Sinamantala ni Samara ang pagkakataon na kumpleto ang mga kaibigan niya at naroon si Mama para ilaalam sa mga ito ang kaniyang desisyon. "Gusto na sanang bumalik sa pag-aaral. Gusto kong... magkaroon ng bagong buhay." panimula niya habang nilalaro ang mga daliri. "Handa na akong talikuran ang nakaraan ko. Hindi na ako mabubuhay pa sa alaala ng nakaraan ko at hindi na muli pa akong tatapak sa anino ng dati. Mabubuhay na ako ngayon para sa kinabukasan ko." Nanatiling nakayuko si Samara dahil natatakot siyang makita ang reaksyon mula sa mga ito. Galit? Panghuhusga? Panunumbat? Sino sa kanila ang may mga ganitong reaksyon? Nakita niya ang kamay ng kinilalang magulang na inaabot ang kamay niya at pinisil iyon. "Mabuti naman at buo na ang loob mo." Dahil doon ay napaangat ng ulo si Samara a

