Tulog na ang ina ni Maid ngunit hindi niya magawang magpahinga sa kabilang kuwarto. Nakaupo siya malapit sa bintana at nakatanaw sa labas. Mga puno ang makikita sa side ng bintanang naroon. Pinagmamasdan niya ang malayang pagsayaw ng mga dahon dahil sa hangin. Nag-iisang hospital na kinalalagyan ng kanyang ina sa Tanaw ngunit masasabi niyang mataas ang teknolohiyang meron ang hospital. Alam niyang dahil iyon sa mga mayayamang mamayan ng Tanaw. It's good, because they put their money to a place where helpful to everyone. Lalo na sa mahihirap na gaya nila. Hindi na nila afford pumunta pa sa ibang lugar para magpagamot. Kaunti lamang ang populasyon ng Tanaw. Dahil nga Isla iyon at halos kalahati ay pagmamay-ari ng mga De Luca. Tiga roon ang kanyang ina at ama. Islang gusto na niya yatan

