Chapter 18

2155 Words
"Ano ba kayo?? Gusto nyo pa bang ipagpatuloy 'to?? Alam nyo bang alas dose na ng gabi??" Sabi ni Stacy na halatang takot na takot na. "Ano ba kayo!! Eh halos ganito din yung oras na dumating tayo dito." Paliwanag naman ni Ruru. "Hindi na tayo pwedeng umatras ehh nasimulan na natin 'to." Sabi naman ni Betty. Kasalukuyan kasi kaming nag spirit of the glass, dito parin sa Ancestral House nila Ruru. Pano kasi wala na silang iba pang naisip na laro kundi itong spirit of the glass.. spirit of the glass na'to. "Magtatanong na ako guys and boys and girls and lesbians ok!" Panimula ni bakla. "Kaluluwa.. ito ang katanungan ko sayo. Isa ka bang straight? O isa kang kadugo ko." Agad ko siyang nahampas sa pamaypay ko nung narinig ko ang napaka meaningful niyang tanong. "Mag ayos ka nga!!! Baka hindi ka pa sagutin niyan!!" Sabi ni Betty. "Osya-osya.. Sino ka at anong pangalan mo?" Nagsimula ng magtanong si bakla ng seryoso. Nagulat kaming lahat dahil bigla nalang gumalaw ang baso. Dahan-dahan itong pumunta sa letter R O G E R. "Roger??" Sabay-sabay naming nabanggit lahat. "Bakit hindi ka pa tumawid sa kabilang buhay?" Tanong naman ni Betty. Dahan dahan na naman itong gumalaw sa I L A W. Ilaw! "Baka hindi niya pa nakita ang ilaw. Brown out siguro kaya hindi siya makakita." Agad kong hinampas si bakla dahil nag uumpisa na naman siyang manggulo. Gumalaw na naman ang baso at dahan dahan itong pumupunta sa mga letra. Hanggang sa nabasa namin ang gusto niyang ipahayag. "Kailangan niyang sumapi sa isa satin dahil baka may unfinished business pa siya." Sabi ni Stacy. Bigla nalang nag seizure si bakla at walang tigil ito sa paggalaw. Hanggang sa nagsitakbuhan na ang lahat. Nakapasok ako isa sa mga kwarto na hindi tinutulugan dun. Madilim ang paligid kaya nagmadali akong tumalon patungo sa higaan. "Ahhhhh!!! Stacy!!! Bakit kailangan mong mang gulat??? Kanina ka pa ba nakahiga diyan??" Sobrang gulat ko na may kasama pala ako dito sa kwarto. Buti nalang at hindi ako nag iisang pumasok dito kundi baka may multo na pala akong kasama. "Do you think ayos lang si bakla dun sa labas Stacy?" Naghintay ako ng ilang segundo para sumagot si Stacy pero wala talaga akong narinig mula rito. Baka nakatulog! Wait imposible namang makatulog agad. Ohhh! My ghaaad!! Don't tell me isa itong multo!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD