Hindi maapuhap ni Samara ang mga salitang nais sabihin ng mga oras na iyon matapos marinig ang sinabi ni Callan. Marahil ay dahil hindi niya iyon inasahan at dahil marahil ay inihanda na niya ang sariling marinig ang mga masasakit na salitang sasabihin nito sa kaniya. Inihanda na niya ang sarili niyang masaktan at ipagtabuyan nito kaya ano ito? Talaga bang... tinatanggap siya ni Callan sa kabila ng nakaraan niya? Kahit na hindi siya ang tipo ng babaeng maipagmamalaki sa ibang tao? Hindi siya ikahihiya nito sa pamilya nito? Nagsimulang manlabo ang kaniyang paningin. "T-Totoo ba iyang sinasabi mo? O gusto mo lang makuha ang tiwala ko?" may dudang tanong niya kay Callan at hinanap ang sagot sa mga mata nito. "Nang minahal kita Samara, ipinangako ko sa sarili ko na hindi kita pakakawalan p

