First Met
Paalala:
Ang mga nilalaman ng kuwentong ito ay pawang kathang-isip lamang ng may akda nito. Anuman ang pagkakatulad ng mga salitang ginamit at pangalan ng tao, hayop,lugar at kaganapan ay nagkataon lamang at di sinasadya.
Ang mga mambabasa ay dapat nasa edad na 18 pataas lamang. May mga salitang ginamit na hindi pangkaraniwan, sensitibo at di karapat-dapat sa mga minor de edad.
Salamat,
luckygirl
Joshua Clark (JC) POV
JC was shot and lost conciousness, Kate will be the doctor to examine him and give the medical attention. She needs to check every detail of his body. She must put her fingers on the wrist hand of the guy to check the pulse but when she accidentally put her palm on top of his chest, she felt his heart beat was so fast.
Naramdaman ng lalaki ang malambot na palad ng doktora na umaasikaso sa kanya. May kakaibang kuryente na dumaloy mula sa kanya, tinutulak ng kanyang utak na hawakan ang kamay ng dalaga sa may dibdib nito. Lingid sa magandang doktora na bumalik na ang ulirat ng lalaki. Walang pasabi ang lalaki na ipinatong nito ang kanyang kamay sa ibabaw ng kamay ng dalaga. Malambot ito at mainit, huli na ng bawiin ang dalaga ang kanyang kamay.
"He's awake," she shouted. Her colleagues running, bringing all the medical stuffs to use para mas lalo pa nila maobserbahan ang lalaki. Dahil tumagos ang bala mula sa pagkakabaril sa binata, minor procedures ang ginawa sa kanya. Mabilis nila natapos ang dapat gawin kaya naman bumalik na ang mga kasamahan ni Kate sa kanilang booth.
JC opened his eyes and saw the beautiful and angelic face of Kate. Kumurap-kurap pa ito para malaman kung totoo ang nakikita o nasa langit na nga ba siya at anghel na talaga ang kanyang nakikita? Lumingon siya sa paligid pero nag-iisa lang ang dalaga na naiwan sa kuwarto ni JC.
“Who are you?”, Tanong ko sa anghel na nasa harap ko. Nakahiga ako sa kuwarto ko dito sa kampo namin. Hindi siya sumagot sa akin kundi tinititigan lang ako. Tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa saka natuon ang kanyang mga mata sa aking balikat.
Sinundan ko ng tingin ang kanyang tinitingnan, iyon ay ang aking balikat na nakabenda. Itinaas ko ang kaliwang kamay ko upang haplusin ang kanang balikat ko na tinamaan ng bala ng maramdaman ko na nakadextrose pala ako. Napangiwi ako ng maramdaman ko ang pagkamanhid ng kanang braso ko.
“Captain Bernardo,don't move too much. For now you have to sleep and have a rest.”
“ Hayaan mo muna iyang sugat mo na makapag-adjust sa gamot na itinurok ko.”aniya
Hindi na ako sumagot dahil naramdaman ko na ang epekto ng gamot, nanghihina na inaantok na ako. Pumikit na ako para antayin na gumupo ang antok. Naramdaman ko naman ang mga yabag ng paa ng doktora palabas ng pinto. Tahimik ang kuwarto na tanging tunog ng aircon ang naririnig
Flashback
Kadiliman ang
naaninag ko habang iniisip ko ang mga sunud-sunod na nangyari bago ako nabaril. Matatatandaan ko nasa conference room kami para sa meeting namin dahil sa paparating na Medical Mission ng isang kilalang hospital dito sa Pilipinas. Anim na mga doktor ang representative nila kasama na duon ang isa sa mga Chief Doctor nila.
Maraming diskusyon para sa preparasyon na aming napag-usapan ng mga kapwa ko opisyal saka namin inipon ang mga tauhan namin para ipaalam ito sa kanila. Puspusang pagpapaliwanag at pag-aasikaso para sa mga paparating na bisita. Nakahanda na ang lahat maging sa pagsundo sa Airport hanggang makarating dito sa kampo. Nakapaglagay ng mga security devices sa mga susundo at nakamonitor thru CCTV camera.
Pinapunta ko ang mga tauhan ko sa mga lugar na pagganapan ng mga Medical Missions para masigurado na lahat.Malaman namin na nakahanda at protektado ang lugar, pwede na bumiyahe ang mga bisita. Masaya naman ang mga tauhan ko dahil pulido lahat ng kanilang mga trabaho, lalo na ako na kanilang opisyal.
Araw na ng pagdating ng mga bisita namin, limang oras bago sila lalapag sa Airport nagkalat na ang mga tauhan namin may kanya-kanya kaming parte na gagawin. Kami na mga opisyal nakaabang sa knila, tatanggap ng back-up kapag nagkaproblema. Kasalukuyan akong nasa opisina ko na nakamonitor sa papalayong sasakyan ng mga kasama ko. Hindi ko na hihintayin pa ang technician na magmonitor sa CCTV basta ako dapat alerto ako lagi.
Sa kalagitnaan ng daaanan ng mga tao ko, nauuna ang tatlong mobile car at sa di kalayuan tatlong mobile car sa likod ang sumusunod. Sa hulihan ay ang tangke. Mahahabang talahiban ang daanan kasama pa ang mayayabong na mga punong- kahoy at malawak na niyugan bago marating ang bayan. Presko ang biyahe kahit mahaba pa ito.
Mataman akong nakatitig sa monitor ng mga CCTVs, habang naririnig ang mga boses ng mga tauhan ko sa radyo. Tumingin ako sa technician na kasama namin busy sa katitipa sa kanyang laptop na hawak saka nililingon ang mga monitor ng kamera. Lumabas muna ako sa kwarto na iyon para bumili ng makakain at makapag miryenda na dahil alas-diyes na ng umaga.
Mabilis kong kinain ang miryenda ko saka nagpabalot na ako para sa taong kasama sa loob. Iniabot ko na pagkadating at mabilis pa sa alas- kwatro itong kinain ng kasama ko.
Lumabas ako at nagtungo sa opisina ko dahilan na itutuloy ko ang mga trabaho ko. Binuksan ko ang laptop ko at radyo habang tuloy-tuloy ang pagmomonitor sa mag nagsusundo naming mga tauhan. Pagkatapos ng mahabang oras positive na pabalik na ang mga tao namin. Doble alerto dahil ibang daanan na ang tatahakin na nila kasama ang mga bisitang mga doctor.
Isang code ang narinig ko na nangangahulugan na nasa peligro sila sa kalagitnaan ng biyaheng pabalik. Sumaklolo agad ang ibang tauhan namin habang ang ibang grupo dito ay naghahanda sa utos maging ang mga gamit na panlupa at panghimpapawid ay nakahanda na sakaling maghudyat ng senyas. Nagsalita ako sa radyo para sa agarang tulong kung sakali man.
Patagal ng patagal ang putukan, dahilan upang pumunta na ang tatlong grupo ng mobile na sasakyan hudyat na palala ang engkwentro ng mga kalaban. Nailipat ng sasakyan ang mga doktor papunta rito pero malayo pa ang mga ito marami pang tao ang magrerescue at irerescue. Mabilis pa sa alas-kwatro ang utos ko sa panghihimpawid na sasakayn upang pumunta sa lugar mismo. Humagibis akong sinukbit ang aking mahabang baril at patakbong tumalon sa chopper na papaalis na.
Napatay ang mga kalaban, may mga nasugatan na mga tao namin. Pabalik na sila sa kampo sa ibang direksiyon na sila manggaling magkahiwalay sa mga bantay ng mga bisita. Nasa himpapawid pa kami ng may bumabaril sa amin. Nakipagpalitan ang mga kasama ko sa chopper kaso nasugatan sila. Inasinta ko ang baril ko at nagpaputok ng sunud-sunod. Narinig ko sa monitor na lumipad na rin ang ibang chopper upang sumaklolo.
Matagal ang pagpalitan namin ng putok, habang tumatagal dumadami at painit ng painit ang laban. Sa pagkakaalam ko ibang grupo na naman ang dumating para tumulong sa amin maliban pa ang nasa lupa naming mga tauhan. Nagpaulan ako ng bala na nanggigil na halos bawat bala na kumkawala isang buhay ng kalaban ang nawawala. Marami ng sugatan sa mga kasama ko hindi alintana ang sakit at hapdi.
Ilang minutos pa ang nakalipas bago natapos ang putukan, mabilis na nagbuwelta ang chopper upang bumalik sa kampo dahil lulan na ng ibang chopper ang mga bisita at nakarating na sila sa kampo. Habang nasa loob ng chopper isa-isa kong tinutulungan ang mga tao ko gamutin ang kanilang tama. Sa may bandang kanang balikat ko, nakaramdam ako ng mainit na likido. Madali kong kinapa, diko pa man nakikita ito alam ko may tama ako at nagdurugo na ito.
Madali kong inalis ang leather jacket ko upang malinisan at malagyan ng benda ang mga sugat ko. Nang malinisan uminom ako agad ng gamot. Sa sobrang pagod ko sa pagpapaputok kanina sa mga kalaban diko naramdaman na tinamaan ako. Habang papalapit na kami sa kampo di ko na rin naramdaman ang pagbaba ng chopper.