BOOK 2: KISS

2317 Words

Hindi sumakay si Amanda sa sasakyan ng mga Antonio na dapat ay maghahatid sa kaniya sa kanilang bahay. Nagtuloy-tuloy siyang maglakad hanggang sa kalsada, at doon inabangan ang pagdating ng sarili niyang sasakyan at driver, na tinawagan niya kanina para sumundo sa kanila. Panay naman ang ngisi ni Lily. Nawiwili siya sa napapansin niya kina Amanda at Franco. Tignan mo nga naman. Bilog nga talaga ang mundo. Nagiging posible din ang mga bagay na dati ay tila napaka- imposoble. "Inalok ka ba ni Franco ng kasal para kay Divine?" usisa ni Lily habang nasa biyahe sila pauwi. "Ang daddy niya ang nagsabi na magpakasal kami," sagot naman ni Amanda, habang ang mga mata ay nasa daanan. "Siyempre tinanggihan ko." Kinuwento niya ang naging usapan nila. "Talaga? Hindi man lang umalma si Franco

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD