Today is our Fitness Challenge at unang sports na lalaruin namin ay Muai Thai. Nag practice muna kami bago kami nag duel. At kasamaang palad ang Team ni TL ang ka duel namin. Nag exercise at nag warm up muna kami. Tinuruan kami ng instructor namin ng right moves kung pano sumuntok at sumipa. Focus na focus ako sa game para kung kami ni Kristelle ang magkalaban ay matatalo ko siya. Ehh! Panay pa naman ang dikit niya kay TL. Oo! Alam ko kasi kitang kita sa mga mata ko na magkatabi sila, since nasa pinaka unahan sila at ako naman ay nasa huli. Makati din talaga ang babaeng 'to nuh? Alam na nga niyang meron ng Debbie si TL pero panay parin ang pagsiksikan ang sarili kay TL. Kung ako sa kanya mag mo-move on nalang ako. Pagkatapos naming mag warm up ay nag sparring kami with our partners at si Stacy nga ang ka sparring ko. Habang nagsusuntok at nagsisipa ako sa kanya panay naman ang aray niya.
"Marsy naman!! Bakit mo ba tinotohanan? May galit ka ba sakin ha?!" Pagrereklamo ni Stacy.
"Wala naman nanggigigil lang ako sayo ehh!" Sabi ko saka nagpahinga muna kami. Tagaktak ang pawis ko neto ehh!
Nakaupo kami sa sulok at tinitignan ang ibang kasama at grupo ng kabila. Nag pa-practic din si TL buti nalang hindi si sea creature ang Ka sparring niya kundi kanina pa yan aarte na nalumpo para tulungan.
"Marsy! Hindi ko yata kayang makipaglaban sa iba. Kita mo naman ang he-healthy nung ka team ni TL."
"Okay lang yan baka kayo pa ni TL ang magkalaban. Madali lang naman mapatumba yan."
"Sinong madali mapatumba?" Bigla akong nanigas at dahan dahang tumingin sa taong nagsalita. Nung nakaharap na ako sa kanya ay nag fake smile ako.
"Hehehehe." Pilit kong tawa.
"Hi TL. Hali ka upo ka dito." Yaya ni Stacy. At hindi naman siya nagdalawang isip na umupo.
"May tubig ka ba?" Tanong niya sakin. Sa twing magkatitigan kami para akong matutunaw o baka naman constipated lang ako kaya nakaramdam ako ng ganito.
"Wala! Wala akong extra dito." Sabi ko sa kanya at nag iwas ng tingin.
"Ako TL meron. Heto ohhh!" Saka binigay ni Stacy ang tubig at tinitigan ko lang siya Habang uminom ng tubig. Hindi ko alam pero masakit parin isipin na hindi niya ako magawang mahalin.
"TL anong feeling na magka grupo kayo ni Kristelle??" Tanong ni Stacy na halatang may panunukso sa tono.
"Okay lang. Hindi naman ako bitter sa kanya." Plain nyang sagot. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya.
"Oo nga naman naka move on kana kasi may Debbie ka na diba? Ayeee." Sabi ni Stacy at sinundot sa tagiliran si TL napangiti naman siya.
"Wow??? Kilig na kilig? Ganern??" Inis kong sabi sa kanya pero syempre hindi ko pinapahalata.
"Ang bitter mo Marsy ehh may Edward ka naman." Sabi ni Stacy.
"Nanliligaw ba si Edward sayo?" Ngayon ay si TL na ang nagtanong at napalunok muna ako bago sumagot dahil ang seryoso ng mukha niya, kaya umiwas na ako ng tingin sa kanya.
"Hindi.. hindi naman siya nanligaw sakin." Sabi ko at hindi siya tinignan sa mata.
"Hindi pa Marsy.. tyak malapit ng mangligaw yun sayo." Sabi naman ni Stacy.
"Ewan ko bahala siya."
"Hoy!! Choosy ka pa ehh ang gwapo nga ni Edward ehhh!"
"Sige balik na ako sa team ko guys." Paalam ni TL. Tinitigan ko lang sya habang lumalapit sa grupo nila sea creature. Tumabi siya dito at nagkausap sila. Kitang kita na napangiti si TL kaya sinundan naman ito ng halakhak ni sea creature. Siguro nag share si TL na mabaho na ang paa ni sea creature at nahiya si sea creature dahil may nakaalam ng sekreto niya.
"BWAHAHAHAHAHA!" nakuha ko naman ang atensyon nung iba pati nila TL kaya napayuko nalang ako dahil sa sobrang hiya.