Nagdesisyon si Samantha na lumabas muna ng silid kaysa lalo pa silang magkainitan ni Saab. Hindi na siya nagsalita pa. Basta niya lamang kinuha ang maliit na clutch at binuksan ang pinto ng cottage. “Sam—” tawag ni Saab, pero hindi na siya lumingon. Paglabas niya, sinalubong siya ng malamig na hangin ng gabi. Tahimik ang paligid kumpara sa ingay ng venue. Sa malayo, maririnig pa rin ang musika at tawanan—paalala na nagpapatuloy ang mundo kahit magulo ang isip niya, hinanap ng mga mata ni Samantha si Gavin. Hindi niya alam kung bakit. Marahil dahil sa lahat ng nangyari, siya ang isa sa mga dahilan kung bakit siya nagpadalos-dalos. O marahil dahil umaasa siyang may isang taong kakampi sa kanya—kahit sandali lang. Nakita niya si Gavin—kasama si Miel—nasa veranda lamang pala ng katabing

