Kabanata 5 MATANDANG MANYAK

1589 Words
Kasabay ng panlalaki ng mga mata niya ay ang pagsigaw at ang mabilis niyang pagkawala sa yakap na iyon. Agad niyang hinarap ang mapangahas na lalaki at sinuntok ito sa mukha. Hindi nga lamang masyadong malakas ang pagkakasuntok niya sa mukha nito dahil hindi niya inaasahang sobrang tangkad pala ng lalaki. "Gago! Manyak ka!" sigaw niya sa pagmumukha ng lalaki. Galit na galit siya. "F^ck!" mura nito. Hindi naman alintana ni Maid ang galit sa mga mata ng lalaki nang muli siyang harapin. Sapo nito ang pisnging nasapol ng sapak niya. "Huwag kang magmura-mura diyan ah! Mga matatanda talaga, mga manyak!" pahayag ni Maid dahil sa bugso ng galit. Ang lalaki ay may mahabang buhok at balbas. Nakalugay pa sa harapan ang buhok nito at sabog-sabog kaya hindi niya masyadong makita ang mukha nito. Basta ang alam niya ay matanda na ito. Matanda at manyak! Sa bugso ng kanyang damdamin ay hindi na niya naisip na maaaring kamag-anak ni Miss Rainnah ang lalaking kaharap. Hindi niya kasi talaga palalagpasin maging sino man ang bumabastos sa kanya. Hindi siya makakapayag na basta-basta na lang nakawan siya ng yakap. Tila ramdam pa nga niya ang hininga nito sa batok niya dahilan upang magtayuan ang mga malilit na buhok niya sa katawan. "Tarantado 'to!" muli niyang pahayag. Lumalabas ang pagkabastos ng kanyang bunganga dahil sa galit. "Wow! Just wow, little brat," aniya naman nitong inayos ang buhok patalikod. Napatda siya dahil may itsura pala ito sa kabila ng balbas nito at bigote. "If I've known that you're not Rainnah. Hindi kita yayakapin!" singhal ng lalaking naningkit ang mga mata sa kanya. Hinahaplos pa rin nito ang pisnging nasaktan. Bakas sa mukha nito ang inis sa kanya sa kanyang ginawa. 'Rainnah? Rainnah ang tawag ng lalaki kay Miss Rainnah. Baka boyfriend ito ni Miss Rainnah?' Hindi niya maiwasang maisip. "Kung hindi mo lang suot ang damit niya, never I've hugged you! I am not a child abuser!" Iritadong pahayag pa nito. Napalunok siya sa galit na nabanaag niya sa tono ng lalaki. Napatingin siya sa damit na suot. Gusto niyang magsalita. Gumalaw ang bibig niya ngunit walang boses na lumabas roon. "Fück! Ganito pa ang mapapala ko sa pag-uwi!" muling mura ng lalaki. Mariing tumitig sa kanya habang binasa ng dila ang mga labi. Pagkatapos ng mariing titig ay tinalikuran siya iniwan siyang basta roon. Kita niyang tuloy-tuloy na pumasok ito sa loob ng mansiyon. Wala naman ibang tao doon dahil abala ang mga ito sa pagprepara para sa maliit na salo-salo. Napatunganga siya at tila siya nabuhusan ng tubig. Siya na nga ang nabastos pero bakit pakiramdam niya ay siya ang nagkasala. Nasuntok lang naman niya ito dahil nabastos siya! Walang pang ibang nakayakap sa kanya kundi ang ina at ama niya lamang. Si Jenny nga na kaibigan niya ay madalas niyang iwasan kapag napapayakap ito sa kanya. Lalaki pa kaya! At hindi niya kilala! "Maid, I'm sorry, pinaghintay kita. Nag-ayos pa kasi ako ng aking sarili." Mula sa loob ay dali-daling lumapit sa kanya si Miss Rainnah. Humahangos ito dahil mukha ngang nagmadali. Kinakabahan at hindi naman mapakali si Maid dahil sa pangyayari. Mukha ngang ang nasapak niya ay boyfriend ni Miss Rainnah. Halata kasing nagpaganda pa ito at nag-ayos ng sarili. Naka-lipstick ito na wala naman kanina. "Nandiyan na si Storm at ang ibang kamag-anak at kaibigan. Halika, ipakikilala kita," akay sa kanya ni Miss Rainnah. Nagdalawang isip pa siyang sumama. Paano kung makaharap niya ang lalaking nasapak? Paano kung komprontahin siya at masira niya ang salo-salo? "Huwag na po, Miss Rainnah. Tutulong na lamang po ako sa kusina..." "Maid, sinabi kong narito ka para samahan ako at hindi para magsilbi bilang katulong. Halika na. I'm so excited and I need you by my side dahil siguradong..." Bumaba ang mukha nito sa kanyang teynga. "World War 3," aniyang natatawa. Hinila siya nito paloob ng bahay kaya wala na siyang nagawa pa kundi harapin ang mga bisita ni Miss Rainnah. At mas lalong nadagdagan ang kaba niya sa maaring paghaharap nilang muli ng lalaki sa ipinakitang ugali sa kanya ng mga kamag-nak na ipinakilala ni Miss Rainnah. Ramdam niya na may paghuhusga sa mga tingin ng mga ito kahit sabihin na may ngiti ang mga labi. May napansin pa nga siyang tumaas ang kilay na isang may edad na. Nakahawak ito ng wine glass. Lumapit ito sa gawi nila ni Miss Rainnah. "Rainnah, dear," aniyang humalik sa pisngi ni Miss Rainnah. Pagkatapos ay hinarap siya. May ngisi sa mga labi ngunit alam ni Maid ang ibig sabihin ng ngising iyon. Lalo pa niyang napagtibay na hindi siya katanggap-tanggap dahil pasimple siyang tiningnan nito mula ulo hanggang paa. Dalawang beses pang inulit. "Aunt Laura, na...naparito ka?" saad naman ni Miss Rainnah na tila hindi inaasahan ang pagdating ng babae. "Of course, this is a family gathering, hindi ko nga Alam kung bakit wala akong natanggap na imbitasyon," lantaran nitong sabi. May pahaging na masamang hangin kay Miss Rainnah. Halata ang pilit na ngiti ni Miss Rainnah sa labi. Ramdam naman ni Maid ang mabigat na hangin sa dalawa. Humigpit ang pagkakahawak ni Miss Rainnah sa braso niya. Buti na lamang at may ibang dumating na siyang dahilan upang kahit kaunti ay maputol ang hindi magandang awra na namamayani sa paligid nilang tatlo. "Hi, Rainnah," anya ng lalaking dumating. "Sorry, hindi makakarating sa Abby ngayon, nasa Europe," paliwanang ng lalaki bago bumaling sa kanya. "At sino itong magandang dilag na kasama mo?" tanong nito kay Miss Rainnah ngunit nasa kanya ang titig nito. Namula siya sa sinabi ng lalaki pero mas namula siya nang taasan siya ng kilay ng matandang babae na tinawag ni Miss Rainnah na Aunt Laura. "For sure, naamoy mo ang kagaya mong hampas lupa!" pahaging nito bago tumalikod at iwanan sila. Itinawa lamang ng lalaki ang narinig mula sa matandang babae. Pumutol iyon sa katahimikan nilang dalawa ni Miss Rainnah. Apologetic naman na tumingin sa kanya si Miss Rainnah. Sa mga tingin pa lamang nito ay humihingi na ng tawad sa kanya dahil sa inasal ng isa nitong kamag-anak. Ngumiti siya rito para sabihing okay lamang siya. Tanggap naman niya na ganoon ang tingin sa kanya ng iba. Lalo na ang mga mararangya. "By the way, Maid. This is Mr. Aaron Villaflor. He is the CEO of De Luca construction company," pakilala ni Miss Rainnah sa lalaki. Agad naman na nilahad ni Mr. Villaflor ang kamay sa kanya para sa pagdadaupang palad "Magentha Angelu po. Tawagin niyo na lamang akong Maid," pakilala niya sa sarilim. Ang ngiti sa labi ni Mr. Villaflor ay naging malawak at naging kuryoso ang itsura. "Maid? What a beautiful nickname..." aniya dahilan upang mahiya siya rito kahit alam naman niyang wala itong ibig sabihin. Matanda na rin ang lalaki. Sa tingin niya ay halos kasing edad lamang ni Miss Rainnah o baka mas matanda lamang ng ilang taon dito. Matikas ito at halatang naalagaan ang sarili. May mga napagkuwentuhan pa ang mga ito samantalang nakikinig lamang siya. Naging abala rin ang kanyang diwa sa maaring paglitaw ng lalaki kanina. Ngunit ilang minuto na siyang kahalubilo ang mga bisita ay hindi naman niya nakita o nakaharap ang lalaking iyon. "Nasaan si Storm at Jared?" tanong ni Mr. Villaflor kapagdaka. "I have no idea," kibit balikat na sagot ni Miss Rainnah na nagpalinga-linga rin na parang hinahanap ang dalawang nabanggit. Pinuntahan niya kanina ang kapatid at sinabing bababa na ngunit hanggang ngayon ay wala pa. "Hinahanap ka rin ni Jared kanina,Rainnah," rinig niyang sabi ng isang babae. Ipinakilalang si Tina ni Miss Rainnah. Pinsan ni Miss Rainnah ang babae at isa sa alam niyang maayos ang pakikitungo sa kanya. Nakangiti itong tumabi pa sa kanya habang ino-offeran siya ng maiinom nang dumaan ang isang katulong. Marahas siyang umiling kaya ito na lamang ang tumungga ng wine. May mga katulong si Miss Rainnah na nag-iikot at nagbibigay ng iba't ibang uri ng pagkain na nakatusok sa toothpick. Sinubukan niyang kumuha kanina para hindi naman tila lamang siyang estatwa sa tabi ni Miss Rainnah. Parisukat na maliit na kulay puti na nakatusok sa toothpick ang kinuha niya para kainin. Nang isubo niya at nalasahan niya ang medyo maalat na lasa ay napangiwi siya. Pilit niyang nilunok iyon kahit ayaw ng kanyang panlasa dahil pagkain pa rin iyon at nasasayangan siya. Cheese iyon. "Storm, said he wants to take shower first," sagot naman ng babaeng humalo sa kumpulan nila Miss Rainnah. Mas bata itong tingnan sa mga kasama nila. Pakiwari niya ay pamangkin ni Miss Rainnah iyon "Si Jared..." natawa ito. "Siguro ay kung saan na naman nagsuot. Hinahanap ka niya kanina sa akin, Tita." Tama nga siya, pamangkin iyon ni Miss Rainnah. Kahawig ito ng Aunt Laura nila Miss Rainnah. De Luca ang wangis ng mukha. Nagtawanan ang mga kasama nila sa nasabi ng babae habang siya ay napayuko na lamang. Hindi kaya ang Jared na tinutukoy ang naghahanap kay Miss Rainnah kanina? Iyong lalaking napagkamalan na siya si Miss Rainnah at yumakap na lang sa kanya bigla. "Hindi naman ako matitiis ni Jared na hindi agad makita," sabi nitong nakangiti. "Mahal na mahal ako n'on," aniyang napahalakhak pa. "Pinuntahan na niya ako kanina," dagdag pa nito. Nanliit lalo si Maid dahil batay sa mga salita ni Miss Rainnah ay mahalaga ang lalaking iyon dito. Hindi niya tuloy alam ang gagawin kapag nakaharap niyang muli iyon. Ano ang sasabihin niya? Parang gusto na lamang niyang bumukas ang tinatapakang sahig at kainin siya. Ayaw niyang makaharap ang lalaking iyon dahil panigurado, siya ang magmumukhang mali kahit nasa tama siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD