MIKA
Pagkatapos namin mag-usap ni Alli, nag paalam muna ako sa kanya para pumasok sa loob ng bahay ampunan. Nasa bungad pa lang ako at hindi pa tuluyang nakakapanhik pero ang galak sa aking puso hindi na maampat. Sobrang laki ng naitulong sa akin ng orphanage na ito. Dito ako nagka muwang at natuto na maging mabuting tao.
Gulat na gulat sina mother ng makita ako. Kahit ang ibang bata na palagi kong nakakausap through videocall ay hindi rin maampat ang tuwa.
Nagkamustahan lang kami nina mother hanggang sa mabuksan nila ang nangyari sa akin. Hindi ko na rin itinanggi ang tungkol sa ginawa nina Mama sa akin. Alam kong may koneksyon pa rin naman sila sa mga taong umampon sa akin at alam ko apektado rin sila sa nangyari pero wala na kaming magagawa kundi tanggapin na lang.
“Basta Hija kapag hindi ka okay pumunta ka lang dito at bukas ang dati mong tahanan. Hindi ka namin pahihindian, Hija…” Mahigpit akong niyakap ni mother Mercy habang sinasabi ang mga salitang iyon.
Nakaramdam ako bigla ng lungkot knowing that even I'm too old and independent in life, nandiyan pa rin sila palagi para sa akin. Palaging bukas ang mga kamay nila para tulungan ako at iparamdam sa akin na mahalaga pa rin ako sa kanila.
Pinilit kong ngumiti sa likod ng nalulungkot kong damdamin.
“Salamat po mother Mercy… Gumaan po ang pakiramdam ko dahil nakapasyal po ulit ako dito sa orphanage. Hayaan niyo po dahil kapag natapos ko po asikasuhin ang franchise ng aking shop, malimit na po ulit ako dito. Nakakamiss rin po kasi na tumigil dito.”
“Ipapanalangin ko iyan Hija.. Gabayan ka palagi ng Diyos sa lahat lakad at ginagawa mo. Palagi mo Siyang tawagin kapag may problema ka at kapag nahihirapan ka na. Huwag kang mag-atubili na lumapit sa kanya dahil nandiyan Siya palagi para sa atin.” Ani mother Mercy ng harapin niya ako.
She combed my hair while giving me some advice.
Lord… Miss na miss ko po sila. Sobrang na-miss ko lahat ng mga salita nila.
“Salamat po mother Mercy. Tatandaan ko po lahat ng bilin niyo. Huwag na po kayo mag-alala sa akin dahil pinalaki ninyo po ako na palaging kaagapay ang Diyos.” Nakangiting pangungumbinsi ko kay mother Mercy.
Ayaw kong maging emosyonal dahil hindi naman iyon ang pinunta ko dito sa orphanage. Gusto kong bawasan ang bigat na nararamdaman ko kaya ayaw kong mag paapekto sa emosyon ko. Gusto ko pagbalik ko sa Bulacan magaan na ulit ang pakiramdam ko. Yoong tipong nakangiti na lang ako palagi dahil hindi ko na naalala ang pait na nangyari sa buhay ko.
Nagpaalam na ako kay mother Mercy. Alam nila na hindi ako uuwi ngayon sa Bulacan. Alam din nila na niyaya ako na lumabas ni Alli pero ang hindi nila alam ay ang plano namin na mag walwal.
Sorry na po agad. Ngayon lang naman po ito…ulit.
“Hindi ka naman atat?” Magkasalubong ang mga kilay na bungad ko kay Alli ng makita ko siya na naiinip ng naghihintay sa akin.
Pilyo siyang ngumisi bago binuksan ang frontseat ng kanyang kotse.
“Pumasok ka na, inom na inom na ako eh!” aniya at hindi na nakapaghintay na makalapit ako sa kanya!
Talagang nilapitan niya ako para maabot ang palapulsuhan ko at hilahin papasok ng fronseat!
“Huy! Mag hunos dili ka nga Allison!” Saway ko sa kanya dahil sa sinabi niya parang uhaw na uhaw siya sa alak!
Nagmadali siyang pumasok sa driver seat at pinaandar agad ang makina. Sinusuot ko na ang seat belt ng magsalita siya ulit.
“Ilan buwan akong hindi nakakalabas dito, Miks. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero as a man that want to go outside and have fun, parang nanalo na ako non sa jueteng Miks!”
Napahagalpak tuloy ako ng tawa.
Habang nasa byahe, hindi natatapos ang kwentuhan at asaran namin ni Alli hanggang sa makarating kami sa isang mini bar na nasa gilid lang ng national highway.
Medyo maaga pa pero marami-rami na ang mga tao nasa loob at bar.
“Ano?” Bungad sa akin ni Alli ng nadatnan niya ako na nakatulala habang nakatingin sa maliit na bar.
Biglang sumagi sa isip ko ang nangyari noon. Medyo naging hisitado ako pero itinakwil ko agad ang naiisip ko.
“Wala. Tara na nga!” Patay malisya kong sabi bago inunahan ko na si Alli.
Siya ang may alam sa bar na’to kaya hindi rin ako naglakas loob na pumasok habang siya nasa likuran ko rin. Ang ginawa ko, binigyan ko siya ng sapat na espasyo at sinenyasan na pumauna sa akin.
“VIP ka yata dito.” Pabulong kong sabi ng dumikit siya sa tabi ko.
“Hindi ah! Nandito si Yusof at Kaden, barista sila dito. Kung hindi dahil sa kanila hindi ko naman ‘to madidiskubre.“ Sagot niya habang papasok na kami sa loob ng bar.
Napatango na lang ako. Si Yusof at Kaden ay kaklase namin noong elementary pa lang kami. Matagal rin na hindi ko sila nakita simula ng tumira ako sa
Bulacan.
Hindi party boy si Alli at hindi rin siya mahilig uminom. Sa Maynila lang naman siya natuto mag party-party kaya hindi na ako magugulat kung nakasanayan na niya ang gano'ng klase ng buhay.
“Shít, si Mika!” Nagulat ako dahil sa lutong na bulalas ng isang lalaki ng makalapit kami sa bar counter.
Lumapit pa ang isang lalaki at napaawang rin ang bibig ng makita ako. Pero saglit lang ang pagkagulat niya dahil napalitan ng pagkahiya ang kaninang gulat na gulat niyang anyo.
Si Yusof at Kaden na ba sila?
Ang gwapo na nila lalo na si Kaden!
“Oh…kalma naman kayo mga huy! Hindi artista ang nakita niyo, si Namika lang ‘to!” Saway sa kanila ni Alli sabay akbay sa akin.
Biglang kumunot ang noo ni Kaden ng makita ang ginawa ni Alli.
“Naaalala mo pa ba kami Miks? Ako ‘to, si Yusof..” Sabay kindat at saludo sa akin.
Siya nga!
Walang pinagbago.
Napa umis ako saka tumango-tumango.
“Oo naman!” Medyo may kalakasan ang sagot ko.
Nagpatuloy sa kanyang ginagawa si Yusof habang nagkukwentuhan pa rin sila ni Alli. Ako naman ay wala na kung umimik at parang nawalan bigla ng enerhiya na magdaldal dahil sa presensya ni Kaden. Panaka-naka siyang tumitingin sa akin at kapag nararamdaman ko ang paninitig niya, tinitingnan ko siya kaso siya ang unang bumabawi.
Kainis ha!
Tumikhim si Yusof ng mapatingin kay Kaden na tila aligaga sa ginagawa.
“Ang gago, ang daldal mo kanina ah, bakit ngayon parang nausog ka diyan?” Puna niya kay Kaden na tahimik lang na nagpupunas ng mga baso.
Sabay kaming napatingin ni Alli sa gawi ni Kaden. Hindi niya ako tiningnan. Kahit si Alli hindi rin.
“Alams na pero sorry bro,” ani Alli sabay tiltik at inisang lagok ang canned beer na hawak.
“Oh….” Pangangantyaw ni Yusof bago nag takip ng kamay sa bibig.
Pareho sila na nakatingin kay Kaden samantalang ako hindi ko alam ang nangyayari.
Juice lang ang iniinom ko kahit may inorder na beer si Alli. Ayaw ko uminom. Kahit gusto ko makalimot, hindi naman solusyon ang beer para makalimutan ko ang nararamdaman kong bigat. Gusto ko lang gumaan ang pakiramdam ko kaya sumama ako kay Alli.
May isang oras na rin kami na nandito sa bar. Kung saan-saan na rin nakakaabot ang pinag-uusapan ni Yusof at Alli. Paminsan-minsan nakikipag-usap rin si kanila si Kaden pero sa akin never niya ako kinausap ni batiin man lang.
Problema niya?
Lihim akong napanguso bago uminom ng juice.
“Sagutin ko lang ‘to ha?” Paalam ko sa kanila ng makita kong tumatawag si Hannah.
“Diyan ka lang sa malapit,” bilin ni Alli bago ako makaalis. Tumango ako bilang pagsang-ayon.
“Napatawag ka Hannah…” Tanong ko agad ng makalayo ako sa gawi ng maingay na tunog.
“Miks may problema kasi sa pinapaayos mong franchise.”
“Anong problema? Sa DTI ba?”
“Hindi Miks eh. Okay na doon kaso nagkaproblema tayo sa last name mo…”
Hindi ko siya maintindihan kaya kumunot ang noo ko.
Ang iniisip ko baka tinanggal na nina Mama at Papa ang apelyido na Esguerra. Bigla akong nanglambot kaya ilang segundo akong tumahimik.
“Miks…” Untag ni Hannah sa kabilang linya.
Huminga ako ng malalim.
“Hindi na ba Esguerra?” Diretso kong tanong kay Hannah.
She breathed heavily. Tila problemado at hindi makapaniwala.
Sinasabi ko na eh..
“Oo Miks, hindi ka na Esguerra. Namika Jade Lowell na ang nakaregister sa PSA! And you are married here!?” Gulat na gulat na imporma sa akin ni Hannah! Parang bigla akong nabingi dahil pakiramdam ko may malakas na umiging sa aking tenga ng marinig ang sinabi ni Hannah.
Namika Jade Lowell?
Ako? Paano?
Parang nalasing ako kahit juice naman ang tinungga ko sa loob!