"Girl excited na ako sa fitness challenge natin." Ngayon ay nandito kami nakaharap sa isang bulletin kung saan naka post ang mga pangalan na sasali sa Fitness Challenge. Naka divide ang grupo sa sampung team kung saan may 10 members. Ang bawat team ay galing sa ibat ibang Account ng company. Hindi naman mandatory ang sumali, yung gusto lang sumali ay maglista ng kanilang mga pangalan. At eto nga ako ngayon! Dinamay sa baklang 'to, hindi dahil sa premyong 100,000 kundi dahil marami daw'ng papaballs!!! Malande!!!! Anyways.. yun na nga ang mechanics ng game ay dapat mabawasan ang present weight mo ng 5kg hanggang sa finals. Parang set ang games. Ibat ibang uri ng sports, ang unang sports na lalaruin nam—
"Gurl! Magkasama si TL at si Kristelle sa isang team." Biglang lumipad ang isip ko dahil sa sinabi ni bakla. Dali-dali ko namang tinignan ang papel kung saan naka print ang mga pangalan nila. GRRRRRR!!! "Gurl hindi tayo magka team. Kayo ni Stacy ang magkateam at kami naman si papa Edward! My gaaaaddd! This must be destiny na gurl!!!" May lundag lundag pa siyang nalalaman.
"Oo destiny na matalo." Pang iinis ko sa kanya.
"You're just jealous kasi hindi kayo magka team ng lovey dovey mo!!! Loser!!!" Sabi niya sabay irap. Nilagpasan ko nalang siya at bumalik na sa prod since wala na akong ganang mag explain sa inyo kung anong mechanics ng game! Bahala kayong manghula!!! Mga leche!!!!
Pagdating ko sa post ko ay nagsimula na akong mag take ng calls. Binuhos ko lahat ng galit na nararamdaman ko dahil sa resulta ng team. Pero syempre hindi dapat maapektuhan ang mga customers mo kundi baka ma escalate pa ako or worst mapatawag. Medyo nakaramdam ako ng antok kaya hindi na napigilan ng mga mata ko ang pumikit..
Nagising ako dahil may nag tap ng balikat ko at tinignan ang taong to. Si TL?
"Mag coffee ka para hindi masayang ang pinasweldo sayo ng mga amo mo." Sabi niya saka nilapag ang isang basong kape. Ang sweet na sana ng kape pero ang bitter naman ng sinabi niya.