It's Saturday at walang trabaho. Yeahey!!! Makapagpahinga ako ng maayos ngayon. Naisipan kong mag swimming kaya nagpalit na ako ng swimwear. Ilang oras din akong nagbabad sa swimming pool namin hanggang sa may tumawag sakin. Agad akong umahon at nagpunas ng kamay para hindi ma basa ang mamahalin kong phone.
|hello?|
|Marsing! Nood tayo ng sine.|
|ayoko ikaw nalang.|
|sige na wag kang mag alala ako magbabayad.|
|ano bang panonoorin natin?|
|yung action movie ni Tom Cruise|
|sige ba! Sagot mo! Pag ako niloloko mo lang papatayin talaga kita Eduardo.|
|promise! Bakit naman kita lolokohin aber??! Ang seryoso ko kaya sayo.|
|san ba tayo magkikita?|
|susunduin nalang kita dyan.|
|ang sweet naman..|
|ako pa!|
Pagkatapos naming mag usap ni Edward ay umahon na ako ng pool at naligo ulit sa banyo ko. Feel na feel ko ang moment na nakalubog sa bathtub dito sa banyo ko. Ano kayang ginagawa ni TL ngayon? Gumala kaya yun? Sino kayang kasama niya? Di kaya nakipagkita yun kay sea creature? Wow!! Ganun ba siya ka excited na magkita sila ehhh magka team na nga sila. Advance mag isip din si TL!!!
Hindi na ako nag aksaya ng oras at agad din akong natapos sa pagligo. Nagbihis na ako para naman hindi mahiya si Edward sa date niya. Teka! Kung kami lang ni Edward ang lalabas ngayon ibig sabihin ba nun ay nag de-date kami?? Pwede sigurong friendly date. Oo yun nga ang tawag samin ngayon. Natapos na akong mag bihis at si Edward nalang talaga ang kulang para ma kompleto na. Ang tagal naman niya? Hindi kaya na aksidente na yun? At nagka amnesia? Maya-maya ay may kumatok sa kwarto ko. Sino naman kaya ito?
"Ma'am may naghahanap po sa inyo Edward daw po pangalan."
Speaking of the devil. Lumabas na ako at pinuntahan si Edward sa sala. Pagdating ko dun ay napakunot nalang ang aking noo dahil walang Edward akong nakita.
"Yaya nasan si Edward??" Galit kong sigaw kay yaya sa Kitchen. Kumaripas naman siya ng takbo sa living room.
"Ahh ma'am hindi ko po pinapasok. Baka kasi kriminal."
"Uhhhhgg!! Ewan ko sayo!!!" Saka nag walk out na at pinuntahan na siya sa labas ng gate. Paglabas ko ay nakasandal siya sa kanyang kotse na parang gwapong gwapo sa sarili.
"Hi! Ang ganda mo naman Marsing para kang tao ngayon ahhh!" Pang aasar niya.
"Ikaw nga dyan naging malinis na hitsura mo hindi na taong grasa tignan." Ganti ko naman sa kanya.
Agad niya akong pinagbuksan ng kotse at pumasok na ako.
"San tayo pupunta ha Eduardo??" Tanong ko sa kanya na ngayon ay busy sa pag dra-drive.
"Sa MOA nalang tayo."
"Sige."
*******
Agad siyang nagbayad dun sa ticket booth at pumasok na kami sa loob ng sinehan. Natuwa naman ako sa pinanood namin dahil hindi siya boring.
" mag c-cr muna ako Eduardo." Pagpaalam ko sa kanya. Pagdating ko ng cr ay hindi ko akalain na may madatnan akong kakilala dun. Hindi lang basta kakilala kundi si Debbie na busyng busy sa pagpapaganda. Napansin naman niyang nakatayo ako sa gilid niya kaya nilingon niya ako. Bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat.
"Sinong kasama mo dito!?" Sabay naming tanong sa isat isa.
"Si TL!" Sagot niya. Nakaramdam ako ng kirot nung nalaman ko kung sino pero syempre hindi ko pinahalata sa kanya.
"Ganun bah? Mabuti naman at naisipan nyong gumala." Plain kong sagot saka pumasok na sa cubicle.
"Mauna na ako sayo Marsy." Pagpaalam ni Debbie. Naiwan naman ako sa loob ng cubicle na nakasandal ang aking ulo sa pintuan at nakatingin lang ako sa sahig. So nag de-date sila ni TL?? Si TL talaga ang nagyaya?? Ugh! Nakakainis!!!
Pagbalik ko sa aking upuan ay nawalan na ako ng ganang manood. Ni hindi na nga ako nakikinig at nanood ng palabas. Ramdan na ramdam ko saking dibdib ang paninikip. Ewan ko ba! Nasasaktan akong malaman na lumalabas pala sila ngayon. Kinuha ko ang phone ko sa bag at tinitigan ito ng ilang minuto kung e te-text ko ba sya o hindi. Wag na Marsy hindi nga niya naisipang mag text. Ehh bakit naman siya mag te-text sayo ka ano-ano ka ba niya? Hindi niya kailangan magpaalam dahil walang kayo!!! Isaksak mo yan sa utak mo kung meron man.
Pagkatapos ng palabas ay tila napansin ni Edward na wala na ako sa mood.
"Ayos ka lang ba??"
"Oo maganda naman yung palabas." Plain kong sagot.
"Bakit parang wala ka na sa mood?" Pag alalang tanong ni Edward sakin. Hindi ko nalang siya kinibo.
"Ohhhh my ghaaaadd is this real??? Totoo ba tong nakikita ko?? Nag de-date kayo???" Nakasalubong namin sina Betty la Fia, Debbie at no other than si TL. Tinignan niya kami ni Edward na may inis sa mukha niya.
"Kayo na ba???" Tanong ni Debbie samin. Hindi ako kumibo dahil na kay TL ang atensyon ko.
"Hindi! Nagpapalibre lang ako kay Marsing." Pagbibiro ni Edward.
"Cr muna ako." Paalam ni TL sa kanila. So ibig sabihin tatlo pala silang magkasama?? Nakaramdam ako ng gaan ng loob dahil sa nalaman ko ngayon. Nagpaalam ako sa kanilang tatlo na ngayon ay busyng busy sa pachichikahan. Agad kong sinundan si TL kung saan siya patungo. Marami akong taong nakakasalubong kaya hindi ko siya mahabol habol. Binilisan ko ang paglakad ko at sinubukang iwasan ang mga tao. Nung malapit ko na siyang maabut at agad kong hinigit ang braso niya at napaharap siya sakin.
"TL!!! Bakit ang bilis mong maglakad hoooo! Para akong nag walkathon." Sabi ko na naghihingal pa. Tumayo na ako ng tuwid at hinarap ang nakasimangot niyang mukha.
"Bakit mo ako sinundan?? Baka magalit pa sakin ang boyfriend mo nyan!!!" Sabi niya na may inis ang tono ng pananalita niya.
"Hindi ko siya boyfriend nuh!!!"
"Bumalik ka na dun." Sabi niya saka nag walk out na naman. Sinundan ko siya sa paglakad kung saan siya patungo.
"TL! Galit ka ba sakin??" Tanong ko sa kanya na parang bata.
"Bakit naman ako magagalit sayo? May kasalanan ka bang nagawa??" Sabi niya na halatang naiirita na sakin.
"Wala naman.. kasi parang ayaw mo akong ka..kausap." Sabi ko sa kanya na parang batang may kasalanan. Humarap siya sakin at tinitigan ako ng kay talim. Kung nakakapatay lang ang tingin ni TL tyak! Dead on arrival na ako sa hospital.
"TL!!! Bakit ba kayo na punta dito?? Ang layo na ng nilakad nyo." Napalingon kami sa taong tumawag kay TL silang tatlo pala. Muntik na naming makalimutan na may kanya-kanya pala kaming kasama.
"Kumain na tayo! Nagugutom na ako guys." Sabi ni Betty. Nagsimula na kaming maglakad, ngayon ay si Edward na ang kasabay ko at kasabay ni TL ay si Debbie at Betty.
"Ayos ka lang ba talaga?? Kanina ka pa wala sa mood ehh!" Napatingin naman ako kay Edward na may kunot ang noo kaya agad kong binago ang expression ng mukha ko.
"Oo ayos lang ako. Ang kulit mo din ehhh!"
"Sorry! Nag alala lang talaga ako sayo." Sabi niya at hindi ko na siya pinansin pa.
Kumain kaming lahat sa Chowkingkong. Magkatabi kami ni Edward at ang katapat ko ay si Debbie na katabi niya sa right side ay si TL na katabi niya ay si Betty. Panay ang sulyap ko kay TL na seryosong ngumunguya sa pagkain niya. Buti nalang at hindi talaga siya na de-destruct sa mukha kong maganda. Oo nga naman! Hindi kasi ikaw ang tinitignan niya, kasi ang katapat niya ay si Edward. Busy naman silang tatlong nag uusap samantalang kami ni TL ay walang kibuan sa iba.
"Marsing! Humarap ka nga sakin." Napaharap naman ako kay Edward dahil tinawag niya ako. Nagulat ako dahil tinanggal niya yung mga pagkain ko sa mukha.
"Ayan! Para ka namang bata kung kumain." Sabi niya saka ngumiti sakin.
"Aweeee! Ang sweet mo naman Edward! Sana magkatagpo rin ako ng kagaya mo. Total package na." Sabi ni Debbie. Ngumiti lang ako ng kay hilaw. Sinulyapan ko si TL at saktong nagkatagpo ang aming mga tingin at nagulat ako dahil sa sunod niyang ginawa. Wow!!! Na wow!!! Kailangan niya ba talaga akong irapan??? Ano kayang problema niya??? Ehhh wala naman akong matandaan na may kasalanan ako sa kanya?? Bakit ang cold niya sakin ngayon?? May nagawa ba akong mali??
"Nag text si Raymark mag inuman daw tayo mamaya." Napatingin ako sa kanya na ngayon lang nagsalita.
"Sige! Gusto ko yan." Sabi naman ni Debbie.
"Kayo nalang uuwi na ako pagkatapos dito." Sabi ko naman sa kanila. Halatang sakin sila nakatingin pero hindi ko sila pinansin dahil nakakawalang gana ang treatment ni TL sakin.
"Bakit ayaw mong sumama Marsing???" Tanong ni Edward sakin.
"Ahhh may usapan kasi kami ni Mommy na tutulong ako sa kanya ngayon." Pagpalusot ko pa.
******
Pagdating ko ng bahay ay nagtungo agad ako sa kwarto ko nagmumukmok lang ako at tulala sa kisame. Buti nalang at hindi na ako kinulit ni Edward kanina sa kotse kung bakit ayokong sumama. Nakakainis!! Wala talaga akong matatandaan na nay nagawa akong kasalanan sa kanya. Hindi ko naman siya inaway.. ni hindi naman ako naging pasaway sa kanya. Ehh! Ang ganda pa nga ng kwentuhan namin sa Starbucket. Tapos ngayon nagka ganito na sya. Hindi kaya isa yung impostora??? Ohhh my ghaaad!! Bakit ngayon ko lang naiisip yun!?
Unti unti akong dinadalaw ng antok kaya hindi ko na mapigilang ipikit ang aking mga mata.
*Cellphone Ringing*
Nagising ang diwa ko dahil sa ingay ng ringtone ko. Si.. sino ba ang.. hampas lupang tumatawag sa..kin ngayon?? Sinilip ko muna bago sinagot ang taong tumawag sakin. Nakapikit ang aking isang mata at ang isa naman ang ginamit ko para tumingin sa cellphone ko. Kumunot ng sobra sobra ang aking noo ng makita na si bakla pala ang nang didisturbo sakin ngayon. Ano bang kailangan ng baklang 'to sa dis oras ng gabi???
|hello? Sana naman importante yang sasabihin mong tangina ka!!| sabi ko kay bakla na medyo mahina lang ang pagkabigkas ko dulot na rin ng sobrang antok.
|Marsy!!! Pwede mo ba kaming puntahan dito???| sabi niya na may pag alalang tono ng pananalita niya.
|at bakit naman ako pupunta dyan?? Kung umuwi na kaya kayo|
|Si TL kasi.. hinahanap ka.|
|at bakit niya naman ako hahanapin ehhh nagkita naman kami kanina.|
|ayaw niyang umuwi pag hindi ikaw ang humatid sa kanya.|
|wag nyo nga akong pag tripan. Ako Bakla sobrang antok ko pa pero sinagot ko lang ang lecheng tawag mo dahil akala ko importante ang sasabihin mo..|
|beshyy.. please nakikiusap kami sayo. Ikaw kasi ang hinahanap niya.|
|alam mo naman siguro diba na dalawang oras ang layo ng bahay ko dyan?? Bakit di nyo nalang e uwi yan! Bakit ako pa?|
|ayaw niyang umuwi pag hindi ikaw ang humatid sa kanya.|
|baka gusto niya ihatid ko siya sa lamay niya.|
|Marsy please we're not joking.. kailangan ka ni TL. Pero hindi ka namin kailangan.|
|I'm not also joking. Do you think it's a joke to be there within an hour?|
|Sige na beshy!! Ayaw talaga magpa awat ni TL ehhh!|
|o sige na!!! Pupunta na ako dyan.|
Yun ang huli kong sinabi ni Bakla saka binaba na ang tawag. TL