Kabanata 4 BACK HUG

2375 Words
Umaga pa lamang ay nakagayak na si Maid para maghanap-buhay. Suot niya ang paborito niyang bestida. Bulaklakin iyon na kulay lila. Kupas na rin ang kulay ngunit maganda pa naman lalo at suot niya. Naging matingkad ang ganda ng bestida dahil humubog iyon sa ganda ng kanyang katawan. "Aba't ang ganda-ganda naman ng aking anak," puri ng kanyang ina na maayos ngayon ang lagay. Naglaga siya kahapon ng luya na may halong oregano. Nakatulong iyon sa ubo nito kaya nakatulog ng maayos kahit papaano at paminsan-minsan lang ang atake ng ubo noong nagdaang gabi. Ngumuso siya nang harapin ang ina. Nakaupo ito sa isang upuang gawa sa kawayan. Halatang sinusuri siya nitong mabuti batay sa pagkakatitig sa kanya. "May date ba ang dalaga ko?" nagbibirong tanong pa nito. Inayos pa ang buhok niyang nakalugay nang tumayo ito at lumapit sa kanya. "Nay, naman. Wala po sa bokubolaryo ko ang salitang date at kahit ang pagbo-boyfriend," ika niyang inakbayan ang ina. "May nag-offer po ng trabaho sa akin. Malaki po ang kikitain ko. Kaya lang..." Bigla siyang nalungkot nang maalala ang kalagayan ng ina at ang maaari niyang pag-uwi ng gabi. "Kaya lang ano, Maid?" untag sa kanya ng ina nang bigla siyang natahimik. "Gabi na po ako makakauwi. Ayos lamang ba kayo rito?" nag-aalalang tanong niya. Binabawi sa sarili ang pag-oo kay Miss Rainnah. Mas mahalaga na mabantayan sana niya ang ina. Ngunit...kailangan niya rin naman kumita. Lumayo ang kanyang ina mula sa kanyang pagkakaakbay. Hinawakan siya sa balikat. "Ayos lang ako, anak. Wala naman na akong gagawin dito dahil nagawa mo na lahat kahapon. Huwag mo akong isipin. Basta mag-ingat ka at maging masipag lamang sa trabaho." Tipid siyang nangiti sa ina at marahang tumango. "Uuwi po ako agad pagkatapos na pagkatapos ng ipapagawa sa akin," sabi niyang yumakap sa ina. "Mag-iingat kayo rito, inay." "Oo, na. Sige na, mag-ingat ka anak," muling paalala nito na ikinatango niya. Nagsuot na siya ng kanyang sandal na halata na ring luma. Natanggal na ang isang dahon sa kaliwang pares pero nagawan pa niya ng paraan upang idikit iyon gamit ang pandikit. Kumaway siya sa ina nang papalayo na. May pag-aalala pa rin ngunit kaakibat noon ay saya at excitement na sa wakas ay makakarating siya sa mansiyon ni Miss Rainnah. Makikita niya sa wakas ang usap usapan ng mga tao sa Isla. Ito raw ang may pinakamaganda at may pinakamalawak na lupain sa lugar at siyempre, may pinakamalaking tahanan. Dumaan muna siya kay aling Jessa para kumuha ng mga sampaguitang ilalako. Pagkatapos ay dumiretso siya sa simbahan kung saan ay sinubukan pa niyang magtinda para hindi naman niya iasa lahat ng iyon na bayaran ni Miss Rainnah. Doon din ang lugar na usapan nila ni manong Boknoy para sunduin siya. Ngunit ilang minuto lamang siya sa paglalako ay dumating na si Manong Boknoy at sinusundo na nga siya nito. "Naku, Maid, gusto ni Mam Rainnah na sunduin na kita agad. Halika na," sabi nitong napapakamot pa ng ulo nang magtanong siya rito. Maging siya ay hindi mapigilang mapakamot rin. "Wiling-wili siya sa iyo kaya gusto ay naroon ka agad," sabi nitong bakas sa tono ang katotohanan. Nahiya tuloy siya sa papuri nito. Sumakay siya sa sasakyan at agad silang umalis ni manong Boknoy. Halos papasok pa sa isang malaking bahagi ng lupa na natataniman ng mga punong mangga at iba pang uri ng kahoy na namumunga ang lugar ng mga De Luca. Sa malaking gate ay nakalagay ang mga letra ng apelyido ng mga ito. "Gilbert, si Maid pala, panauhin ni Miss Rainnah," pakilala ni Manong Boknoy sa kanya sa guwardiya na nasa gate. "Magandang umaga po," bati niya sa lalaking medyo matanda na rin. Ngumiti ito sa kanya. "Mas maganda ka pa sa umaga binibini," aniyang halatang nambobola. Napangiti na lamang siya. Binuksan nito ang malaking gate. Nang makapasok sila ay mga fruit bearing trees pa rin ang makikita sa gilid ng daan. Pagkatapos noon ay bumungad sa kanya ang isang malaking hardin at mansiyon. Malayo-layo ang gate sa mismong mansiyon. Kapag siguro nilakad ay aabutin ng labin limang minutong lakaran iyon. Hindi talaga akalain ni Maid na makakarating siya roon. Sobrang mangha niya sa paligid, maging sa harap pa lamang ng mansiyon. Pinagbawalan kasi siya ng ina na pumunta sa hilagang bahagi ng bayan. Iyon ay kung saan nga naroroon ang makapangyarihang pamilya ng De Luca. Kaya nga hindi niya nasabi sa ina na doon siya pupunta. Mag-aalala lamang ito kapag nalaman iyon. Lalo na at maraming usap-usapan sa lugar nila tungkol sa bagsik ng mga matatandang De Luca. Marami ang iwas sa pamilya ng mga ito na halos siyang nagmamay-ari ng iba't ibang gusali at negosyo sa isla. Marami ang nagsasabing terror na amo ang mga ito. Gaya ng kubo nila. Malayo rin ang hasyenda ng mga De Luca. Kung tatlumpo't minuto niyang nilalakad ang kanila, ganoon rin sa mga De Luca. Halos tatlumpo’t minutong tinahak iyon ng sasakyan mula sa simbahan. Pababa pa lamang siya sa sasakyan ay nakaabang na sa b****a ng pinto si Miss Rainnah. Nakangiting agad na lumapit sa kanya at niyakap siyang bigla na siyang ikinagulat niya. "Salamat at narito ka na," bulong nitong halatang masaya. Tila tuloy ay may humaplos sa kanyang puso dahil hindi siya nito tinitignan na mababa. Tuloy ay hindi siya naniniwala sa mga naririnig na usap-usapan. Baka nga hindi ito ang tinutukoy at ibang kapamilya lamang. Yumakap siya pabalik kay Miss Rainnah.Sobrang gusto niya rin ito. Kapareho kasi ng kanyang ina ang ugali nito. Malumanay at malambing magsalita. Tila kay bait-bait talaga. Walang masamang damo siyang nakikita sa ugali nito. Isa pa, halos kasing edad lamang ito ng kanyang ina. "Pumasok tayo sa loob, Maid. Halika nang makapagmeryenda ka muna," magiliw na yakag ni Miss Rainnah sa kanya. Hinawakan nito ang kamay niya at hinila. Nahihiya siyang sumabay dito. Nasa bahay lamang at simple ang damit ngunit nagsusumigaw dito ang kayamanan, maging ng kagandahang nakatago lagi sa isang salamin at malaking sumbrero kapag nakikita niya sa simbahan. Ngayon ay wala ang mga iyon kaya namamangha rin siya sa kagandahan nitong taglay. "Akin na ang mga sampaguita, Maid," sabi nito sa mga hawak niyang sampaguita. Iniabot ni Maid ang mga bulalak at pinanood niya nang isabit nito iyon sa rebulto ni Mama Mary. Pagkatapos ay pumikit at nanalangin saglit. Habang hinihintay si Miss Rainnah ay hindi niya mapigilang igala ang paningin sa malaking mansyon. Namangha siya sa lumang disenyo ng loob ng mansiyon. Nakikita lamang niya iyon sa mga libro na binabasa niya sa library ng paaralan. Spanish style iyon at talagang napanatili ang ganda. Maging ilang kagamitan ay halatang galing sa panahon ng kastila. Napanguso siya. "Paanong hindi mapapanatili? May pera sila," sabi ng kanyang isip. Iba talaga kapag may pera. Naikiling niya bigla ang ulo nang mahagip ng kanyang mga mata ang tila mga taong sumisilip mula sa silangang bahagi ng bahay. May malaking kahoy na pinto roon at tila may nakita siyang mga ulong nakasilip. Nawala rin naman agad ang mga iyon nang bumaling roon si Miss Rainnah. "Halika ka na, Maid. Maupo tayo," muling yakag sa kanya ni Miss Rainnah. Humawak pa ito sa kanyang siko at muli siyang iginiya. "Ho?" Hindi niya mapigilang magtaka. Niyakag siya nito sa labas kung nasaan ay mayroong maliit na mesa at dalawang upuan. Sa labas ay tanaw ang malawak na plantasyon ng kape. "Umupo ka, Maid," utos nitong nauna nang umupo. Pinag-ekis ang mga paa at talagang mayaman na mayaman kung kumilos. Hindi niya tuloy mapigilang tingnan ang sarili. Alam niyang nagmumukba siyang basahan sa tabi nito. Naiilang tuloy siya. Papaupo na rin siya nang makitang may paparating kaya muli siyang tumayo nang tuwid. "Susan, pakidalhan kami rito ng iba pang meryenda. What do you like, Maid? Cake? Pastries?" baling ni Miss Rainnah sa kanya. Napalunok siya dahil nakatuon ang tingin hindi lang ni Miss Rainah kundi maging ang tinawag nitong Susan sa kanya na tila hinihintay ang sagot niya. "W-wala po, Miss Rainnah," utal niyang sagot. Napayuko pa. "Huh? Why?" tanong naman nitong nagtataka. Sa pagkakataong iyon ay napakagat labi na siya. Huminga siya ng malalim bago umangata ng tingin dito. "Tutulong na po ako sa mga gawain dito, Miss Rainnah. Isa pa po, iyon ang ipinunta ko rito..." Napahinto siya sa pagsasalita nang utusan ni Miss Rainnah si Susan na umalis. Napayuko muli siya nang lumapit si Miss Rainnah sa kanya. "Magentha..." Naitaas niya ang ulo sa pagtawag nito sa kanyang buong pangalan. "I invited you here, hindi para gawing katulong. Marami sila rito at kaya na nilang gawin ang mga gawain para sa party mamaya." Kumurap-kurap ang mga mata niyang nakatitig dito. Wala siyang maintindihan. "Ang sabi ninyo kahapon..." "Sinabi ko iyon para pumayag ka. Dahil kung sasabihin kong dadalo ka lamang ay alam kong tatanggihan mo ako." Mabining ngumiti ito. "Narito ka pa rin naman para sa trabaho, Maid. Narito ka para samahan ako. Kailangan ko ng kausap, ng kassma." Ginagap nito ang kamay niya at ramdam niya ang malamig na palad nito. "Kailangan ko ng makakasama dahil kung hindi, hindi ako mapapakali kahihintay ng oras, Maid. I'm so excited at the same time nervous. Baka kasi hindi na naman uuwi si Storm at paasahin ako," mahabang pahayag nito. Pinisil ang palad niya. "Stay here with me, okay?" Tila pakiusap nito. Malamlam ang mga mata ni Miss Rainnah na nakikiusap. Nang tumango siya ay laking tuwa nito at muli siyang pinaupo para samahan ito sa meryenda. Nagpadala ito ng chocolate cake sa isa pang katulong. Napag-alaman niyang ang Susan na tinawag ay ang mayordoma sa bahay at tanging pinagkakatiwalaan ni Miss Rainnah sa mga pagkain. Asiwa man ay pinilit ni Maid maging kumportable. Iba kasi ang kasiyahang nakikita niya sa mga mata ni Miss Rainnah ngayon. Sabik na sabik ito sa sinasabing kapatid. "Halika, Maid, tara sa kuwarto ko at may mga ibibigay ako sa iyo," yakag sa kanya ni Miss Rainnah sabay hila sa kanya papanhik sa pangalawang palapag ng mansiyon. Nalula siya sa paikot na hagdan. Ngunit mas nalula siya sa dami ng mga pintong bumungad sa paningin niya pagkapanhik sa ikalawang palapag. Sinubukan niyang bilangin iyon habang hila-hila pa rin siya ni Miss Rainnah ngunit nawala siya sa hustong bilang nang pumasok sila sa isang silid sa pinadulo ng pasilyo. "Mamili ka ng gusto mo sa mga damit sa closet, Maid. Sa iyo na ang magustuhan mo," anyang iminuwestra ang kanang kamay sa damitan nito. Nanlaki ang mga mata ni Maid sa sinabi ni Miss Rainnah. Kagat labing pinasadahan niya ng tingin ang damitan nito. Nalula siya sa dami. Isang buong kuwarto na iyon ng damit at alam niyang hindi iyon ang kuwarto ni Miss Rainnah. Talagang damitan lang nito iyon. May mga lagayan rin ng mamahaling sapatos at bags. Hindi maproseso ng utak niya ang nakikita. "Ang dami!" bulalas niyang manghang mangha. Hindi niya mapigilang lumapit sa kumpol ng nakasabit na damit. "Mamili ka, Maid. Those won't fit me anymore. Lahat ng magustuhan mo, sa iyo na," ulit niting nilapitan siya at bahagyang itinulak upang makapamili na. Hindi na siya nahiya. Inisa-isa niya ang mga damit na iyon. Naalala niya rin kasi ang ina. Siguradong may kakasya sa mga damit na iyon. Matagal na rin na wala silang bagong damit. Matutuwa ito at mukha pang mamahalin ang mga damit na naroon. Habang namimili ay nakita niya si Miss Rainnah na lumapit sa isa pang closet. Nang bumalik ay may hawak na itong bestida. Kulay puti iyon na may ribon sa gitna. "This is my favorite, Maid. Iyo na rin ito," sabi nitong iniabot sa kanya. "Try it. Maybe wear it for tonight," saad nitong malawak ang pagkakangiti sa labi. Nahihiya man ay sinunod niya ito at isuot nga ang bestida. Tila sinukat nga iyon sa kanyang sariling katawan dahil kasyang-kasya. Tama lamang ang higpit sa katawan niya pati ang haba nito. "You are so beautiful..." puri ni Miss Rainnah sa kanya nang lumabas siya mula sa banyong nasa kuwarto. Suot na niya ang damit nito. "Sinong mag-aakalang ang napakagandang dalaga sa haralan ko ay ang dalagang nasa init ng araw para magtinda ng mga sampaguita," aniyang malamlam ang mga mata. Alam niyang walang ibig sabihin ito. "Take what mever you want here. This is a gift from me, for your hard work." "Salamat Miss Rainnah," nasambit na lamang niya. Halos magkasing katawan lamang sila ni Miss Rainnah kaya siguro karamihan sa mga damit na gusto niya ay kasyang kasya lang sa kanya. Dalawang supot ng malalaking plastic bag ang napili niya. Maging sapatos ay binigyan siya nito. Tinanggihan na niya ang alahas at mamahaling bag dahil sobra-sobra na ang ibinigay nito sa kanya. "Mapupunta rin naman sa donation ang lahat ng mga iyan, Maid," anya pa nitong ipinagpilitan sa kanya. Pero matigas na siyang tumanggi. Hindi naman na siya nito pinilit. Sa kalahating araw ay wala silang ginawa kundi magkuwentuhan. Pagkatapos niyang mamili at mailagay sa bag ang mga damit at ilang mga sapatos ay nasa hardin na naman sila. Ayon kay Miss Rainnah, kaunting salo-salo lamang ang inihanda para sa kapatid nito. Ilang kamag-anak lamang din daw ang paparoon. Malapit na rin daw ang kapatid nito ayon sa text na natanggap. "I have to pee, Maid. I'll be quick. Maiwan muna kita rito," paalam ni Miss Rainnah. Halata niyang hindi na ito mapakali kanina pa. "Sige po, Miss Rainnah," sabi niyang tinanaw pa ito nang pumasok sa loob. Muli niyang pinagmasdan ang magandang tanawin nang mag-isa na lamang siya. Mataas ang kinaroroonan ng mansiyon kaya tila kay liit ng ibang tanawin sa likod-bahay. Tumayo siya para mas lalong matanaw ang kagandahan ng paligid. Pagkatapos kasi ng plantasyon ay makikita ang kumikinang na tubig na nakapalibot sa isla. Nang mapayakap siya sa sarili dahil umihip ang malamig na hangin. Pumikit siya at dinama iyon kasabay ng pagsamyo sa bangong dala ng malinis na kapaligiran. Nasa ganoon posisyon si Maid nang bigla na lamang may yumakap mula sa kanyang likuran. Malalaking bisig ang nagkulong sa kanyang maliit na katawan. Ramdam niya ang init na nagmumula sa bulto ng taong biglang yumakap sa kanya. "Hey babe, I'm back!" bulong ng malalim na boses sa kanyang batok. Ramdam niya ang mainit na hininga nito roon. "I miss you!" sabi pa nitong dahilan upang manlaki ang mga mata niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD