"Salamat po, Mang Boknoy," paalam ni Maid nang ihatid siya ng driver ni Miss Rainnah sa hospital. "Gusto mo bang sunduin na lamang kita rito sa makalawa?" tanong ni Mang Boknoy ngunit umiling siya. "Sa simbahan na lang po Mang Boknoy, salamat po," ika niya. Ngumiti lamang ang matandang lalaki bago muling pumasok sa sasakyan at iwanan na siya. Habang naglalakad papunta sa silid ng ina, tumatakbo sa isip niya kung paano ipapaliwanag sa ina ang kanyang naging desisyon. Kay bilis kasi ng mga pangyayari. Gipit na rin siya at nangangailangan talaga siya ng trabahong makapagbibigay sa kanya ng pera para tustusan lahat ng pangangailan ng ina. At inaamin niya, nasilaw siya sa pangakong pagpapaaral sa kanya bilang scholar ng De Luca group of companies. Gusto niyang makaahon kung kayat kinain ni

