"Ano'ng mga plano niyo? Hindi na kayo mga bata. May anak na din kayo at lumalaki na siya. Hindi naman puwede na nagbubuhay-binata at dalaga na lang kayo. Lalo na ikaw Franco, how can you be so irresponsible at wala ka man lang kamalay-malay na may anak ka na?" pangaral ng Don sa dalawa. Nasa study room silang tatlo. Bumuntong hininga si Franco. "Wala po kaming relasyon ni Franco, Sir," nahihiyang sambit ni Amanda. Hindi siya makatingin sa mukha ng mga kausap. Kumunot naman ang noo ng Don. Si Franco ay seryoso ding napatingin kay Amanda. "Hindi po niya alam na nabuntis niya ako. At saka..." Hirap na hirap siyang magsalita. Nahihiya siya. Naalala na naman niya ang kagagahan na nagawa niya sa ngalan ng kaniyang pag-ibig. "You're not getting any younger. Wala din naman kayong mga kar

