
Makatapos ng pag-aaral, maging isang ganap na guro at makatulong sa mga magulang. Ito ang simpleng pangarap ni Maria Celestine Devilla sa buhay. Kaya lubos ang pagsusumikap niya para lamang maisakatuparan ang mga ito.
Ngunit magbabago ang lahat ng plano niyang ito sa pagdating ng lalaking unang magpapatibok ng kaniyang puso. Si Alejandro Avillar.
