JC's POV
Nagising ako na hindi maayos ang pakiramdam ko. Nakasuwero pala ako, sa pamamagitan nito alam ko na medyo matagal ang paghihilom ng sugat ko. Hinahanap ko ang aking cellphone upang tawagan ang isang tauhan ko para magbilin. Inobserbahan ko muna ang paligid ng kuwarto ko kasabay ng paggala ng aking mga mata na may hinahanap.
Nang payapa naman,bumangon ako upang ipagpatuloy na hanapin ang cellphone na kanina ko pa gusto makita. Hawak ko ang suwero ko, naglakad ako na nagtungo sa isang lamesita na malayo sa akin. Napahawak ako ng mahigpit sa bakal na sabitan ng suwero dahil nakaramdam ako ng pagkahilo. Mariin akong pumikit dahil nakakakita na talaga ako ng mga bituin. Marahil di pa ako kumain sa kalagayan kong ito.
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Muntik akong matumba ngunit madali akong nadaluhan ng taong tuluyan ng nakapasok. Napahawak ako sa kanya at pumikit ako para makalma ang sarili. ko. Huminga ako ng malalim at nagbuga ng hangin.
"Ano ba hanap mo boss?, tanong nito sa akin.
"Pakihanap ang cellphone ko, please", utos ko sa kanya.
"Maupo ka muna Boss", sabi nito habang palinga-linga na hinanap ang bagay na iyon. Nakita kong binuksan niya ang drawer sa kabilang banda ng kama ko. Nakangiti niya itong itinaas sa ere. Parang bata na nakahanap ng lollipop na pinapakita sa ina.
"Nahanap ko na Boss", pagmamayabang nito sa akin.
"Good", sagot ko sa kanya. Inabot ito sa akin saka ko binuksan ito.
"Ano ang pakay?", pagtatanong ko habang nakatingin sa ginagawa ko. Binaba ko muna ang cellphone ko para mapakinggan ang sasabihin niya.Ngumisi muna ito bago nagsalita. Wala akong kibo habang naghihintay na magsalita.
"Nagkita na pala kayo kay Doktora Kate?. Siya ang nag-asikaso sa iyo", balita nito sa akin. Natahimik ako sa sinabi niya. Maalala ko nung araw na nabaril ako, iyon din ang araw ng pagdating nila. Ako ang nagresponde para makarating ng maayos dito sa kampo.
"Natahimik ka Boss?"
"Oo maalala ko sila?", pagsagot ko kay Lando.
"Ang ganda niya Boss", dagdag pa nito na nagpakunot ang noo ko. Tumingin na lamang ako sa kanya na walang lumabas na salita sa bibig ko. Iba na naman ang laman ng isip ng taong ito sabi ng utak ko. Tumingin ako sa kanya na nakairap.
"Oh Boss bakit ganyan ang tingin mo sa akin"?
"Pilyo ka, kararating pa lang nila dito sa kampo iba na ang iniisip mo.", asik ko.
"Ikaw Boss, iba ang iniisip mo", ganti niya sa akin.
"Nagkuwento lamang ako, iba na ang kahulugan sa iyo", pagtatanggol niya sa kanyang sarili.
"Alam ko na Boss nagugutom ka sa lagay na iyan",sabi niya.
"Gutom na nga ako", sagot ko agad. Pagkarinig sa sinabi ko agad siyang lumabas ng kwarto upang makakuha ng pagkain. Naiwan akong nakaupo sa may lamesa na nakahawak pa rin sa hawakan ng suwero. Hinihintay ko ang pagbalik niya dahil rinig ko na ang pagtunog ng tiyan ko.
Hinanap ko ang wall clock ko ng masulyapan ko ang oras. Alas-otso na ng gabi kaya pala iba na ang pakiramdam ko. Napahaba pala ang tulog ko. Kunting pahinga pa maging maayos na ang sugat ko habang papahilom.
Pagkatapos ng trenta minutos, dumating na si Lando upang dalhan ako ng pagkain. Umalis ako sa pagkakaupo sa lamesa upang lumipat sa upuan na katabi nito. Nilagay ni Lando ang hawak niyang plato sa lamesa at nagsimula na akong kumain. Lumabas siya muli upang kaumain na rin.
Pagkatapos ko kumain, ngpupunas ako ng bibig ng bumalik siya kasama ang iba pang kailangan ko sa loob ng kwarto. Nilapag sa sahig saka umupo sa isang upuan na malapit sa akin. Kasalukuyan siyang nagtitipa sa kanyang cellphone ng lingunin ko ito. Nang mapansin niya ako na magsasalita, itinago niya muna sa kanyang cellphone ang hawak niya.
"Ano ang schedule ninyo bukas?", tanong ko sa kanya.
"Isa ako sa mga escorts nila doktora bukas sa unang lugar na babakunahan Boss", pagsagot niya na hindi lumilingon sa akin.
"Mainam para sa kanilang kaligtasan", wika ko kasabay ng pag-abot ko ng tubig sa may tray.
"Magpahinga ka muna Boss para ikaw na muli ang makakasama namin", sagot sa akin.
Tumayo siya upang ligpitin ang pinagkainan ko. Nagpaalam na siya upang tuluyang makalabas sa kwarto. Pagkatapos ko maipahinga ang kinain ko tumayo ako ng dahan-dahan para makabalik sa aking higaan. Bago ako tuluyang makaupo sa kama, nakita ko ang note sa taas ng lamesita na katabi ng kama ko.
Nakasulat duon ang mga gamot na iinumin ko ayon sa oras. Ngayon ko lang ito napansin sa tagal kong nakaupo kaninan. Kinuha ko ang isang kapsula na may nakasulat na,"after meal" na agad ko ininom. Saglit pa akong nanatili sa kinauupuan ko bago mahiga.
Naisip ko ang isang araw na nakatulog ako, malaman ko na si doktora De Vera ang nag-asikaso sa akin na kararating galing ng Manila. Alam ko na tungkulin niya ito pero bakit parang nakaramdam ako ng kakaiba. Di ko malaman kung masaya ako o mahihiya. Sa tanan ng buhay ko sa serbisyo na ito ngayon pa lang ako makaramdam ng ganito hindi maipaliwanag.
Humikab ako na tanda na dinadalaw na ako ng antok. Pinikit ko na ang mga mata ko upang maglakbay para sa mahimbing na pagtulog. Mga sampung minutos pa lang na nakakatulog ng maramdaman ko na ngbukas ang pintuan. Ngunit hindi na ako ngmulat dahil ginugupo ako ng tulog marahil sa gamit na ininom ko.
Malambot ang kamay na dumampi sa braso ko. Pamilyar ang kamay na iyon malambot siya. Bigla ko naisip na binisita ako ni doktora De Vera. Gusto ko imulat ang mga mata ko ngunit di ko magawa dahil hila na talaga ang mata ko sa antok.
Nakaramdam ako ng mahapdi sa balikat ko na nakabenda ngunit madali itong nawala. Inisip ko na nilinisan niya ang sugat ko. Hinayaan ko na lamang kung ano pa ang dapat niyang gawin. Hanggang di ko na namalayan ang lahat.
Pagmulat ko ng mga mata ko,wala na akong suwero. Maayos na ang pakiramdam ko wala na ang hapdi sa sugat ko. Ito ang oras ng exercise namin kasama ang batalyon ko. Bumangon ako agad at lumabas ng kuwarto ko.
Nang makalabas ako ay nakita ko sila Lando na nakapila na para sa morning routine namin. Naghinhintay na lang sila ng utos upang magsimula na. Hinayaan ko muna sila na hindi ako makakasama dahil mag-aadjust pa ang katawan ko. Maaari bukas pwede na akong sumabay sa kanila.
Umikot ako sa kampo, lahat ng nakakakita sa akin sumaludo. Tumango lang ako sa kanila bilang pagresponde. Mga alas-kuwatro pa lang ng umaga, at malamig ang simoy ng hangin. Umikot ang mga paningin ko sa kampo nanibago ako dahil tatlong araw na hindi ako lumabas mula ng nabaril ako.
Nakita ko ang bagong gawa na pahingahan,tatlo ito at bawat pahingahaan ay dalawa ang mag-okupa. Marahil tulog pa ang mga doctors sa oras na ito, sabi ko sa isip ko. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad para maka exercise na ako sa araw na ito. Nagsimula na akong pagpawisan at unti-unting nabasa ang aking t-shirt.
Napahinto ako ng may lumabas sa isang pahingaan, nakasuot ng pang jogging na kasuotan. Bagamat nakatalikod ito nakikita ko ang kurba ng kanyang katawan. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko kasabay ng aking pagmura ng pabulong. Hindi ko maalis ang aking paningin sa kanya na nagsimulang mag-inat para magwarm-up.
Nagsimula na siyang mgjogging,mabagal ito. Dahil malayo na ang batalyon na kinabibilangan ni Lando, hindi nila ito makikita. Patungo naman ako kung saan siya dumaan kanina. Patuloy lang siya sa pagtakbo na hindi lumilingon sa likod dahil kapag ginawa niya iyon makikita niya ako na naglalakad lamang.
Habang naglalakad ako iniisip ko kung sino siya? Hindi ko pa sila nakikilala sa personal dahil sa mga pictures ko lang nakita ang mga pinadala rito na mga manggagamot sa isang misyon. Nagpunta ako sa mga tauhan namin na nagbabantay, malapit na ang shift nila. Mga alas-sais ang palitan ng mga pang-umaga dahil matutulog naman ang mga nakaduty ng gabi.
Pagkatapos ko nagpahinga bumalik ako sa kwarto para kumuha ng damit para maligo. Ako palang ang nauna sa paliguan namin dahil maaga pa. Nagmadali akong maligo saka lumabas na ng banyo. Alas singko na kaya marami na ang gising at ang iba sa kanila ay nagluluto ng pang-umagahan.
Naghahanda na ako para makapasok sa opisina ko dito mismo sa kampo. Tiyak marami akong gagawin lalo na sa mga gaganaping misyon dito. Patungo ako sa kusina upang i-check ang naka toka sa kusina kung may pagkain na. Sakto na nakabalik na ang isang batalyon na nag jogging.
Nabungaran ko na nakahain na pala. Mangilan-ngilan na ang mga kumakain. Ang mga iba naman ay nakalagay sa lalagyan na nakahiwalay para sa mga wala sa kusina. Kumuha ako ng pagkain ko at kumain na sa may lamesa na bakante.
Magana ang kain ko bukod sa masarap ay ngayon ako ulit makakain ng wasto. Kasalukuyan akong nagsusubo ng pagkain ng dumating ang grupo ng mga doctors. Inalalayan sila ng mga tao ko. Hindi muna ako nag-angat ng mukha dahil paubos na rin ang kinakain ko.
Ramdam ko ang mga titig sa akin ng mga mata sa kabilang lamesa na katapat ko. Hindi ko muna ito pinansin dahil may kausap na ako ng mapansin nila ako. Tumayo ako para lumabas sa kusina. Ipapatawag ko na lang mamaya ang grupo sa opisina ko para duon ko sila kausapin.
Nasa opisina ako ngayon, marami nakalagay na folders na na naglalaman ng mga reports at iba pa. Dahil maaga pa, aayusin ko muna para makabawas na ako ng gagawin. Pagpatak ng alas-otso naghihintay na ako ng papasok sa opisina para sa mga iba pang trabaho. May kumatok sa pinto ko at pinapasok ko agad.
Bumungad sa akin ang pigura ng magandang dalaga, kung hindi ako nagkakamali siya si Doctora Kate. Napalunok ako dahil sa naalala ko nung oras na bumalik ang malay ko. Nahaplusan ko ang kanyang kamay na malambot. Hindi ko namalayan na nakalahad na sa harap ko ang kamay niya upang makipag shake hands.
"Bakit ba ako natutulala?" pagtatanong ko sa isip.
"Hello captain, I am Katherine De Vera, the Chief Doctors from the group. Nice meeting you sir", mahaba niya litanya.
Bigla akong natauhan at napatingin sa maamo at nakakaakit nitong mukha . Nakalabas ang mapuputi at pantay nitong ngipin. Kumurap pa ako upang makabawi sa sarili ko. Tumikhim ako para di makahalata ang kaharap ko.
Binawi niya ang kanyang kamay dahil napagod sa paglahad ng matagal. Naupo muna siya sa katapat kong silya. Bago pa magsalita ay inilahad ko ang kamay ko. Tinanggap nito ang kamay ko, sa ikatlong pagkakataon nakadaupang palad ko ang malambot na kamay na ito na nasasanay na sa balat ko.