Kabanata 48 Captive

2400 Words

BUMABA ng sasakyan si Camila bitbit ang bag na naglalaman ng pera na pantubos niya kay Rehan. Luminga-linga siya sa paligid para tiyaking wala ng nakasunod sa kaniya. Nang masiguradong wala ay nagsimula na siyang humakbang papasok sa abandonadong gusali. Walang mga bantay. Walang sumalubong sa kaniya na mga armadong kalalakihan na gaya sa mga napapanood na pelikula. Kabado siya at natatakot pero hindi siya puwedeng maging duwag lalo at nakasalalay sa kaniya ang kaligtasan ng kaniyang anak. Huminga siya nang malalim bago nagdahan-dahang maglakad sa gilid ng building. Hinanap niya ang kulay asul na pintuan na gaya ng tinuro sa kaniya kanina ng kidnapper. Kumatok siya ng apat na beses na gaya ng bilin sa kaniya. Napaatras siya nang magbukas ang pintuan at iluwa doon ang isang ar

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD