Chapter 11

2082 Words
Naisipan ng D' barkadzzz na mag videoke kami ngayon kaya nandito kami sa isang private ktv bar. Yung iba nag inuman ang iba tutok sa pulutan. "Magpapakalasing aketch para ma r**e ako ni papa Edward." Landing sabi ni Bakla na naka mic pa. "Hoy!!! Mahiya ka naman kay Marsing!!" Sabi naman ni Edward. "Ayeeeeee!!! Kayo bang dalawa ay mag jowa nah??? Bakit hindi nalang kaya kayo umamin." Sabi naman ni Stacy. Yung iba ay may kanya-kanyang business na ginagawa, ako tawa lang ako ng tawa kasi hindi naman totoo. Si TL.. nasa isang sulok nagmumukmuk. Actually para siyang sadako. Nakakatakot ang aura niya. Yun bang sobrang dark. May ghaaaadd!! Hindi kaya nasapian na si TL??? "Marsy baka matunaw si TL!" Pag anunsyo ni Raymark na naka mic. Agad namang napatingin si TL sakin kaya umiwas ako ng tingin. Kinuha ko ang pamaypay at pinagpapalo ng husto si bakla. "Leche ka!!!! Nag alala ako kay TL kasi baka nasapian na siya ni Sadako!!!" Sabi ko at pinagpatuloy ang pagpalo kay bakla. "Kaninong kanta 'to?" Tanong ni bakla na lumayo na sakin. Ilang oras kaming nag videoki dun at masayang nagkakantahan. Napansin ko naman na tahimik lang talaga si TL, tumayo siya at nagsimula ng lumabas ng room agad ko naman siyang sinundan at naabutan ko siya waiting area umupo at busy sa paggamit ng phone niya. Nilapitan ko na siya at tumabi na ako sa kanya. Nagulat naman siya ng husto na makita akong nakasunod ako sa kanya at nginitian ko lang siya. "Bakit ka nandito? Isn't Edward going to find you?" "Bakit naman ako hahanapin ni Edward? Wala namang kami." "Hindi ba chinismis na kayo na dahil palagi kayong magkasama?" "Hindi nuh! We're just friends, plain friends." "Hindi ba siya nanliligaw sayo?" "Hindi rin!" "So pwede kang ligawan?" Natahimik ako at napatulala nalang na nakatingin sa kanya dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Anong ibig niyang sabihin? "Pwedeng may ibang manligaw sayo. Ang dami mong admirers sa ibang team tyak! Gagawa yun ng paraan." Dagdag niya. Bumalik naman ako sa huwisyo dahil yun pala ang ibig niyang sabihin. Umaasa parin ako na balang araw makukuha kita Kaylee. Pero tingin ko ang labo. Kahit kailan hinding hindi ko mapapantayan si sea creature sa puso mo. Sabay kaming bumalik ni TL sa loob at hindi ko na na enjoy ang gabing 'to dahil sa sinabi niya kaya nag busy-busyhan nalang akong maghanap ng kanta. Agad kong kinuha ang remote at nag type nung number sa kanta. "San ka galing?" Bulong ni Edward sakin. "Tumae ako balak mong sumama kanina?" Pagbibiro ko sa kanya. "Hindi nuh! Nakakadiri ka naman." Sabi niya na parang bakla kaya napahalakhak ako ng tawa. Sabay hampas sa balikat niya. "Hoy!!! Tama ng landian kanta mo na girl!!!" Sabi ni bakla kaya agad kong inagaw ang mic sa kanya at tumayo ako sa harap para mas maramdaman ang kanta kong inaalay para sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD