“Hoy, Miss, tabi! Kung gusto mong magpa sagasa, ‘wag sa akin. Wala akong ibabayad sa ospital!” ang galit na sigaw na ‘yon ng tricycle driver ang pumutol sa pagiging tuliro ko habang naglalakad ako pauwi sa bahay.
“S-sorry po kuya,” nakayokong sabi ko sa tricycle driver. Nakasambakol ang mukha na nilagpasan naman ako ng lalake at pinaharurot ang tricycle niya palayo sa akin.
Masakit pa rin sa akin ang pasya na ginawa kong pag-iwan sa anak ko sa mansyon ng daddy niya. Pero tulad ng sabi ko. Continue lang ang buhay dahil kasama ko pa naman ang aking anak na si Hunter.
Bumalik ako sa realidad ng aking buhay. Ang goal ko ay mabuhay at mapag-aral ko ang anak kong si Hunter kaya hindi ako pwedeng ma-sad at magmukmok na lang sa isang tabi.
Pag marami na akong pera baby Hazel ko. Babalikan kita at kukunin kita sa daddy mo. Sa ngayon, diyan ka na muna sa puder ng daddy mo. Hindi ako makakapag trabaho kapag nasa akin ka…
Sa edad kong twenty three, dalawa na ka agad ang anak ko. Isang 3 years old at ang one month old baby Hazel ko. Hindi ito ang buhay na pinangarap sa akin ng mga magulang ko. Kahit ako ay hindi ito ang pinangarap ko na mangyari sa buhay ko. Pero mahirap pala talaga ang nangangarap ng matayog, dahil once na mabigo, at lumagapak ka sa ibaba. Doble ang sakit. Pero wala. Sabi nga nila, the damaged has been done. Wala na magagawa ang pagsisisi ko sa buhay na kinalagpakan ko. These are my consequences for what I did.
I sighed sadly. Hindi ko rin naman pinagsisihan na nagkaroon ako ng mabait at gwapong anak na si Hunter. At syempre ang cute na cute kong baby Hazel. Tanga man ako, pero mahal na mahal ko mga anak ko. Kahit bata akong naging ina, mahal ko silang dalawa ng higit sa buhay ko.
Promise ko na babawiin ko ang baby Hazel ko sa daddy niya…
Bago ako umuwi sa bahay ay dumaan muna ako sa tindahan para bilhan ng pasalubong si Hunter. Yakult at biscuits ang binili ko para sa kanya. Dapat maging maingat ako sa pagpapakain ko sa anak ko dahil mahal magkasakit sa panahon ngayon.
“Mama! Mama!” masayang salubong na sigaw sa akin ng anak kong si Hunter pagkakita niya sa akin. Nakikitira lang kami sa bahay ng kaibigan kong si Kathryn. Sobrang laki ng pasasalamat ko sa kaibigan kong si Kath at sa mama niya dahil hindi nila ako pinabayaan simula nung araw ng aking pagbubuntis sa anak kong si Hunter at hanggang sa ipagbuntis at ipanganak ko ang bunso ko.
Tumakbo si Hunter at yumakap sa akin. “Saan po si Baby Hazel, Mommy?” agad na tanong niya sa akin nang mapansin na hindi ko kasama ang kapatid niya.
Lihim akong napalunok at pinigilan maging emosyonal sa harap ng anak ko. He’s too young to understand the situation. I can’t tell him the truth. Kahit 3 years old palang siya at musmos pa ang pag-iisip. I know he would hurt once na sabihin kong binigay ko ang kapatid niya sa tatay nila.
“Uh…” kahit kanina ko pa prinaktis ang mga sasabihin ka sa anak kong si Hunter sa oras na magtanong ito sa akin, still. Bigla akong na-mental block kaya hindi ko magawang tapusin ang gusto kong sabihin.
“Ano pong, uh, Mama? Where's my baby sister, Mommy? Miss ko na po siya. I want to kiss and hug her.” dagdag pang sabi ng anak kong si Hunter.
Bumigat ang aking paghinga at naninikip ang aking dibdib. But I have to be strong to talk my son Hunter. Hindi niya dapat makita ang kalungkutan ko.
“U-uh, a-ano kasi… H-hunter, anak. S-si… si baby Hazel, hindi muna natin siya makakasama kasi…” ang mga mata ng anak kong si Hunter ay tahimik at seryoso lang na nakatingin sa bawat galaw ng aking bibig. Hinihintay lang nito na tapusin ko ang aking pagsasalita.
“Pinaalaga ko muna si baby Hazel kasi need ni Mama mag work kasi nga ‘di ba ano… Mag-aaral ka na, ‘ So… doon muna si baby Hazel sa Lola at Lolo mo sa province.” pagdadahilan ko.
Mabilis na sumimangot ang anak kong si Hunter sa narinig. Malungkot na napanguso at namula ang mga mata. “Why did you take away my little sister? She’s so cute and I loved her po Mama,” hindi ko sukat akalain na masasabi ni Hunter ang bagay na ‘yon.
I don't want baby Hazel to be separated from us, but I have no choice… Mama had no choice for now. Hindi ko kayo kayang buhayin dalawang magkapatid anak.
Nakangiti kong hinaplos ang buhok at pisngi ng anak kong si Hunter. “Don’t worry Hunter, pag may maayos ng work si Mama, kukunin ko ulit si baby Hazel. Promise anak.” pilit kong pinagaan ang emosyon ko sa harap ng anak kong si Hunter. Ayoko kasing ma-sad siya.
“Mm… okay po Mama!” masigla at nakangiti na sagot sa akin ng anak ko.
“Oy, best. Mabuti nakauwi ka na. Gusto mo bang um-extra ng work? Doon sa cabin resort sa bulacan?”
Napatingin ako sa aking likuran, kadarating lang mula sa work ng kaibigan kong si Kathryn. Nilapag nito ang dalang backpack sa sofa at naupo na nakataas ang mga pagod na paa.
Binuksan ko naman ang yakult at biscuit na pasalubong ko sa anak ko at pinaupo ko siya sa tabi ko. “Cabin resort? Sige ba. Kahit anong work doon eh i-go-go ko.” desperada na akong magkaroon ng stable na trabaho kaysa ang umasa sa raket sa pagkanta na wala naman akong katiyakan kung kailan may kanta ang banda.
“Lika dito baby Hunter kay ninang ganda,” ngiti na tawag ni kath sa anak ko. Agad naman na sumunod si Hunter sa ninang niya. Naupo ito sa tabi ni Kaht.
“Oo, hiring daw sila ng babae doon. At ito pa, urgent daw kaya sure na hired ka kaagad. Hindi nga lang kalakihan ang sahod, but… matutuwa ka sa sasabihin ko sa ‘yo. Bawi naman raw sa tip ng mga guest ng resort. Kasi nga mostly ay may pera at kilalang mga tao ang pumupunta roon para mag vacation.”
Agad na nagniningning ang mga mata ko sa aking narinig. Aba kahit maliit ang per day na sahod. Kung papaldo naman ako sa tip mula sa mga guest, ang nice ‘di ba. Ang saya lang!
“Sige, ipasok mo akong ka agad doon sa Cabin Resort na sinasabi mo. Kahit anong trabaho go ako!” wala nang patumpik tumpik pa. Sa tulad kong di naman nakapagtapos ng kolehiyo, pag ganitong may trabaho, sunggap agad!
“Oh sige, tatawagan ko yung kilala ko roon na nagtatrabaho. Tas bukas ihahatid kita roon.”
“Sige, thank you so much, Kath. Promise pagbubutihin ko ang trabaho para hindi ka mapahiya sa kakilala mo roon.”
“Welcome, ikaw pa ba. Anyway, so anong balita? Nahatid mo na ba si baby Hazel sa da----”
Mabilis kong pinangmulatan ng mga mata si Kath at napatigil naman ito sa pagsasalita ng ma-realize niya na kasama naming ang anak kong si Hunter.
“S-sorry, nalimutan ko.” ngisi na sabi niya. “Pero hinatid mo na siya doon?”
Tumango ako. “Oo,” tipid at malungkot na tugon ko.
“Okay na rin ‘yun. Tutal ‘yan naman ang gusto mo eh. Magsipag ka na lang mag trabaho para pagdating ng araw, makuha mo siyang muli pag yumaman ka na. Kung yayaman ka…” nguso nitong sabi. Na kulang na lang ay ipamukha sa akin na suntok sa buwan na yayaman ako.
“Yayaman ako soon, Kath. Yayaman ako.” hindi ko alam kung bakit nasambit ko ang salitang iyon sa kaibigan ko. As if naman ganun kadali ang yumanan sa tulad ko.
“Mmm…Okay, sige, yayaman ka. Maganda ‘yan, tas pag mayaman ka na. ‘Wag mo kong kalimutan, ha!” natatawang tugon sa akin ni Kath na alam kong kulang ang paniniwala sa sinabi kong yayaman ako. Well, kahit ako kulang din ang pananalig kong yayaman ako pagdating ng araw. Ewan ko ba kasi kung bakit nasabi ko ang bagay na iyon... Ano? Mangarap ka ng gising, Heaven?
“Ay, siya nga pala. May isa pa akong good news sa iyo.” muling pagsasalita ni Kath. May kinuha ito sa loob ng bag na dala niya. “Oh, sali ka dito, mamaya na ‘yan.” anito at inabot sa akin ang flyer.
Kunot noo ko namang kinuha ang printed flyer sa palad niya. “Ano naman ito? Singing contest?” malaki ang premyo sa mananalo. Tumataginting na 10.000 pesos. Wow! Sasali talaga ako dito!
“Malaki ang chance mong manalo sa singing contest na ‘yan, sayang ang 10,000 pesos na prize. Kaya sali ka.” ani Kath.
“Sasali talaga ako sa singing contest na ‘to, Kath! Sayang ang premyo. Akin na ‘yan 10, 000 pesos na premyo!” sambit ko na parang bang ako talaga ang tatanghalin na champion sa patimpalak.
Tumayo si Kath. “Iyan ang gusto ko sa ‘yo, ang lakas ng fighting spirit mo eh. Tama, ikaw ang mananalo. Sa ‘yo na ang tumataginting na 10, 000 pesos!” binuhat ni Kath si Hunter. “Ipag pray mo kay papa God na manalo si Mama mo, para may pambili tayo ng Ice cream pag uwi namin mamaya!” masayang sabi niya sa anak ko.
“Wow! Gusto ko po ng Ice cream ninang ganda! Ipag pepray ko po si Mama kay Papa God.” masayang tugon naman ni Hunter sa ninang niya.
Nailing na lang ako at napangiti. Si Kath talaga oh. Hindi pa nga kami sure kung ako ang mananalo, sinabik ka agad ang anak ko sa Ice cream!