'Hindi ako ang nagbayad, Maid. Si Jenny ang gumawa ng paraan. Ang ibang mga kaklase natin ang nag-ambag-ambag dahil naniniwala silang deserve mo ang karangalan. Kahit ibang mga guro natin ay nag-ambag para maka-graduate ka.' Napapikit si Maid habang tila naririnig pa sa kanyang teynga ang mga sinabi ni Iggy. Nahiya siya dahil nagalit siya agad dito. Na-realize niya rin na tama si Storm. May mga taong bukal sa puso siyang tulungan na walang hinihinging kapalit. Siya lamang talaga itong kinain ng pride at ng paninindigan niya. Ganoon na ganoon ang ama niya noong nabubuhay pa. Paninindigan nito ang hinangaan niya ng sobra. Hindi na siya natuto dito. Paninindigang dahilan naman ng pagguho ng kanilang mundo. "Okay ka lang a..." Napatayo siya upang kuhanan ng tubig ang kanyang ina. Bigla kasi

