Pagdating ko sa production ay nandun na ang iba ko pang kasama. Nasan kaya si TL? Ano kayang nangyari sa kanya? Ilang minuto at mag sisimula na akong mag take ng calls para madali lang akong matapos ngayon. May feeling ako na maganda ang mangyari ngayong araw na'to. Yiheeee feeling positive! Nagsimula na akong mag take ng calls at so far so good lang.
Maya-maya ay nakita ko si TL na parating sa post niya ngumiti ako sa kanya pero nakasimangot lang siya. Ano kayang problema niya? Akala ko ba ok na kaming dalawa? Pero bakit nag iba ang aura niya? Siguro constipated lang kaya hindi maganda ang pakiramdam.
After taking calls ay mag lu-lunch break na sana ako nung dumating si Edward sa station namin.
"Marsing! Sabay tayo mag lunch!"
"Sige bah!"
"Uy! Sama naman ako." Sabi ni bakla kaya kaming tatlo ang kumain sa pantry, nung nagpaalam ako kay TL ay wala man lang siyang kibo. Ano ba talaga ang nangyari sa kanya? Nag alala na talaga ako. Pagdating namin sa pantry ay nag order na agad ako ng pagkain at naghanap ng mauupuan buti nalang at may bakante.
"Anong nangyari Kristelle? Nagkabalikan ba kayo?" Pasubo na sana ako ng pagkain pero natigilan ako nung narinig ko ang isang babae na ka table namin na kausap si Kristelle. Lumaki na naman ang tenga ko literally.
"Hindi! Nagalit kasi siya na gusto kong malaman kung sino ang nag text sa kanya." Hindi ko tinignan si Kristelle kasi baka magka sore eyes pa ako napaka dami pa naman niyang germs at bacteria.
"Baka gumaganti siya sayo!"
"Hindi ko rin alam! Ang sabi niya mas mabuting mag part ways na talaga kami."
"So suko ka na?"
"Wala na akong magawa kung ayaw niyang makipagbalikan sakin since galit talaga siya sa ginawa ko. Sino namang hindi diba?"
Buti alam mo!!! Ang kapal din ng mukha mo ikaw pa ang nangloko ikaw pa magalit??!! Sus!! Ang sarap mo ng lutuin hipon!!! Pagkatapos naming kumain ay hindi pa kami bumalik sa prod kundi tumambay muna kami ng clinic. Pagdating namin dun ay sakto namang hindi maraming tao kaya nakiupo kami sa bed dun.
"Hi everyone?!" Bati ko sa dalawa kong nurse na kaibigan.
"Hi Marceline tagal mong hindi pumunta dito ahhh!" Sabi ni Danika yung isang nurse.
"Pasensya na friend kasi medyo busy ang lola mo ngayon." Pagbibiro ko sa kanya.
"Naku! Baka busy sa love life." Pagtutukso naman nung isang nurse na si Hart.
"Sana nga nuh! Magka love life na ako. Kating kati na akong magka love life."
"Marami namang nagkagusto sayo ahhh! Sa team ko." Sabi ni Angelo yung tomboy na sobrang suki na magtambay dun sa clinic.
"Ewwww!! Mukha naman silang mga trabahador nuh!"
"Choosy ka pa buti nga may nagkagusto sayo." Dagdag pa ni Angelo.
"Syempre nuh!!! Ipapamigay mo lang ba ako sa mga chaka!!??? Hindi yata ako papayag dyan!"
Biglang bumukas yung glass door sa clinic at bumungad samin ang isang napaka torong mukha ni TL. Uhh ohh!
"Pinaswelduhan ka ba ng mga head mo para magtambay dito at makipag chismisan lang!?" Galit niyang sabi na nakatingin sakin. Hindi naman ako agad nakapagsalita dahil sobrang inis ng pagmumukha niya.