Chapter 3

1999 Words
Today is our Orientation at ito ako ngayon natutulog sa gilid habang busy yung nag di-discuss about policy dito sa company. Kailan ba matapos ito. Maya-maya ay yung mga Team Leader na ang mag sasalita tungkol sa mga policy each Account. Nung tinawag ang Account na pinag applyan ko ay lumakad sa harap yung speaker nag expect ako na si Kaylee yung speaker pero hindi pala. Hopia ako! Pagkatapos ng 5 hours Orientation ay nag dinner na kami sa pantry. May bago na din akong mga kaibigan. Naghahanap kami ngayon ng mauupuan at sakto namang may bakante pa. Agad nag order yung iba kong kasama, pagbalik nila galing order ng food ay ako naman ang nag order. Pagbalik ko ng table namin ay meron kaming dalawang babae na katabi parang one seat apart lang ang pagitan namin sa kanila. Habang busy kami sa pagnguya at pagkwekwentohan ay napatigil ako sa pakipagkulitan sa kasama ko kasi parang may magandang chismis itong dalawang babae na katabi namin. "Alam mo bang naghiwalay si Kaylee at Kristelle." Sabi nung isang babae. Pagrinig ko sa pangalan ni Kaylee ay agad na lumaki ang tenga ko literally para mapakinggan pa yung susunod na sasabihin nila. "Oo nakita ko sa post niya. Merong kasama natin ang nakakita sa nangyari, sa mall sila naghiwalay kasi nakita niyang kasama ni Kristelle yung kabet niya." Chika pa nung isa. Napatango-tango naman ako. Kaya pala! "At marami ding taong dun nung naghiwalay sila. Dun kasi sila sa garden nung mall nagkita, may sorpresa sana si Kaylee kay Kristelle na sapatos pero yun pala si Kristelle ang may sorpresa sa kanya." Bigla kong naalala yung nakita namin ni Queen kahapon. May nag aaway na dalawang babae dun sa garden at yung isa ay Kristelle ang pangalan at may kasamang lalake. At yung isa may bitbit na paper bag na kagaya ng binili ko kahapon. Nanlaki ang mga mata ko dahil na realize kong si Kaylee pala ang nakita ko. My ghaaaaaadddd!!!!!!! So nagtagpo na ang tadhana namin pero wala akong kaalam ala-- "Ms. Excuse me! Baka pwedeng bumalik ka na sa inuupuan mo! Hindi naman tayo close para dumikit ka sakin." Sabi nung mataray na babae na ka table namin. Nagulat ako kasi nakalipat na pala ako nang upuan, ngayon hindi na kami one seat apart kundi, one elbow apart. "Hoy! Mars! Anong ginagawa mo dyan??" Tanong nung baklush sakin. Napa hihihi nalang ako saka bumalik sa upuan ko. Hindi na ako lumingon dun sa dalawang babae dahil sa sobrang hiya ko. "Diba sabi nila wag ng mag shabu kasi matotokhang ka! Maawa ka sa magulang mo girl!" Inirapan ko lang yung bakla kong kasama at patuloy na sa pagkain kasi baka mabaliw natong bituka at dragon ko sa tyan paghindi sila nakakakain. "Dito kana umupo." Narinig kong sabi nung isang babae na ka table namin, napansin kong may humila sa upuan na siyang inupuan ko nung naki chismis ako, pag upo nung taong humila ay bigla ako na istatwa na nakatingin lang sa kanya. Si.. Si.. Kaylee!!!!!!????? Napaatras ako ng upuan at saktong nadaplisan nung kamay ko ang plato ko kaya umalingasaw ang pagkabasag nito. Nataranta ako dahil lahat ng attention na sakin at mas lalong nataranta ako dahil nakatingin si Kaylee sakin. Pinagpawisan na akong husto at di mapakali! Anong gagawin ko??? "Ma'am kami ng bahala mag ligpit niyan." Sabi nung Housekeeping na nakatayo sa gilid ko. Agad na akong tumayo at nagtatakbong palabas ng pantry. Pagdating ko sa cr ay nagpahinga ako kasi sobrang hinihingal ako. Badtrip!!!! Nakita niya pa ang katangahan ko!! Grrrrr! Pumasok ako sa cubicle para magpalabas ng aking sinaloobin. Pagkatapos ay lumabas ako ng cubicle at saktong nakita ko siya. Bumilis na naman ang t***k ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD