"Wag ka ngang abusado Kaylee. Porket ikaw ang Team Leader ng team mo hindi mo dapat inaabuso ang mga team members mo. Alam mo bang ang layo pa ng pinanggalingan ni Marsy para lang ihatid ka dito? Pano nalang kung may nangyari sa kanya? Tayo pa sisihin ng kapamilya niya. Sana inisip mo yun."
"Hindi ko naman kasi akalain na tatawagan siya nila Raymark. I was so drunk that time I didn't know what exactly happened."
"I just hope this won't happened again!"
Napamulat ako ng aking mata dahil hindi ko na gusto ang panaginip ko, nagtatalo daw si TL at ang ate niya ng dahil sakin. Ang pangit naman ng panaginip ko. Sana iba nalang ang napaginipan ko.
"Gising ka na pala Marsy. Hali ka saluhan mo kami sa almusal." Yaya ng ate ni TL. Bumangon na ako at sumunod sa kanya sa dining area. Pagdating dun ay kinabahan ako na makita siya. Hindi ko alam pero parang ngayon ko lang siya nakita ulit ng kay tagal na panahon. Nagtitigan kaming dalawa at agad siyang umiwas. Umupo na ako sa katapat niyang upuan pero para akong na tatae dahil hindi ako mapakali na magharap kami ngayon.
"Pinagsabihan ko na ang TL mo na hindi niya abusuhin ang posisyon niya. Buti nalang talaga wala nangyari masama sayo kahapon." Panimula ng ate ni TL.
"So ibig sabihin hindi panaginip yun?" Tanong ko. Para naman silang clueless sa sinabi ko kaya ngumiti nalang ako.
Pagkatapos naming kumain ay umalis ang ate niya kasama yung mga cute niyang anak. Kaya ang naiwan dito sa bahay ay.. *lunok* si TL at ako. Kung gawin ko kaya yung dapat kong gawin sa kanya?? Bwahahaha ang RATED SPG.
Ang Karahasan..
Nandito lang ako sa sala nila at busyng busy sa panood ng spongebob. Gusto ko ng umuwi