Para akong maiiyak habang nakamasid sa mag-ama ko na parehas nakabantay sa akin at maya't mayang mino-monitor ang aking temperature. Kahit lagnat lang naman makikita sa kanilang mukha ang pag-aalala. Ramdam ko ang pagmamahal nila sa akin. Sinubuan ako ni Rehan ng prutas. Kahit wala akong gana dahil mapait ang panlasa ko, pinilit kong kainin ang lahat ng kaniyang sinusubo na pagkain. "How are you, Mom? Do you feel much better now?" Tumango ako. Bumaba na ang lagnat ko. May kaunting sinat na lang, pero masakit pa din ang buo kong katawan. Dito sa kuwarto na din kami nag-dinner na tatlo. Nakakahiya tuloy kay Tito dahil mag-isa siyang kumain sa dining. "Goodnight, Mom." Hinalikan ako sa pisngi ni Rehan. "Goodnight, bebe boy." "Rest well, Mom. I love you..." "I love you too, bebe

