MIKA “Ate, Mika! Bumalik ka po Ate, Mika!” Narinig kong masayang bulalas ni Niko ng makita niya pa lang ako na babagong binubuksan ang gate ng bahay ni Nanay Lorna. Hindi ko na rin pinatagal ang ginagawa at dinaluhan ko agad ang bata na halos madapa na sa pagtakbo makapunta lang sa akin. “Bakit basang-basa ka ng pawis, Niko!” Salubong ko sa kanya at iyon agad ang napuna ko. Kahit ang buhok niya, basang-basa ng pawis kaya pinunasan ko agad ng towel na nasa kanyang likuran. “Naglalaro po ako ng basketball Ate Mika! Gusto niyo po ba makita ang pag dribble ko–pero mamaya na po pala! Miss na miss ko na po ikaw, Ate Mika…” biglang lumambot ang boses niya kaya natigalgal ako bigla. Ang kaninang magiliw niyang reaksyon ng makita ako, ngayon na palitan ng lungkot kaya hindi ko maiwasan na mag

