Kabanat 9 STORM

1402 Words
Muli siyang napabaling sa lalaki. Hindi naalis-alis ang ngiti nito sa labi habang siya naman ay labis ang kunot sa noo. "Call me, Jared, Miss," ika nitong muli ay lumapit sa kanya. Pagkatapos ay nilahad ang kamay. "And you are?" Napatitig si Maid sa kamay ng lalaki ngunit hindi niya iyon tinanggap. Oo nga't tinulungan sila nito ng kanyang ina ngunit hindi iyon sapat para kay Maid upang magtiwala nang tuluyan dito. He's too friendly for a stranger like them. "Do I look a gangster to you? O masamang tao?" Muling pahayag nito nang mangawit na ito sa paglahad ng kamay. Binawi nito iyon ngunit ang ngiti sa labi ay naroon pa rin naman. Umiling si Maid nang muli niya itong harapin. Mukhang mabait ang lalaki pero hindi siya madadala sa kabaitan nito. "Salamat pong muli," ika niyang tinalikuran na ulit ang lalaki. Muling naglakad para iwanan na ito. Wala siyang gustong aksayahin na oras para sa ibang bagay. Importanteng nasa tabi siya ng ina. Napahinga siya nang maluwag nang hindi na siya sinundan ng lalaking nagpakilalang Jared. Kahit papaano ay isinaulo naman niya ang pangalan nito. Humigop siya sa kapeng binigay ng lalaki habang nasa bench at hinihintay ang mga doctor na lumabas sa silid na pinagdalhan sa kanyang ina. Napawi ng init ng kape ang panlalamig na nararamdaman niya sa katawan. Ngayon niya lamang ininda ang sakit sa buong katawan at ang pagkabasa niya sa ulan. Buti na lang talaga ay nakapagpalit siya ng isang pantalon at blusa bago umuwi kanina galing sa mansiyon. Ibinaba niya sa tabi ang kape. Umusod patalikod upang isandal ang likod sa pader. Pumikit siya para kahit papaano ay maipahinga niya ang sarili. Ngunit hindi pa nagtatagal ay muli siyang napamulat. Napatayo si Maid nang may lumabas sa silid na kinaroroonan ng ina. Nagtagpo ang mga mata nila ng isang babaeng nakaputi. Isang nurse. "Miss, sumama ka sa akin. Kailangan mong pumirma sa mga papeles na kakailanganin ng nanay mo," ika nito. Napalunok si Maid. Alam niyang tungkol sa pera ang unang tatanungin sa kanya. Wala siya ni anumang sentimomg dala. Tanging sarili at ang inay niyang may sakit ang nabitbit niya papunta roon. At kahit madala niya ang pitaka, baka kulang pa ang perang naroon para sa gamutan ng ina. Susubukan na lamang niyang makiusap muna. "Miss pakifill-up-an na lamang po ito," ika ng isa pang nurse sa reception area nang naroon na siya. Nag-alangan pa siyang abutin iyon. Mabigat ang pakiramdam niyang sinulatan ang binigay ng nurse na papel. "Nurse," pagkuha niya sa atensiyon ng nurse nang matapos ng fill-up-an ang binigay. Agad siyang hinarap nito. Nakangiting kinuha noong iabot na niya ang papel. "Salamat..." ika pa nito saka tumalikod sa kanya. "Ah...nurse...magkano po ang bill...namin?" lakas loob na tanong niya. Para alam na rin niya ang kailangan niyang pag-ipunan. Ngumiti ang nurse sa kanya. "Bayad na po, Miss. Maging ang mga gamot at ilang araw na pananatili ng nanay mo rito," ika nito. "Ho?" Ewan niya kung tama ang rinig niya o baka nabingi lamang siya. "Bayad na po?" Ulit niya sa sinabi ng nurse. Tumangong walang pag-alinlangan ang nurse. "Sino pong nagbayad?" "Me!" Nagulat si Maid nang biglang sa tabi niya ay sumulpot muli si Jared. Tinukod pa ang siko sa counter habang nakangising nakatunghay sa kanya. "I paid for it..." muling pahayag nito. Hindi naman ito mukhang nagmamayabang pero halatang proud na proud sa sarili dahil sa ginawa. "Bakit?" tanong na lumabas sa bibig niya. Ipokrita siya. Tinulungan na siya ngunit heto, kinukuwestiyon pa rin niya ang lalaking tumulong sa kanya. "Ano'ng bakit?" Napawi ang ngiti ni Jared sa mga labi. "I want to help..." "Bakit nga po? Hindi ko naman kayo kilala. Hindi rin ako humingi ng tulong para bayaran..." "Wait! wait, Miss." Natigil siya sa pagsasalita. Napansin rin niya ang mga tingin ng mga nurse sa kanila. Lumayo si Maid sa reception area. Sinundan naman siya ng lalaki. "Why you keep on questioning my intentions, Miss? Can you just say thank you? Hindi naman ako maniningil..." Natigil si Maid sa paglalakad. Muling hinarap ang lalaki na hindi na yata maipinta ng hilatsa ng mukha. Natapakan niya ang ego nito, alam niya. "Ayaw ko pong magkautang na loob," ika niya. Inilahad ang kamay sa lalaki. "Magentha Anjelu Inocencio Dugay, iyan po ang tunay at buo kong pangalan. Hahanapin po kita para bayaran. Kung paano, hindi ko pa alam. Basta babayaran kita..." "Jared!" Tatalikuran na sana ni Maid si Jared ngunit napatda siya nang may tumawag dito. Pamilyar sa kanya ang boses na iyon na tila ba nagmumula lagi sa kailaliman ng lupa. Mababa ngunit dominante. Dalawang beses pa lamang ngunit tila naukit na ang boses na iyon sa kanyang kaibuturan. Ang tinig ng lalaki sa mansiyon ng mga De Luca. "Storm!" Lalo siyang hindi nakakilos nang tawagin ng lalaking kaharap ang nasa kanyang likod. "Where have you been? Ang sabi mo ay magkikita tayo sa bar. You're not there!" Nayayamot ang boses nito na pakiwari niya, hindi nito nagugustuhan ang hindi pagsipot ng kasama. "Bro naman!" Napakamot sa ulo si Jared. "Tsk." Nanlamig si Maid nang matapat sa kanya ang lalaki. Kahit hindi niya ito lingunin, alam niyang iyon nga ang lalaki sa bahay ng mga De Luca. "Bro, huwag mo naman akong ipahiya..." Nanlaki ang mga mata niya nang bumaling ang tingin ni Jared sa kanya. Mas lalo siyang naipako at hindi nakagalaw nang sa gilid ng mga mata niya ay makitang lumingon sa kanya ang lalaking katabi. "Huwag mong titigan, Storm, baka matunaw!" sita ni Jared sa lalaki. Pinamulahan siya bigla ng mukha. Ramdam niya ang mabibigat na titig ng lalaking nasa tabi niya. "Why you're here?" Hindi alam ni Maid kung siya ba ang tinatanong nito. Hindi niya kasi ito kayang tingnan. Nahihiya pa rin siya sa nangyari kanina at sa kaalaman na rin na ang nasapak at napasukan niyang lalaki ay ang kaisa-isang kapatid ni Miss Rainnah. Nagkamali siya ng hinala. "Magkakilala kayo ni Magentha?" litong tanong naman ni Jared. Napailing siya nang marahas. Samantalang titig na titig pa rin si Storm sa babae na para bang mawawala ito kapag nalingat siya ng tingin. "Did you injure your hand when you hit me?" Sarkastiko nitong tanong. Hindi nagugustuhan ni Maid ang tono ng pananalita ng lalaki. "Hit? What?" Eksaheradong bulalas ni Jared pero walang pumansin. Storm still looking at her intensely. Naglakas loob siyang harapin ito. "Sa tigas ng mukha mo, sinong hindi magkakapinsala ang kamay?" inis na asik ni Maid. Ngunit pakiwari niya, nanlalambot ang tuhod niya nang makasalubong ang mga mata ng lalaki. Kay lapit din pala nila sa isa't isa. At hindi niya matantiya ang sarili dahil kabado siya bigla sa presensiya nito, lalo at mas dumilim ang mukha nito sa sinabi niya. "Woah, woah, what is this? So nauna mo ng makilala si Magentha, Storm?" Singit sa kanila ni Jared. Inilagay pa ang kamay sa gitna nila. Napaatras si Maid samantalang hindi natinag si Storm maging ang titig sa kanya. Napaiwas na siya ng tingin dahil nagbabaga ang titig nito at hindi niya kayang tagalan. "Aalis na ako," kapagdaka'y paalam niya. Nakatungo. "Mr. Jared," tawag niya sa lalaking ngayon ay katabi na ni Storm. "Utang ang perang pinambayad mo para sa inay ko. Hahanapin na lamang kita at babayaran kapag nagkapera na ako." sabi niyang tumalikod at humakbang na palayo. "Sandali!" Literal na napahinto si Maid sa boses na iyon ni Storm. Masyadong dominante at makapangyarihan. Nagulat na lamang siya nang may lumapat sa kanyang likuran. "Wear this. Isauli mo na lamang. Alam mo kung saan ako hahanapin," bulong nito sa tuktok ng ulo niya. Bolta-boltaheng kilabot ang dala sa kanya ng mainit nitong hininga. Hindi siya agad nakahuma. Huli na nang muli niyang lingunin ang mga ito. Nakalayo na, hila-hila ni Storm si Jared na tila ayaw pang umalis. Bumaba ang tingin niya sa kanyang braso. Nakapatong doon ang itim na jacket na suot kanina ni Storm. Imbes na magdulot sa kanya ng init, tila pinanlamigan pa siya lalo dahil kay Storm ito galing. Huminga siya nang malalim. Humalimuyak ang pabangong nasa jacket. Kay sarap sa kanyang pang-amoy iyon. Doon ay tila niyakap na siya ng init sa katawan. Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Hindi niya malaman kung bakit ganoon na lamang ang ikinikilos niya. Hindi siya dapat ganoon. Hindi dapat siya maapektuhan. Muli siyang naglakad pabalik sa kuwarto na kinaroroonan ng ina. Hinayaan niya ang jacket sa kanyang katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD