*Whistle*
Pag rinig ko sa whistle ay agad akong nag serve buti nalang at pumasok sa court at hindi na out. Nasalo naman nung kalaban namin ang bola kaya sunod sunod ang ang long rally, hanggang sa pagdating ng bola kay TL ay hindi niya nasalo kaya samin ang score.
"Hahahahaha." Halakhak ko ng sobra kaya sinamaan niya ako ng tingin.
Nagpatuloy kami sa paglalaro at nagsimula ng mag serve ang kasama ko at nasalo naman nung kabilang team. Nung papunta sakin ang bola ay agad akong tumalon at nag spike, saktong natamaan ng husto ang mukha ni sea creature.
"Bulls eye!" Bulong ko sa sarili. Agad siyang pinalitan ng ibang player at kitang kita sa mukha ni TL ang pag alala kaya nag pa sub narin siya sa iba. Pinuntahan niya sa bench si sea creature at siya pa talaga ang naglagay ng ice pack sa bibig nito!!!!!!???? Sana pala nawalan nalang ng malay—
*****
Pagmulat ko ng aking mata ay nasa isang kwarto ako agad akong umupo at hinimas himas ang aking ulo.
"Beshy!!!!!! Kilala mo ba ako!!?? Ako 'to si Raymark!! Beshy!!!" Sabi ni bakla na sobrang eksaherada kung umacting sa harapan ko. Anong akala niya sakin nagka amnesia??
"Sino ka??? Isa ka bang maligno??? Bakit ang pangit mo!??? Lumayo ka sakin!!!" Sabi ko kay bakla at pilit na tinataboy siya.
"Hahahaha buti naman at nagising na yan." Rinig na rinig ko ang palapit na tawa na kilalang kilala ko, pumasok siya sa kwarto at nginitian ako saka lumapit sakin.
"Hi Marsing??? Nawala na ba ang bukol mo?? Ikaw kasi bakit hindi ka tumitingin sa bola! Yan tuloy ang nangyari natamaan ka."
"Sino bang nanalo samin?" Tanong ko kay Edward na hindi pinapansin ang mga sinasabi niya.
"Kami!" Napalingon kaming lahat kay TL na kapapasok lang sa room. Actually nandito kami sa clinic ngayon. "Why did you kiss the ball?? Hahaha!"
Tinignan ko naman siya ng masama.
"Sigurado ka bang kayo ang nanalo??"
"Of course! Why don't you look at the bulletin." Sabi niya na nakasandal sa pader at nag cross arms pa. Tumayo na ako at nag ayos muna ng sarili ko, sabay kaming apat na lumabas at bumalik sa prod. Pagdating dun ay nagsibalikan na sila sa kanilang post pati na rin ako. Nagsimula na kaming mag trabaho at nagpapadugo na naman ng ilong. After hours of working and working ay nag lunch break na ako. Syempre full ang casting ako si Bakla, Edward at Stacy. Super duper chikahan to the highest level. Maya-maya ay may isang asungot na sumali samin. Actually dalawa sila. Si Betty at Debbie. Wow! Rhymed na rhymed bff nga naman.
"Guys!! Alam nyo na ba ang balita??" Panimula ni Ugly Betty samin tapos talsik laway pa.
"Anong balita Betty?" Tanong ni Bakla at napatawa naman kami, nakasimangot lang si Betty kay bakla.
"Nanliligaw si TL kay Debbie." Pagkarinig ko sa sinabi niya ay binaling ko ang attention ko kay Debbie na ngayon ay pa ngiti-ngiti pa na parang mahinhin. Napansin ko naman ang familiar na bracelet sa kamay niya. Katulad nung binigay ni TL sakin, hindi ko napigilan ang naramdaman ko kaya tinanong ko siya.
"San mo nabili ang bracelet na yan??"
"Ahh eto bah? Bigay ni TL sakin 'to." Dahil sa sinabi niya ay pakiramdam ko ay may nabasag na salamin at may lumabas na dugo sa katawan ko. Agad kong naitago ang kamay ko sa ilalim ng mesa.
"Hi Guys! Over breaking?" Napalingon kaming lahat kay TL na ngayon ay tumabi na kay Debbie na syang katapat ng upuan ko.
"TL!!! Is it true?? You were courting Debbie?" Pag echusera ni Bakla.
"I didn't court anyone. Why did you ask?!" Ngayon ay nataranta na ang mukha ni Debbie at hindi alam ang gagawin at pinagpawisan ng husto.
"Ahhh.. Bridgete may gagawin pa tayo diba? Lets go." Sabi ni Debbie saka nagmadaling tumayo at hinila na si Betty patayo.
Hahahahaha gotcha!!!! Ang ambisyosa kasi!! Yan tuloy napahiya.
******
Agad na akong umuwi dahil antok na antok na ako. Pagdating sa bahay ay wala si mom at dad kaya ako nalang mag isa ang kumain. Pagkatapos kong kumain ay nag half bath na ako ng warm bath ko. Pagkatapos kong maligo ay may tumawag sakin, buti naman at naging considerate na sila at hindi na ako tinatawagan sa gitna ng panaginip ko. Agad kong sinagot ang tawag at hindi tinignan ang name ng caller.
"Yes! Marceline speaking, who's in the line?"
"Wow! Bakla hindi ka na wo-work ngayon kaya wag dibdibin."
"Ughh! Stacy! Anong kailangan mo??"
"Mag impake ka mamayang gabi!! Pupunta tayo sa Ancestral house nila Ruxanni sa Tarlac."
"Sinong sasama??"
"Syempre lahat ng team, and Of course your Edward." Then I rolled my eyes. Tatanungin ko sana tungkol kay TL kung sasama ba pero hindi ko nalang ginawa baka kasi magduda pa sya. Agad kong binaba ang tawag at nagsimula ng mag impake. Exciting 'to!
Dumating ang oras ng aming pagkikita, nung makarating na ako sa terminal ng bus ay may isang van na nakaparada dun. Ito na siguro ang van na sinasabi nila. Agad akong lumapit sa van at saktong bumukas ang pinto nito ay ang mukha ng maligno ang bumungad sakin.
"Habit mo ba talaga mag agaw eksena Beshy!!! Ikaw nalang ang hinintay!!!" Sabi ni Maligno este ni Raymark. "Dun ka sa pinakahuli! Kasi late kang dumating." Dagdag niya pa.
Papasok na sana ako sa last seat pero natigilan ako ng ilang segundo nung nalaman ko na si TL ang katabi ko, nagkatitigan kami ng ilang minuto at agad na din akong umiwas para hindi sila makahalata. Pagkaupo ko ay hindi ko mapigilan ang kaba, para akong nililitis. Hindi ako gumagalaw para akong isang patay na nasa kabaong.
"TL! Look oh! It's so cute." Ngayon ko lang napansin na si Debbie pala ang katabi niya. May pinapakita siyang isang sss post ng friends niya kaya napa rolled eyes nalang ako.. TL! Look oh! Its so cute!! Pag mimic ko pa na may malanding tono sa boses ko. Ang OA!!! Kinalabit ko si TL at tinignan naman niya ako, ngumiti ako sa kanya at tinuro yung baka sa may damuhan.
"TL look oh! Its a kew!!!" Tinignan naman niya ako na parang na we-weirduhan siya sakin. Kaya hindi ko nalang siya pinansin.
Nagpatuloy ang byahe namin since its 5 hrs drive from the city. Napansin kong natutulog na ang iba pa naming kasama. Nagulat ako ng husto dahil nakasandal na ang ulo ni TL sa shoulder ko kaya mas lalo akong hindi nakagalaw. Sobrang likot ng ulo niya dahil nag he-head bang siya kaya ang ginawa ko ay sumandal ako ng maayos at pinwesto ang ulo niya ng maayos at hinawakan ko ang ulo niya para hindi mag head bang. Mag picture ako once in a blue moon lang to. Perfect!!!
*****
"Marsy!! Gising na! Nandito na tayo." Unti unti akong nagmulat ng mata at nakita ko si Stacy nakatayo sa labas ng van. Nilibot ko ang paningin ko at ako nalang pala ang naiwan sa van. Ang sama ni TL!!! Hindi man lang ako ginising. Lumabas ako ng van at nagbinat, sobrang sakit ng pwet ko. Pumasok kami sa isang malaking gate na puro kalawang na. Pagpasok namin sa loob ay natatanaw ko na ang Ancestral House nila Ruxanni. Malaki ito at halatang prineserve ng husto may paint na puti ang labas ng bahay, at nakabukas lahat ng bintana. Ilang taon na kaya ang bahay na 'to.
Nung nakarating na kami sa bahay ay pumasok na kami ni Stacy. Para kang nag ta time travel sa panahon ng Kastila halatang iningatan talaga ang mga kagamitan dito. Malaki ang espasyo at may isang piano sa gilid nung makarating kami sa sala ay nandun silang lahat nag chikahan. Nagkatitigan kami ni TL nung palakad ako papunta sa pwesto niya. Agad naman kaming nagkaiwasan ng tingin dahil naiilang kami sa isat isa.
"Ruxanni buhay pa pala ang lolo at lola mo nuh?" Sabi ni Betty na nasa katapat na upuan namin. Agad namang kumunot ang noo ni Ruru dahil sa sinabi ni Betty.
"Ha?? Buhay pa ang lola ko na meet nyo naman siya kanina diba?? Ehh yung lolo ko yun ang patay na."
"Ehhh sino yang nakatayo sa may bintana??"
"AHHHHHHHHHH!!!! Napasigaw kaming lahat dahil biglang nag off ang ilaw at dahil sa sinabi ni Betty eh pano naman kasi walang taong nakatayo sa bintana. Nagsitakbuhan yung iba at ako ang natira sa sala na hindi na gumagalaw. Napansin kong may humawak sa kamay ko kaya pinagpapalo ko ito ng husto.
"Are you just gonna stand there??? It hurts ha!!!"
"TL???"
"Let's go!!!" Saka tumakbo kami at pumasok sa isang madilim na kwarto. Nasa harapan kami ng pintuan at magkahawak kamay parin kami.
"Is there someone here??" Tanong ni TL.
"TL??? Kayo ba yan??" Tanong ni Betty.
Biglang umilaw ang paligid at nakita namin sina Betty, Stacy, Bakla, Edward at iba pa. Agad napabitaw si TL sa kamay ko