Sa tulong na rin ng mga loaders na naghintay sa pagbalik niya ay naisakay sa sasakyan si Callan. Nagpaiwan si Romana para asikasuhin ang pagbabayad sa mga lalako at pagsasara ng bahay. Halos ilipad na ni Patricia ang sasakyan nito papunta sa pinakamalapit na hospital habang si Samara naman ay yakap-yakap ang wala pa ring malay na si Callan. Mangiyak-ngiyak niya itong tinatapik sa pisngi at pilit na ginigising pero nananatili itong walang malay at namumutla. "Please wake up. Ano ba ang nangyari sa'yo?" sumisinghot niyang tanong sa natutulog na nobyo habang mahigpit itong yakap. "Maybe it took a toll on his body at hindi niya kinaya ang pagtatakwil sa kaniya ni Mama. But then again, Kuya's never been that weak-hearted." turan ni Patricia habang nakatutok ang atensyon sa kalsada. Sunod-

