Nagkatitigan sina Saab at Samantha. Sa mga matang iyon, malinaw ang desisyon—hindi na nila kailangang magsalita pa. “Let’s go,” mahina ngunit matatag na sabi ni Saab. Hindi na tumutol si Samantha. Ang kaninang matapang at puno ng pride na tindig ay napalitan ng tahimik na kahihiyan. Ramdam niya ang mga matang sumusunod sa bawat hakbang nila palabas ng venue—mga bulungan, mga sulyap, mga hindi masabing opinyon. Habang naglalakad sila papalayo sa ilaw at musika, mas lalong bumigat ang pakiramdam ni Samantha. Hindi ito ang gabing inakala niyang mangyayari. Hindi siya ang naging sentro ng paghanga—kundi ng eskandalo. Sa likod nila, unti-unting bumalik ang sigla ng party. Napabuntong-hininga si Mira. “At least tapos na,” mahina niyang sabi. “Let’s just enjoy the night,” dagdag ni Mark. S

