong mag-ina, kailangang maging healthy ka. Baka mamaya pagkatapos ng transplant magkasakit ka din," paalala ni Amanda. "Oo. Pag-uwi ko mamaya matutulog a

