Abala sa kanyang computer si Storm nang may kumatok sa pinto na ginawa niyang studio sa mansiyon ng mga De Luca. Malaking silid iyon kung saan ay pinarenovate ni Rainnah para sa kanya. It has soundproof system kaya kahit magwala siya roon ng kanyang mga instrumento ay wala siyang mabubulabog na kahit na sino. Hindi na siya nagulat pa nang si Rainnah na kapatid niya ang bumungad na my dalang brewed coffee at kakanin na kanyang paborito. Puto at kutsinta iyon na siyang laging hiling niyang lutuin ni Aling Susan. Alas diyes na iyon ng umaga at naging habit ng kapatid ang pagsisilbi sa kanya kahit na may mga katulong naman ito sa mansiyon. Day off ng kapatid kaya sigurado siyang nakasiksik ito ngayong sa kanya. "Storm, meryenda ka muna," yakag ni Rainnah sa kanya habang binababa ang mga dal

