PROLOGUE
GET WILD
Domodoble na ang aking paningin. Pakiwari ko ay umiikot na ang mga nasa paligid ko.
I’m drunk!
Mapait akong ngumiti. Ganito pala ang pakiramdam ng lasing at lango sa alak. Hindi ako marunong uminom kaya naman nakakailang bote pa lamang ako ay umepekto na kaagad sa akin ang espiritu ng alak.
Tumayo ako sa aking silya at sumusuray-suray na naglakad papunta sa gitna ng dance floor. Tumingala ako at tinaas ko ang dalawang kamay sa ere.
Feeling ko. I’m free. I’m free sa lahat ng pain na nararamdaman ko ngayon.
“Hayop ka Tyler, ahas ka, Myra! Mga hayop kayo!” masama ang loob na sambit ko.
Pero dahil abala ang lahat sa pag-sayaw at malakas ang tugtog kaya naman walang pumapansin sa akin. Busy sila sa pakikipag halikan sa mga kapareha nila.
“Walang forever! Ipagpapalit ka rin niyan! s*x lang ang habol ng lintik na lalaking ‘yan sa ‘yo!” I murmured bitterly.
Ang sakit sa mata ng mag partner na nasa harapan ko. Kung magtukaan at lampungan dito sa gitna ng dance floor. Akala mo sila lang ang tao sa mundo.
“Hoy! Get a room!” hindi ako nakatiis. Kaya sinigawan ko ang mga ito. Nakita ko kasing pinasok ng lalaki ang isang kamay nito sa suot na skirt ng kasama nitong babae.
“Pusang gala, ang libog mong lalaki ka!” naalala ko na naman si Tyler, at ang ahas kong bestfriend.
Tang*ina nila! Mga hayop!
Narinig siguro ng babae ang aking sinabi na malibog ang kasama nitong lalaki kaya naman napatingin siya sa akin.
Ngumisi lang siya sa akin. Tapos ay kinapit ang dalawang braso sa batok ng kasama na lalaki. Tinaas pa nito ang isang binti sa bewang ng lalaki at pagkatapos ay feel na feel na ini-enjoy kung paano haplusin ng kasama ang kanyang hita.
“Pag-inggit, pikit!” sambit nito. At alam kong para sa akin ang sinabi niyang iyon dahil nakatingin pa rin siya sa akin.
Hinawakan ng lalaki ang kamay niya at pagtapos ay hinila ito paalis sa gitna ng dance floor.
Nakangisi ang babae sa akin, para bang iniinggit niya ako dahil wala akong kasamang lalaki at ito ay meron!
“Inggit mo mukha mo! Ako maiingit? Tsk!” napaisip ako. Kung kaya ni Tyler. Kaya ko rin. Nagawa niya akong lokohin. Ang masakit. Sa bestfriend ko pa!
“No, Tyler, hindi pa ako handa para dito sa gusto mo. Kailangan ko pa ang magtapos ng pag-aaral ko dahil ako ang inaasahan ng mga magulang ko na mag-aahon sa amin sa kahirapan.” mariin tanggi ko sa gusto ni Tyler na gawin namin. Narito kami ngayon sa loob ng kanyang kwarto. Birthday kasi niya at may konting salo-salo sa bahay nila.
“Wala naman kaso sa akin kung magtapos ka ng pag-aaral, Heaven. I just want you to give yourself to me. Please, as my birthday wish. Gusto kong ibigay mo na sa akin ang sarili mo. Tutal naman, ilang taon na rin tayo. Isa pa, sure naman na akong tayong dalawa ang para sa isa’t-isa. 21 na ako, Heaven. 18 years old ka na. We’re both in our legal age. Mahal kita, mahal mo ako. Please… Let's do this...” malambing at seductive na pakiusap sa akin ni Tyler.
Tinulak niya ako pahiga sa kanyang kama saka pumatong sa akin at sinimulan na halikan sa ang aking labi. Ramdam ko ang labis na pagnanainis ni Tyler na halikan ako at higit pa sa paghalik sa aking labi.
Pinikit ko ang aking mga mata. Bigla ay nagising ako sa aking kahibangan. Sa dilim ng aking paningin mula sa aking pagkakapikit. Nakita ko ang aking mga magulang.
“Hindi ko gusto ang Tyler na ‘yan Heaven. Alalahanin mo ang pangako mo sa amin ng Tatay mo. Magtatapos ka ng pag-aaral at magtatrabaho. Nakasanla ang lupang sakahan ng Tatay mo, kailangan mong matubos iyon pag may trabaho ka na. Tapos ang dalawang kapatid mo. Pag-aaralin mo pa sila. Ikaw ang pag-asa namin para makaahon dito sa kahirapan, Heaven. Kaya ‘wag na ‘wag kang tutulad sa mga kabataan ngayon na inuuna ang kapusukan. Ayokong malaman na boyfriend mo na ang Tyler na ‘yon, ha! Hindi siya ang gusto ko para sa ‘yo. ‘Wag kang tumulad sa akin na sa tatay mo lang bumagsak. Nakita mo kung anong buhay ko ngayon? Mahirap.”
Mabilis kong minulat ang aking mga mata nang maaalala ko bilin sa akin ni Nanay. Agad kong tinulak si Tyler sa dibdib kaya naman napadilat siya ng mga mata at napatigil sa paghalik sa akin.
“Bakit?” nasa boses nito ang disappointment dahil napatigil sa ginagawa.
Kinagat ko ang aking pang ibabang labi. Lumunok ako. “This is wrong Tyler. Hindi pa natin dapat gawin ang bagay na ito. s*x before marriage is very wrong. Tsaka. ‘Di ba sabi ko naman sa ‘yo. Kailangan ko muna ang magtapos ng pag-aaral. At… I’m not ready to give my… virginity…sa ‘yo. Mahal kita but, sorry. Hindi ko pa kaya.” sambit ko.
Gumalaw ang panga ni Tyler. Alam kong nabadtrip siya dahil sa akin.
“Okay, okay.” sabi nito.
Agad na akong tumayo sa kama niya. Inayos ko ang aking nagulong palda at blouse ko. Sinuklay ko rin gamit ang aking daliri ang buhok ko.
“L-labas na tayo Tyler,” yaya ko sa kanya na lumabas na kami sa kanyang kwarto.
“Oh, hijo. Mabuti at lumabas na kayo sa room mo. May bisita ka, nasa labas.” sabi ng kawaksi nila Tyler sa kanya paglabas namin ng warto nito.
“M-myra…” bigla ay nausal ko nang makita ko ang kaibigan ko. Pero napaisip rin ako. Bakit narinito ang kaibigan ko sa bahay ni Tyler? Hindi ko naman siya ininvite na samahan akong pumunta dito.
Napatingin ako kay Tyler. “You invited her?” tanong ko.
“No! Hindi ako inimbita ni Tyler. Dinala ko lang dito itong order niyang isang bilao na kakanin.” sa halip ay si Myra ang sumagot sa aking tanong sa boyfriend ko.
Tumitig si Tyler kay Myra, si Myra din naman ay gumanti ng titig kay Tyler. Hindi ko alam. Pero bigla akong kinabahan. Bakit parang may something sa boyfriend ko at sa bestfriend ko. Pilit kong in-ignore ang kakaibang hinala ko. Ayokong mag-jump into conclusion base lang sa nakita ko at sa pagpunta dito ni Myra sa bahay ni Tyler.
Nakangiti na inabot ni Myra ang hawak na isang bilaong kakanin kay Tyler.
“Happy birthday, Tyler! Hope magustuhan mo ang luto namin ni Nanay.” masayang bati ni Myra kay Tyler at kinawit niya ang kamay sa aking braso.
“Tara na best, sabay na tayong umuwi!” yaya nito sa akin. At habang papauwi kami, napansin kong balisa si Myra, para bang may panghihinayang sa kanya, at may kung ano ang gumugulo sa kanyang isipan.
Hindi ko talaga matanggap na ang kaibigan ko pa ang aahas sa boyfriend ko. At dahil hindi ko magawang ibigay kay Tyler ang katawan ko, si Myra ang pumuno ng pangangailangan niya. Kahit anong gawin ko. Hindi mawala sa isip ko ang tagpong nakita ko. Kung paano nila ako nilokong dalawa.
Pumikit ako. Hindi ako inggit. Dahil kaya ko rin maglandi at makipag make out kung gugustuhin ko. At patutunayan ko ‘yan kay Tyler! Ibibigay ko ang sarili ko sa lalaking hindi ko kilala. Ang bagay na gustong gusto niya makuha sa akin. Ibibigay ko sa ibang lalaki para ipamukha sa kanya na kaya ko rin gawin ang ginawa niya sa akin!
Minulat ko ang aking mga mata. Pinagala ko ang aking paningin dito sa loob ng bar. Mm… sino kaya sa kanila. Sino kaya sa kanila ang maswerteng lalaki na pag-aalayan ko ng p********e ko. Umikot ako, pero napahawak rin akong kaagad sa aking sintido dahil kumirot ang aking ulo at nahilo ako dahil sa aking ginawang pag-ikot.
Wala akong makitang lalaki na pwede kong ibigay ang aking sarili. Napanguso ako. Hindi ako papayag na hindi ako makikipag make out ngayong gabi! Hindi ako aalis ng bar na ito ng wala akong nakikilalang lalaki!
Naningkit ang aking mga mata nang mamataan ko na ang lalaking na-type-an ko para ibigay ang aking sarili.
Not bad.
Gwapo… Mukhang mayaman.
Malinis tingnan. Good looking.
Dahil na rin siguro sa espiritu ng alak, lumakas ang aking loob. Lumakad ako patungo sa direksyon ng lalaking nakita ko. May kasama itong dalawa pang lalaki. May hawak silang bote ng beer at may kasama silang mga babae na kapareha nila.
Nakatayo ang mga ito sa tapat ng counter ng bar. Ang kasama naman nitong mga babae, parang mga ahas kung lumingkis sa katawan ng tatlong lalaki.
Tumaas ang kilay ko nang makita kong humaplos ang babae sa batok ng lalaking natipuhan ko.
I tsked. Akin siya!
Nang makarating ako sa kanila. Gulat silang lahat na napatingin sa akin nang bigla kong hawiin ang babae na lumalandi sa lalaking natipuhan ko, at pagkatapos, pinaikot ko ang aking mga braso sa batok nito tulad ng nakita kong ginawa nung babae kanina sa dance floor. Inaninag ko ang mukha ng lalaking ngayon ay nakapulupot ang aking mga braso. Hinaplos ko ang mukha niya.
“Not bad, ang gwapo.” sambit ko habang nakatitig sa kaniya. Sabi nga nila. Mas masakit kung ipapapalit mo ang isang tao sa mas higit sa kanya. Mas gwapo dihamak ang lalaking nasa harapan ko ngayon kaysa kay Tyler.
Nakita kong binuka ng lalaki ang kanyang bibig. But before he could speak. Agad kong hinalikan siya sa labi.
“Hey! Sino ka ba? Clint is mine!” narinig kong irritable na sambit ng babae na katabi ng lalaking hinalikan ko.
Sinubukan pa nito na ilayo ako sa lalaking hinahalikan ko. Pero mas diniinan ko ang kapit ng aking mga braso sa batok nito at pinagbuti ang paghalik. Naramdaman ko naman na agad rin tumugon ng halik sa akin ang lalaki.
Tulad ng nakita kong ginawa nung babae kanina sa dance floor. Tinaas ko ang aking isang hita sa baywang nito. Dahil naka palda ako. Kusang lumitaw ang aking maputing hita. Nanlalaki ang mga mata ng lalaki na napatingin sa aking hita.
“Type kita, type mo ba ako? Makinis ako, maganda, at nasa legal age na rin ako. Most important thing is, virgin pa ako. Kaya kung gusto mo ako, ibibigay ko sa ‘yo ang sarili ko ngayon gabi. I’m all yours!” parang isang bargain na gamit ko lang kung ipamigay ang aking sarili sa lalaking kaharap ko.
Napakurap ito dahil sa aking sinabi. Pero mabilis rin na gumuhit ang isang pilyong ngisi sa kanyang labi.
I rolled my eyes at him. Kinuha ko ang kanyang isang kamay at dinala sa aking hita. “Swerte mo dahil ikaw ang natype-an ko!” ngisi na sabi ko.
“Aba’t! Grabe ang landi ng babaeng ‘to!” inis na sabi ng babaeng lumilingkis sa lalaking hinalikan ko.
“Lucky you, Clint. She's a virgin!”
“Kung ayaw mo sa kanya, sa akin na lang!”
Tudyo ng dalawang lalaki na kasama nito. So Clint pala ang name niya.
“Clint, how nice naman your name. Mas nice kay Tyler, at mas gwapo ka sa kanya.” may inis kong pagkukumpara sa kanilang dalawa.
Hinapit niya ako. “Really, mas gwapo ako sa Tyler na ‘yon.” may gigil niyag pinisil ang aking pang-upo.
Tumango ako. “Yes!”
“Then let’s go, baby. Let’s get a room.” ngisi na sabi nito. Napakapit naman ako sa kanyang batok ng mahigpit nang buhatin niya ako ng pa-bridal style.
“How come a partygoer lady like you is still a virgin, mm?” tanong niya sa akin habang buhat ako at naglalakad kami papunta parking area.
Napahawak ako sa aking sintido. Muli na naman kumirot ang ulo ko at nahilo ako.
Ngumisi ako. “First time ko lang pumunta ng bar, at first ko lang rin gagawin ito. Ang makipag make out sa lalaki!” I giggled.
“Then let’s make your first time memorable. I promised you would never forget your first time, you would never forget me…” seductive na sabi nito habang nakatitig ng malagkit sa aking mga mata. Ramdam ko rin ang init ng kanyang palad dahil nasa loob pala ng aking blouse sa aking likuran!