Tahimik ang buong paligid. Rinig na rinig ko ang munting huni ng mga ibon sa labas. Heto ako ngayon nakahiga parin sa malambot at mabangong kama, hindi parin makapaniwala na sa ilang araw kong nakatira sa bahay na to. Malayo sa dati kong empyernong buhay.
Ngayon nasa isang kwarto ako na mukhang mamahaling hotel suit, kompleto sa gamit, at may balcony na sa twing gabi kita ang mga ilaw ng siyudad.
Pero kahit gaano kaganda ang meron sa akin na ngayon, ramdam ko pa rin ang bigat sa dibdib.
“Bakit ako? Bakit ako pa ang nakaligtas?”
Unti-unti na namang bumabalik ang mga alaala na araw araw kong pinga susumikapang kalimutan, pero biglang sumagi sa isip ko ang mga salitang sinabi ni Bellynda;
"Use that pain… not just to have revenge, but to make yourself free."
Hindi ko napigilang mapapikit sa samut saring bagay na pumapasok sa isip ko. Parang may tumutusok sa puso ko, pero may punto si Bellynda.
Hindi ako pwedeng manatili sa dilim ng kahapon–ibang iba na ang buhay ko ngayon. Malayo na sa mga luha, takot, at pagkakadurog.
Kung palagi kong iisipin at babalik balikan ang buhay ko na yun, hinding hindi ako tatagal. Hindi ako magiging matatag na tao kagaya ng inaasahan nila.
Kung talagang gusto kong makuha ang hustisya, kailangan kong palakasin ang sarili at damdamin ko.
Hindi ko mapigilan na maikuyom ang aking isang kamay, unti unti ko ring nararamdaman ang panginginig ng katawan at nasabi sa sarili;
“Sige. Dadalhin ko lahat ng sakit na ‘to. Lahat ng takot, lahat ng galit. I’ll carry it until it becomes my armor. Hindi ko bibitawan ang plano kong gumanti… para hindi na ako lumabas na mahina.”
Kinaumagahan, pagkalabas ko ng kwarto amoy na amoy ko na ang aroma mabangong niluluto sa kusina. Pagkababa ko ng hagdan nadatnan ko kaagad si Mrs. Nelani na abala sa pagluluto at si Bellynda, na nakaupo sa counter ngumunguya ng nilutong pag kain ni Mrs. Nelani.
I guess she felt my present kaya mabilis nyang nilingon ang gawi ko at kumaway.
“Good morning, Sleeping Beauty!” biro ni Bellynda. Napalingon din si Mrs. Nelani sa sinabi nito at pinagmasdan ako na may ngiti sa labi.
Napangiti din ako kahit papaano, at doon ko naramdaman na baka nga hindi ako nag iisa sa laban na ito.
“Kamusta ang tulog mo?” basag na katahimikan ni Bellynda. Habang kumakain kami.
Marahan naman akong napatango dito tsaka humigop ng mainit na kape.
“You know what, mas okay siguro igala kita dito. Wag mo isipin na may makakahanap sayo or something, I got you!” she said and give me a quick wink.
“You better unwind yourself Akira, para naman mawala na yang bigat na nararamdaman mo.” segundo naman ni Mrs. Nelani.
“Ay–sa Galleria Vittoria tayo! Alam kong mag eenjoy ka doon, kasi madaming magagandang bagay na for sure ako magugutuhan mo!” masayang suhestyon naman ni Bellynda, halos kuminang ang mga mata nito sa pag kakabanggit palang ng pangalan ng mall na iyon.
“Sya ba talaga mag eenjoy, o ikaw?” biro naman ni Mrs. Nelani sa kanya.
Mabilis na sumimangot ang mukha nito at ngumuso na parang bata.
“Mommy naman eh–I swear, magugustuhan nya talaga doon. I know a lot of beautiful boutiques there, they have clothes and even shoes.” maligalig na suhestyon muli ni Bellynda.
Mukhang mahilig itong mag shopping at gumala gala. Nawala unti unti ang ngiti ko ng may sumagi nanaman sa isip ko.
Dati kasi kaming dalawa o minsan si Lolo ang nagdadala sa akin sa mga lugar na iyon. Mga luxery shops, places, and even yung mga luho ko. Sya lahat nag bibigay.
Mabilis kong kinurapkurap ang mata ko, I slowly felt a sting in my eyes.
Pagkatapos namin kumain, napasandal sa kinauupuan si Bellynda habang hawak ang tasa ng kape nito.
“Akira,” tawag atensyon nito sa akin at derektang nakatingin sa akin.
“alam mong hindi basta-basta na tinanggap ka namin dito para lang magpalipas ng oras. Hindi ka rin pwedeng umasa lang sa sakit na nararamdaman mo lagi. Kapag oras na—kailangan mong maghanda.” pagpapatuloy nito.
Naguguluhan ko silang pinaglipat lipat ng tingin. Bago nagtanong.
“M-Maghanda saan?” tanong ko sa mga ito.
Nagkatinginan si Bellynda at Mrs Nelani bago ipinagpatuloy ang sasabihin.
Nararamdaman kong may kakaiba akong aasahan pero pinipilit ng utak ko na iignora kung ano yun.
“Maghanda para lumaban. Hindi lang sa mga kalaban mo, kundi sa sarili mong takot. Kahit anong plano mo, kahit gaano pa kapuno ng galit ang puso’t isip mo—wala ‘yang saysay kung mahina ka.” she said straight to my face.
Nakaramdam ako muli ng kirot sa dibdib. Napaiwas ako ng tingin sa deretsang sinabi nito. Lumaban? Paano?
Kamuntikan akong mapatili ng biglang pumasok ang isang taong hindi ko inaasahan makikita dito.
Si Koa, May hawak ito na tuwalya sa kanang kamay at halos mamasa na ang kulay gray nitong damit. Bakat ang matipuno nitong dibdib na panigurado ako basa din ng pawis gawa ng bakas sa damit nito.
Saglit nya akong tinapunan ng tingin, walang salitang lumapit ito sa lamesa kung saan kami nakaupo at nag salin ng tubig sa baso.
“Kung talagang gusto mong makuha ang hinahanap mo,” malamig na sabi nito, “kailangan mong patunayan na kaya mong tumayo sa sarili mong paa. At hindi lahat ng nakakatungtung sa posisyon mo, tinatanggap namin basta basta sa laban.” matapos mag salita ay ininom na ang tubig nito sa baso.
Kitang kita ko ang bawat butil ng pawis na lumalandas pababa sa leeg nito papunta sa dibdib. Pati na din ang pag galaw ng adams apple nito, hindi rin nakaligtas sa malikot kong mga mata.
Lihim akong napalunok dahil doon. Nangdumapo ang tingin ko sa mukha ni Koa, isang nakakalokong maliit na ngisi ang nakaplastar sa mukha nya. Hindi ganun kalawak iyon, pero sapat na makita ng mga mata kong tinatawanan nito ang naging reaksyon ko.
Napaiwas naman ako ng tingin dito dahil doon. Pakiramdam ko umakyat ang dugo ko sa mukha. Unti unting uminit ang pisnge ko sa hiya.
Muli kong naalala ang sinabi nito. Hindi man nya deretsahan sinabi sa akin yung ibig nyang sabihin alam na alam kong may ibig sabihin iyon sa pag tungtung ko sa mundo nila.
Hindi lang ito tungkol sa pagtira ko dito sa apartment. Hindi lang simpleng bagay iyon. Ito na simula ng mas malaking bagay. Bagay na sa tanang buhay ko, hindng hindi ko naranasan.
At sa unang pagkakataon, naramdaman ko—hindi lang ako biktima. Isa akong posibleng mandirigma.
4 am nag alarm ang phone ko hudyat para mag asikaso na. Ngayon na mismo ang araw na mag uumpisa akong magtrainning. Hindi ko alam kung paanong trainning ang gagawin nila sa akin, may kaba man sa dibdib ko na mayat maya sumusulpot sinusubukan kong iignora iyon. Hindi na oras ang mga ganun sa akin ngayon.
Kaming apat nila Mrs. Nelani, Bellynda at Koa ang magkakasama sa sasakyan. Hindi ako masyadong komportable dahil pakiramdam ko may matang nakamasid sa akin.
I could clearly know, as usual si Koa ang nag iisang lalakeng kasama namin kaya sya na ang nag drive sa amin pabalik sa Vengeance.
I choose to wear a simple training outfit. Black long sleeve and a body fit top na may dalawang butas para masuot ko ang dalawang hinlalaki ko. Naka-tuck in din ako. Pinaresan ko din ng jogging pants at white running shoes. Sinuto ko na din ang subrerong binigay nila sa akin ang butas nun sa likod ay ginawa kong pang ipit sa mahaba at wavy ko na buhok.
Evetime na magtatama ang paningin namin ni Koa hindi ko maiwasang mapaiwas agad ng tingin.
May paraan kasi ang pagtitig si Koa—yung tipong hindi lang basta nakatingin, kundi parang sinusukat ka. Hunter eyes, sabi nga nila. Mababa ang talukap niya, steady yung tingin, walang kahit anong unnecessary na galaw. Para siyang lobo na nagmamasid sa paligid, naghihintay ng tamang oras para umatake.
Kapag sa’kin siya tumingin, ramdam ko agad yung bigat. Hindi siya yung tipo ng titig na naglalambing—hindi rin malambot.
Para siyang nagba-baon ng tanong sa loob ng mga mata niya, isang tanong na ako lang ang pwedeng sumagot. At kahit wala siyang sinasabi, parang naririnig ko na yung boses niya: “Hindi ka makakatakas sa’kin.”
Sa loob ng ilang oras ng byahe doon lang ako nakahinga ng maluwag–ng sandali.
“Are you ready?” biglang tanong sa akin ni Bellynda pag kababa ng sasakyan. Alanganin man, tumango nalang ako.
Naglakad na kami papasok sa loob. Nagpaalam sandali si Koa sa amin dahil may aasikasuhin lang daw sya sa loob ng meeting room. Si Mrs. Nelani naman, pinuntahan ang asawa nito.
Ngayon kaming dalawa nalang ni Bellynda. As usual, kada may makakasalubong kami binibigyan siya ng galang. Paminsan minsan hindi lang sa kanya–pati sa akin din. Medyo nakakailang, kasi di dapat. Hinahayaan ko nalang.