Storm De Luca... "Yes?"ani ng lalaking nakataas pa ang kilay. Tila ba inaasahan na nito ang pagdating niya. Malamang ay naitawag na ito ng guard na si Mang Gilbert kaya ganoon na lamang ito kung nakasalubong sa kanya. Sa gulat niya ay napatitig na lamang siya rito. Ang boses nito ay tila nanggaling na naman sa malalim na balon. Ngunit mas nagpakaba sa kanya ang mariin nitong titig pagkatapos. Hindi niya alam pero parang natutunaw ang mga tuhod niya sa mga mata pa lamang nito. Biglang nanghina ang mga iyon. Napaatras siya sa kaba. Sa pag-atras niya ay hindi niya napansin ang pahakbang pababa na hagdan. Malalaki ang pag-atras niya na hindi na napansing nasa dulo na pala siya "Sh!t," anas ng lalaki nang pigilan siya at hawakan siya sa beywang para huwag mahulog. Hinila siya nito papunta s

