Natigilan ako sa pagiyak ng mapansing isang kamay na may hawak na panyo sa harap ko.
“Wag ka na umiyak. Everything will be fine. I promise.” ani ni Miss Blondie or should I said Bellynda.
Maingat ko iyon inabot at pinunasan ang luha.
“Tama na yan ah, be strong enough not just for yourself…be strong for your grandpa, alam kong ayaw na ayaw nyang nakikita kang ganyan ngayon. Durog na durog at nasasaktan. Patatagin mo ang sarili mo, ikaw at ikaw lang makakagawa nun.” she advice.
Marahan ko lang pinaglalaruan ang panyo na inabot nito. Napatingin ako muli sa gawi nito ng muli syang magsalita.
“Ang cute cute mo pa naman. Di bagay sayo ang palaging umiiyak, matapang ka. Yang sakit na nararamdaman mo ngayon, use that not just to have a revenge…use that to make yourself free. Lahat tayo may kanya kanyang sakit na pinagdaanan, sa iba ibang sitwasyon, sa iba ibang paraan. If you keep on syncing yourself to that pain hangang sa masira ka din, hindi mo na alam paano makakabangon ulit.” mahabang letanya nito
She has a point. Napatingin lang ako sa kawalan habang iniisip yung sinabi niya.
Tama siya… hindi ako pwedeng puro iyak lang, pero hindi rin ibig sabihin nun na kakalimutan ko lahat. Gaganti pa rin ako—pero hindi ngayon.
Kailangan ko munang palakasin sarili ko, gagawin kong mas matatag. I want to feel every bit of this pain, hayaan ko muna siyang sumiksik sa bawat parte ng pagkatao ko… para pag dumating na yung araw ng paghihiganti, buo na ako, at mas mapapakita ko kung anu yung tama.
Hindi ko basta-basta ibabalik yung sakit—babalik ko ito ng doble.
Pinagsuot nila ako ng Face Mask para maiwasan ang tyansang may makakilala sa akin. like me, they didn’t trust other as well kaya kailangan namin magingat. Gabi na ng lumabas kami sa Building ng Vengeance, hindi ko alam kung gaano ba kalayo ang binyahe namin.
Naramdaman ko nalang na nakatulog na pala ako sa buong byahe namin.
Pagkarating sa destenasyon namin, May sumalubong sa amin na isang lalaki na sa tingin ko taga pangalaga ng bahay, at ibinigay ni Ms. Bellynda dito ang susi ng sasakyan tsaka din inabutan ng tip. nahalata ko pang namula ito ng marahan syang tinapik sa balikat.
Ilan sandali pa huminto kami sa isang high end Apartment Building. Hindi ko sigurado kung apartment pa ba matatawag ang bahay na to, sa laki ay halos hindi ko ito maiikot ng isang araw lang.
Nilabas ni Ms. Bellynda ang isang gintong Key Card na syang susi ng kwarto. nilibot ko ang tingin sa lugar ng mapagtantong itong pintuan lang sa harap ko ang naka-Key Card.
unang pumasok si Ms. Bellynda , sumunod naman kami ni Mrs. Nalani sa kanya.
Hindi ko napigilang malula sa ganda at elegante ng bahay. Malayong malayo ito sa bahay namin sa Japan. Oo mansion din ang bahay namin doon pero hindi kasing ganda nito.
“Hey, Let’s go?” tawag sa akin ni Mrs. Nalani, mabilis ko naman itong nilapitan ng mapansing naghihintay na pala ito sa akin sa harap ng pintuan ng bahay.
Pagbukas ko ng pinto, nahigit ko ang hininga sa gulat. Hindi ito basta apartment—parang isang maliit na mansion ang dating. Yung mga bintana, malalaki, simula kisame hangang sahig, kaya kitang-kita ko ang paligid kahit nasa loob ako. Ang materyales naman ng buong bahay gawa sa bato at kahoy, nagdadala ng rustic pero eleganteng pakiramdam.
Tapos may balcony na perfect para magmuni-muni kapag malamig ang gabi.
Sa loob, maluwag ang sala, may modernong mga furniture pero simple lang, bagay sa panlasa ko na ayaw ng masyadong komplikadong sitwasyon.
Pinakamaganda sa lahat? Yung swimming pool sa labas. Hindi siya kasing laki ng kagaya ng mga resort, pero sapat na para ma-relax ako,
“This is where you’re going to stay. This will be your home now.” basag ni Mrs. Nelani sa aking pag mumuni-muni.
Mabilis ko naman sya binalingan ng lingon dahil sa pagkabila sa sinabi nito.
akin? lahat? Ng ito? Sunod sunod kong tanong sa sarili.
They noticed on my face a full of questions kaya hindi nila napigilan mapangiti.
Itong lugar na ito, para lang sa akin ‘to. Parang isang sanctuary na pwede kong tawaging tahanan kahit na nag-iisa lang ako dito.
Hindi ko akalain na magkakaroon ako ng ganito—isang lugar na pwede kong pagtaguan, isang bagong simula na may konting luho, pero may katahimikan na matagal ko nang hinahanap.
Sinubukan ko pang ikotin ang ibang parte ng bahay, Sumalubong sa akin ang isang fully furnished na kabuoan ng sala. makikita agad sa tabi ng pintuan ang mga lagayan ng sapatos, key holder at isang maliit na salamin.
Ang ambiance din ng buong bahay elegante man tignan, Kung ano ang theme ng pasilidad sa labas ay ganun din dito, Black and White theme pero sobrang welcoming na may hint of italian theme.
Si Ms. Bellynda dumiretso na sa kusina para kumuha ng tubig at si Mrs. Nalani naman kumuha ng ilang grocery na pinamili na nila, mukhang magluluto ito ng hapunan.
“Hey! pasok ka na, it’s fine we are safe here.” Ms. Bellynda informed. marahan akong lumakad papunta sa sofa, at umupo.
Di ko maiwasang ilibot ng mga paningin ko ang ganda ng lugar, may sofa set, dining table, oven, tv at iba pang kagamitan sa bahay.
Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda at linis dito, even though halatang walang naninirahan dito ay sadyang iningatan at nilinisan. It makes me feel more safe, and I kinda like this new place, ibang iba sa kwarto kong halatang pambabaeng-pambabae.
Napatingala ako sa bandang itaas ng bahay, na napansin naman agad ni Ms. Bellynda.
“You my go upstairs to take a bath. wala kang dapat ipag alala sa mga gamit at bagay dito, it is all yours.” she said while helping Mrs. Nalani for cooking our dinner.
Mabilis ko naman syang nilingon, at hindi makapaniwala sa sinabi nito. when she saw my reaction she gave me her signature smile, her sweet and cute smile.
It still makes me feel weird to think na parang kinukwestyon ko na ang p********e ko kaya hindi ko maiwasang mailang dito.
“Sige na anak, maligo ka na. tatapusin lang namin ito at kakain na tayo.” Mrs. Nalani uttered.
Mabilis akong napalingon sa huling salitang binanggit nito. This is the very first time may tumawag sa akin ng salitang iyon.
‘A–Anak?? Tinawag nya akong…Anak?’
Natataranta namang lumapit bigla sa akin si Ms. Bellynda.
“H-Hey, Akira? what happened? may masakit ba sayo? may mga gamot dito, sandali—”
“No, I-I’m fine. I was just…shocked about what Mrs. Nalani called…me.” I interrupted, without taking off my sight to Mrs. Nalani.
Napasapo naman ito sa kanyang ulo.
“Akala ko ano ng meron, ikaw talaga pinakaaba mo ako.”ani nito at hinimas ang aking braso. kita pa rin ang pagkagulat sa mukha ko kaya ipinagpatuloy nito ang sasabihin.
“Gustong gusto kasi ni Mom na tinatrato lahat ng nasa paligid namin na para na niyang anak. We review all about you and we understand why you are like this. alam kong mahirap maintindihan, but I know soon you will.” she said and looked directly into my eyes.
Tinapos lamang ni Mrs. Nalani ang niluluto at pinahinaan sandali ang apoy nito, bago lumapit sa pwesto namin.
“Akira—anak, nasa puder ka na namin ngayon simula sa araw na ito ituturing na din kitang isang tunay na anak.” she clarified. Naguguluhan man but there’s something inside me that starting to pore. A big space na hindi ko inaasahan na mapupunan.
Marahan syang lumapit sa pwesto namin tsaka pinagpatuloy ang sinasabi.
“alam ko kung gaano kasakit mawalan ng magulang at alam ko din kung gaano kasakit ang mawalan ng taong mahalaga sa atin, manakawan ng mga bagay na kung ano sa atin.” ani nito at maingat na hinaplos ang aking mga pisnge na basang basa na ng luha.
May humaplos sa puso ko na hindi ko maipaliwanag kung ano, Ang sarap sarap pala sa pakiramdam na may isang taong handang unawain at tanggapin kung anong nangyari sayo.
“Hindi ka namin pu-pwersahin, pero sana Mapayagan mo kaming tanggapin sa buhay mo?”tanong nito.
Hindi ko alam ang isasagot ko, pinakatitigan ko lamang ito at pinagmasdan kung gaano ito kaganda. ang malambot at mala-anghel na mukha nito ang mas lalong nagparamdam sa akin na hinding hindi nila ko sasaktan.
“Alam kong mahirap, alam kong natatakot ka ng gawin ang mga bagay na pwede mong gawin but this place…with us…you may. ang lahat ng nalalaman mo about sa amin, are different. Me, myself, I—can assure you that.” puno ng pagasang turan nito.
Nakauwang lamang ang mga labi ko dito, hindi ko mahanap ang mga salitang gusto kong sabihin dito.
Nang hindi ito nakakuha ng sagot sa akin ay nakitaan ko ito ng lungkot pero puno ng pag asang masasagot ko din ang tanong nito.
“M-Maliligo na po muna ako, E-Excuse me po.”ani ko dito at mabilis na umakyat sa taas ng hindi sila nililingon. nakakita ako ng isang pintuan sa mag bandang kaliwa at pumasok agad doon, pagkasara.
Nilock ko kaagad ang kwarto at wala sa sarling impit na humagulgol.
Sandamakmak na senaryo ang gumulo sa isip ko. ang maaring mangyari sa kanila once na piliin kong maging malapit sila sa akin, at kapag malaman ni Mr Kang na hawak ako ng mga Vengeance.
Kilala ko ito, lahat gagawin nya mawala lang ang mga taong humaharang sa gusto nya.
Napuno ng takot at pangamba ang isip ko. Hindi ko kayang may mawala nanamang buhay ng dahil sa akin, natatakot akong maransan nila ang naranasan namin sa kamay nito.
Even though isa sila sa mga kinatatakutan sa bansa di ako pwedeng maging kumpyansa sa bawat ginagawa at maari nilang gawin. ayokong madamay sila, kailangan kong maisagawa agad ang plano ko bago pa sila lahat madamay.