Natigian saglit si Storm pagkakita kay Maid sa mansiyon. Ngunit minabuti niyang magpatuloy at hindi na magpaapektado sa babae. Kung anuman ang niranta ng babae doon ay wala na siyang pakialam pa. Ang inaalala niya ay si Jared, buti na lamang at nauna na itong umalis kanina. Tig-isa naman sila ng sasakyan papunta sa Isla. Ibinukas niya ng tuluyan ang bintana ng kanyang sasakyan para pumasok ang hangin. For the first time ay tumagal siya sa lugar ng ilang araw. Ngayon ay na- appreciate na niya kaunti ang mga magagandang tanawin. Maybe, he really is healing slowly. Dumaan siya sa isang gasoline station nang mapansin na mababa na ang gasolina ng kanyang sasakya. Hindi na niya kasi pina-check iyon kay manong Boknoy dahil sa ayaw na niyang gambalain ito. Pumasok siya sa convenience store na k

