Chapter 1: Sinusumpa

1305 Words
MIKA Kahit ampon lang ako at hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na makita at makilala ang tunay kong mga magulang, napakaswerte ko pa rin dahil hindi pinaramdam sa akin ng mga kumupkop sa akin na iba ako. Ang ibig kong sabihin, tinanggap nila ako na parang totoo nilang kadugo. Itinuring nila ako na tunay na anak at doon pa lang napakaswerte ko na… Pero dumaan lang din naman pala sa aking palad ang pagiging masuwerte dahil nang dumating ang nawawala nilang anak, awtomatikong nag-iba ang lahat. In just one snap my life became miserable. Saklap. Bitbit ko pa rin naman ang apelyidong Esguerra pero ang pagmamahal ng mga taong itinuturing akong tunay nilang anak at kadugo ay biglang naglaho na parang bula. Well maybe it's my fault why I feel miserable and feeling lost. Kung hindi lang siguro ako nakagawa ng eskandalo years later maybe I'm not where I am at right now. Though nabubuhay naman ako ngayon na naaayon sa gusto ko. Nakakain ko pa rin naman ang mga nakakain ko noong nasa puder pa ako nina Mama. Nabibili ko pa rin naman ang mga gusto ko pero sa punto na meron at kung ano ako ngayon, sobrang laki ng pinagkaiba. Pakiramdam ko isa akong Isla sa gitna ng karagatan na imposible nang makahanap ng mga kapwa ko. At ni kahit nga yata ang mga isda at alimango hindi magtatangka na umahon para magpahinga sa puder ko. Napahinga ako ng malalim habang naglalakad. “Namika?” Narinig kong tawag sa akin ng isang lalaki. Lumingon ako sa gawi nito pagkatapos kong tumigil sa paghakbang. “Ikaw nga! Hanep, bakit hindi ka man lang tumawag na pupunta ka dito?! “ Hindi magkaintindihan na asik sa akin ni Alli habang papalapit siya sa gawi ko. Ngumiti ako kahit pilit lang. “Biglaan lang ‘to kaya hindi ko na rin naalala na tawagan ka. Kamusta na?” Dahilan ko sabay bunggo ng aking balikat sa kanyang balikat. Sumimangot siya habang inaakbayan ako. Nasagi pa ako ng stethoscope na nakasabit sa kanyang leeg. Ang lalaking ‘to napakaswerte rin sa buhay.. “Ayos lang, medyo busy lang lately kaya ni kamusta sa'yo hindi ko na magawa.” “Okay lang naman ako ano ka ba!” Pinipilit kong isantabi ang namumuong lungkot sa aking kalooban dahil ayaw ko na pati siya ay mangamba. I know him. Sabay kami na lumaki dito sa bahay ampunan. Allison is my ride or die. My best friend and better to say parang kapatid na rin ang turing ko sa kanya. “Kanina ka pa ba?” Aniya habang sinasabayan akong na mag-ikot dito sa garden ng bahay ampunan. “Mga isang oras na. Galing ako sa chapel bago mo ako nakita.” “May problema ka ba?” Bigla niyang tanong sa akin out of nowhere. Natigilan na rin ako ng basta siya tumigil sa paglalakad. He faced me with a serious aura. Naniningkit ang kanyang mga mata at sa puntong ‘yon wala akong takas. Alam na alam niya kung paano hulihin ang emosyon ko. Wala na… Nanubig na ang mga mata ko. Problemadong bumuntong hininga si Alli bago namaywang sa aking harapan. “Anong problema, Miks? Sinasabi ko na eh, hindi ka pupunta dito kung wala kang problema–” “Grabe ka naman sa akin…” Nakasimangot kong angil. Hindi kasi totoo yun. “Kilala kita Miks.” “Oo na.“ Nakasambakol kong amin. Hindi na siya nakatiis. Hinila niya ako sa malapit na bench. Nilapag niya sa semento na upuan ang stethoscope niya. Parang naging abala pa ang bagay na yun sa kanya. Pinaupo niya ako saka siya naupo. “Anong meron?” Tanong niya. Ngumiti ako ng mapait saka yumuko para itago ang namumuong luha sa aking mga mata. “Limang buwan na akong nangungulila kina Mama… Pinalayas na nila ako simula ng bumalik si Ate Kyla. Nakatira ako ngayon sa isang apartment na malapit lang din sa shop ko. Okay naman na sana ako kaso may mga oras lang kasi na basta na lang umiiyak…” Hindi ko mapigilan na ilabas ang sakit na nararamdaman ko. Feeling ko kasi siya talaga ang kailangan ko para mailabas ko lahat ng nararamdaman ko na matagal ng hindi nawawala sa sistema ko. Narinig ko ang mabigat na paghinga ni Alli kaya inawat ko ang sarili ko para hindi makapag-breakdown. Inabala ko na siya at doon pa lang nahihiya na ako. “Nabalitaan ko ang tungkol doon Miks.” Aniya. Medyo nagulat ako sa sinabi niya kaya inangat ko aking paningin at sa kanya ko itinuon ang mga mata. Mapait siyang ngumiti sa akin. “Pero hindi ako naglakas loob na tanungin ka about that kahit na sobra ako nag-aalala sa'yo. Close tayo eh, sa sobrang close nga natin kulang na lang isama kita sa bahay at doon na patirahin! Pero nakakasama ka ng loob. Naglihim ka huy!” Deritso niyang hinaing. Sa halip na mangamba dahil baka nagtampo siya sa akin, nasuntok ko siya sa braso. “Ako ang naglalabas ng sama ng loob, ako ang may problema pero makaasta ka diyan parang ikaw pa ang may gana na magtampo!” Wagas siyang tumawa. Alam ko naman na paraan niya lang ‘yon para itakwil ang masaklap kong sitwasyon. “Huwag kang umuwi mamaya. Iinom na lang natin yan! Matagal tayo hindi nakapag-bonding Miks kaya ‘wag kang tumanggi! Staka pa despedida ko na rin ‘yon.” Nakataas ang mga kilay na sabi niya. Dahil do’n nangunot ang noo ko! Huwag niyang sabihin na aalis na siya at pupunta na sa ibang bansa! Pati ba naman siya iiwanan na ako? Walanjo Aliison! “Pupunta ka sa ibang bansa?” Hindi ko napigilan na kwestyunin siya. Siya naman ngayon ang napakunot ng noo at gustong matawa kaso pinipigilan lang. Umiling-iling siya na para bang hindi makapaniwala dahil sa aking sinabi. “Magiging LDR tayo nun kapag pinatos ko ang offer nila sa akin. Hindi ko gusto na magkalayo tayo Miks, awa mo naman!” Magkasalubong ang mga kilay na bwelta niya. Dahil do'n hinampas ko siya sa braso. Hampas na may kasamang gigil at yamot! “Eh saan ba kasi?” Agap kong tanong sa kanya. Nasa San Joaquin siya ngayon at sakop pa ito ng Batangas. Ako naman sa Bulacan ngayon nakatira pero dito kami nagkamuwang sa orphanage na ito. “Sa Maynila lang… May magandang offer sa akin ang Lowell Hospital, Miks…” Tunog alanganin ang pagkakasabi ni Allison. Natigilan ako habang nakaawang ang aking bibig ng biglang marinig ang pamilyar na ospital na ‘yon. Doon siya dati nagtatrabaho kaso ng mangyari ang eskandalo na ginawa ko pinaalis siya sa ospital na ‘yon. Siya ang may dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng ‘yon pero never ko siya na sinisi. Alam niya at alam ko rin kung ano ang nangyari noon pero bakit? Bakit babalik pa siya doon? Pero kung sabagay… Kailangan niya ng magandang trabaho sa isang ospital na kagaya ng Lowell Hospital para mapatunayan sa mga umampon sa kanya na kaya niyang makipagsabayan ulit sa mga magagaling na espesyalista sa mundo ng pag gagamot. “It’s been three years, Miks… Kahit ikaw alam mo na maganda ang benefits sa ospital na ‘yon. At staka lahat naman tayo kailangan tumanggap ng second chance diba?” Paliwanag niya kahit hindi ko naman siya kinukwestyun verbally. Sa akin naman wala na ‘yon. Para sa akin kinalimutan ko na ang eskandalong nangyari noon. Kasalanan ko rin naman yun. Lasing na lasing ako nun at wala akong maalala sa mga pinaggagawa ko. “Oo naman.” Mahina kong sang-ayon kay Allison kahit ang nasa isip ko ay si Uno Lowell! Ang doctor na anak ng may ari ng Lowell Hospital at ang lalaking sinusumpa ko at ayaw na ayaw ko ng makita!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD