Titig na titig si Kevin sa bilugang tiyan ni Camila. Hindi siya makapagsalita dahil sa labis na pagkagulat. Hindi niya inaasahan na ito ang makikita niya sa pagpunta niya sa shop. Tila binuhusan siya ng malamig na tubig dahil sa katotohanan na natuklasan niya. Kumalma siya ng kaunti. Wala si Rehan dito. Huminga siya nang malalim bago tinignan ang mukha ni Camila. Agad naman itong nag-iwas ng tingin sa kaniya. "Kevin, I heard the news from Manang..." humahangos na sambit ni Krisha. Basta na lang ito sumulpot sa shop at agad humawak sa braso ni Kevin. Napatingin doon si Camila. Huminga siya nang malalim bago tinuon sa ibang bahagi ng shop ang mga mata. Wala siyang time para i-entertain ang nararamdaman niya ngayon sa lalakeng nasa harapan niya. Nag-aalala siya sa kaniyang an

