"Ano'ng nangyari?" tanong ni Kevin nang gisingin siya ng mga bodyguard bandang ala-una nang madaling araw. Nagkatinginan ang dalawang bodyguard saka sila humakbang papunta sa magkabilang gilid. Napahilamos na lang ng mukha si Kevin nang makita niya ang kaniyang anak na hawak ng isa pang bodyguard. "I said, let me go!" sigaw ni Rehan habang nagpupumilit na kumawala. "What happened?" Tinignan niya ng seryoso ang anak, bago muling tinuon ang pansin sa dalawang bodyguard na nasa kaniyang harapan. "Plano pong tumakas, Sir." Dismayado niyang tinignan ang kaniyang anak. Alam na niya kung saan planong magpunta nito. Hindi niya lubos akalain na maiisip ni Rehan ang ganoong bagay. Ayaw man niyang higpitan ng husto ang anak, pero mukhang sinagad na nito ang kaniyang pasensya. Paano kung

