Kabanata 13 PANYO

1478 Words

Puyat si Maid halos sa buong gabi dahil sa labis na pag-aalala sa kanyang ina. Hindi niya ito maiwan-iwan at laging nakasilip sa pinto kung saan ay may parihabang salamin kung saan ay makikita ang pasyente mula sa loob. Ang takot na namayani sa kanyang dibdib ay lalong nadadagdagan. Tila namahay na rin iyon sa kanyang pagkatao. Ikinakatakot niya na maaring mawala ito. Mawala na ang lahat huwag lamang ang kanyang ina. Sa umagang iyon ay binisita ng doctor ang kanyang ina. Mahina pa ito at halos tulog lamang sa bawat oras. Dumadaing lamang pagkatapos ay matutulog na muli. Sa sampong minutong naroon siya ay habag ang nararamdaman niya para sa ina. "Dahil na rin sa gamot iyon, hija. Mabuti dahil makakatulong iyon para makuha niya ang lakas na nawala sa kanya. She needs it para palakasin ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD