Naging mapanuri si Maid sa kanyang paligid. Hindi siya mapakali. Sinasama naman siya sa usapan nila Miss Rainnah ngunit pakiramdam niya ay hindi talaga siya belong sa mga ito lalo na at negosyo ang karamihan sa pinag-uusapan. Masaya naman pero mas gusto na lang niyang umuwi. Maaga pa ang gabi ay kasisimula pa nga lamang ng salo-salo.
"Are you okay, Maid?" tanong ni Miss Rainnah nang maramdaman ang pananahimik niya. Bumitiw ito mula sa braso niya at hinarap siya.
"Kailangan ko pong magbanyo, miss Rainnah," aniyang napagpasyahan niyang humingi ng pahintulot na lang para magbanyo. Gusto niyang makahinga saglit dahil sa kabang kanina pa kumakain sa kanya ng buhay.
"Sa taas ka na lamang, Maid. Marami ang gumagamit dito sa baba. Left side in the second floor," sabi nitong pabulong sa kanya. Tinapik pa nito ang likod niya at ininguso ang itaas na bahagi ng mansiyon.
Tahimik siyang pumanhik sa taas na halos walang nakapansin sa kanyang pag-alis. Napakamot siya sa ulo nang bumungad muli sa kanya ang maraming pinto doon. Nasa sampo yatang pinto at hindi niya mawari kung nasaan ang banyo. Pare-pareho kasi ang kulay ng mga pinto.
"Left side..." ika niyang pinaikot pa ang ulo. Sa right side sila galing kanina ni Miss Rainnah kung saan ang kuwarto ng mga damit nito.
Naglakad siya ngunit lalong naguluhan, hindi niya natanong kung saan at pang-ilang pinto ang banyo. Nagbakasakali na lamang siya sa isang medyo mas maliit na pinto. Doon siya natapat at iyon ang pinakadulo. Hindi iyon katulad ng ibang pinto na malalaki kaya sigurado siyang banyo nga iyon.
Agad niyang binuksan at mabilis na isinara iyon. Huminga pa siya ng malalim bago humarap sa inaasahan niyang banyo. Pagharap niya ay napatda siya at napasigaw.
"Ang laki!" sigaw niya nang hindi ang banyo ang bumungad sa kanya kundi ang hubad na katawan ng lalaking nasapak kanina. Nakatayo ito ng hubo't hubad na tila papunta pa lang para maligo. Agad siyang pumikit at tinakpan ang kanyang mga mata kahit huli na ang lahat dahil napagmasdan na niya ang nasa gitna ng lalaking iyon na hindi man lamang nagtakip sa sarili. Proud na proud itong nakatayo.
"What the f**k?! Bakit basta-basta ka na lamang pumapasok dito?" galit naman na bulyaw ng lalaki sa kanya. Hindi talaga nag-aksaya ng oras na takpan ang kahubaran. Nameywang pa ito sa babaeng halos manliit dahil sa kahihiyan.
"A...akala ko kasi banyo," tarantang sagot ni Maid. Hindi pa rin maalis sa isip ang nakitang bahagi ng katawan ng lalaki kahit nakapikit na. Naglalaro pa nga iyon sa kanyang balintataw.
"Banyo? May nakita ka bang washroom sign sa may pinto para sabihin mong banyo ito?" sarkastik na pahayag ng lalaki. Naroon pa rin ang tonong iritado.
"Pa...pasensiya na po. Puwede bang magbihis ka?" pakiusap ni Maid rito. Huli na ang lahat at hindi na birhen ang mga mata niya sa ganoong bagay. Hindi niya akalaing makakakita siya ng buhay, sa mga larawan lamang sa libro kasi niya nakikita iyon kaya naman sobra nagulat siya.
Umismid naman si Storm. Ewan niya pero bigla ay gusto niyang makaganti sa babae dahil sa pagkakasapak sa kanya kanina. "Ineng, hindi ko kasalanang pumasok ka rito. Imbes na magbihis ako, siguro makabubuti kung aalis ka na lang. Out!" pagtataboy niya rito. Wala siyang pakialam sa kahubaran niya. Balwarte niya ang kuwartong iyon at trespassing ang babae.
Napalunok si Maid at tumalikod na lang habang nakapikit pa rin. Inapuhap niya ang seradura ng pinto para makaalis na. Hindi na rin niya kinausap ang lalaki basta gusto niyang makaalis agad.
Dahil nakapikit ay hindi niya mahanap ang seradura ng pinto. Napasinghap na lamang siya nang maramdaman ang paglapit ng lalaki sa gawi niya batay sa mga yabag ng mga paa na papalapit sa kinaroroonan niya. Amoy na amoy niya ang natural na amoy nito at ang bango kahit hindi pa naliligo. Naestatwa pa siya nang nasagi ng buhok nitong mahaba ang kutis niya sa braso. Kaya nararamdaman niyang malapit na malapit ito sa kanya.Lalo tuloy siyang hindi nakakilos at sinalakay ng matinding kaba sa dibdib.
"Get out!" utos nito. Narinig niya ang langitngit ng pinto. Batid niyang binuksan nito iyon para ipagtabuyan siya.
Papahakbang na siya nang magmulat siya ng mga mata. Nakatalikod pa rin siya at hindi ito matingnan ngunit may gusto siyang sabihin.
"Sorry at salamat," sabi niyang aalis na ngunit muling nagsalita ang lalaki kaya muli siyang napatigil sa paglalakad.
"Sorry para saan? Sa pagkakasapak mo ba sa akin o sa pagpasok mo na lamang basta sa kuwarto ko?" tanong nitong parang walang pagsisisi sa ginawang pagyakap sa kanya.
Nagpanting ang teynga ni Maid nang ipaalala nito ang nangyari kanina. Matapang niyang hinarap ang lalaki. Nakataas ang tingin niya sa mukha nito at pilit iniiwasan ang bagay na hindi pa rin nito tinatakpan. Itinuon niya ang mga mata niya sa mukha ng lalaki.. Sa pagkakatitig niya dito ay hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang kiss mark sa pisngi nito. Bakat ang kulay ng lipstick doon. At hindi na niya kailangang hulaan kung kanino iyon galing dahil kasing kulay ng lipstick ni Miss Rainnah ang nasa pisngi ng lalaki.
"Why are you staring at me?" Napataas ang kilay nitong tanong.
Lumunok si Maid para alisin ang tila bara sa kanyang lalamunan bago ito sagutin.
"Hindi kita tinititigan," pagsisinungaling niya kahit talagang napatitig naman siya rito. Hindi lang ang lipstick sa pisngi nito ang dahilan kaya siya napatitig. Guwapo nga itong talaga. Nakakaakit rin ang mga mata at labi nito. "At hindi sa pananapak ko sa iyo ang sorry ko. Sorry dahil nasaktan ko ang taong mahal ni Miss Rainnah. Iyon lang," sabi niya at agad na bumaba. Hindi na alintana ang pantog na puputok na yata. Magpapaalam na lamang siyang uuuwi na kahit kasisimula lamang ng party ni Miss Rainnah. Naroon naman na ang mga hinihintay at hindi na nito kailangan ang presensiya niya.
"Sigurado ka, Maid?" tanong nito nang magpaalam nga. Tumango siya. "Sige, ipapahatid kita kay manong Boknoy. Nang maiuwi mo na rin ang mga dala mo. Salamat, Maid. Kay laking tulong ng presensiya mo rito, " sabi pa nitong niyakap siya.
Inihatid siya nito sa may garahe. Nakaabang na roon si manong Boknoy at dala na rin nito ang dalawang bag na malalaki.
"Salamat pong muli, Miss Rainnah."
"Walang anuman, Maid. Maraming salamat," ika nitong niyakap siyang muli. Naibigay na rin nito ang dalawang libong suweldo niya sa kalahating araw na sinamahan niya ito. Limang libo pa nga ang ibinibigay nito ngunit tinanggihan na niya. Kailangan niya ng pera pero hindi niya ito pagsasamantalahan. Tama na ang mga gamit at pagkaing ipinabaon sa kanya.
Pagkatapos maihatid ni Rainnah si Maid ay muli niyang dinaluhan ang mga bisita. Natigil lamang siya nang makitang pababa na ang kanyang kapatid. As usual, seryoso na naman ito at makikita sa mukha ang disgusto sa nangyayari.
"Storm, halika, bumati ka sa mga tita at tito natin," sabi ni Rainnah sa kapatid. Inakay ang lalaki sa mahabang mesa. Nagkakainan na ang mga ito. Hindi na kasi pinahintay ni Rainnah ang kapatid. Alam niya ang ugali nito.
Bumati naman si Storm ngunit hindi nakihalubilo. Ginawa ni Rainnah ang party na iyon para sana masanay na ang kapatid sa kanilang mga kamag-anak. Ngunit hindi niya ito mapilit makipaglapit sa mga ito.
Hindi agad umalis si Storm gaya ng paalam na aalis agad pagkatapos lamang magpakita sa mga kamag-anak. Napansin niyang nagpalinga-linga pa ito na tila may hinahanap.
"Si Jared ba ang hinahanap mo, Storm?" tanong niya at hinawakan sa balikat ang kapatid. Nasa sala sila ngayon.
"No. Where's your maid, Rainnah?" tanong nitong muling luminga-linga.
"Ha? They're all here Storm. Serving," sagot niya.
Muling naglakad si Storm patungo sa kusina kung saan ay busy ang mga tauhan ni Rainnah. Nakabuntot si Rainnah sa kapatid.
"Sino ba ang hinahanap mo, Storm?"
Natigil si Storm at hinarap ang kapatid. "The maid that gave me this!" sabi niyang ipinakita sa kanyang kapatid ang namumulang pisngi. Hindi na masyadong halata pero kapag tinitigang mabuti ay halatang may dumapong kamao sa kanyang pisngi.
"What happened?" Hinaplos ni Rainnah ang pisnging namumula ni Storm.
"I told you. One of your maid did this to me. Napagkamalan ko siyang ikaw. I hugged her from behind. Nasapak niya ako..." paliwanag nito.
"I don't understand, Storm..."
"She's wearing your favorite dress..."
"Oh my gosh!" Natutop ni Rainnah ang kanyang bibig bago ito matawa nang bahagya. "Did, Maid really punch you?" Natatawa nitong tanong. Naninigurado.
"Maid?" litong tanong nito. "Yes, your maid do this to me! Your maid, Rainnah!"
Umiling si Rainnah na natatawa na. "Maid...but not our maid. Magentha Anjelu ang tunay niyang pangalan. But mostly, we call her Maid, Storm..." paliwanag niyang malawak pa rin ang ngiti sa labi. "Ipapakilala kita nang maayos kapag naparito siyang muli. Okay?"
"Never mind!" sabi naman ni Storm. Hindi naman siya masyadong kuryoso. "Mukhang takot na ang bubwit na iyon nang makakita ng malaking sawa. I'll go now. Enjoy your party, Rainnah," sabi niyang humalik sa pisngi ng kapatid bago umalis. Saan siya tutungo ay hindi pa niya alam. Hindi niya alam kung may makikita siyang bar sa probinsiyang iyon. Basta gusto niyang umalis sa bahay na iyon kesa makisalamuha sa mga kamag-anak nila.