MIKA
Halos magdamag kong inisip ang nangyari noon sa amin nang lalaking ‘yon! Ang kapal ng mukha niya para totohanin ang sinabi niya noon kahit hindi naman ako pumayag!
Sobrang yaman niya at alam ko na kaya niyang gawin na palitan ang apelyido ko pero hindi lang ako makapaniwala na gano’n pala siya ka desperado? Ang lakas ng apog niya! Hindi niya yata alam na sa aming dalawa, patas lang naman kami dahil sa nangyari noon! Siya ang nakauna sa akin at hindi ko ginawang big deal ‘yon! Nasira ko ang pangalan niya pero dignidad ko ang nawala! Kung tutuusin, mas dehado ako!
Napailing-iling ako ng mapansin ko ang paninitig sa akin ni Hannah.
“Ang aga mo naman pumunta. Sabado ngayon, remind lang kita.” Hindi ko napigilan na pilisopohin siya.
“Alam ko,” nakairap niyang tugon. “Akala ko nasa Batangas ka pa kaya inagahan ko ang pagpunta dito para maglinis sana dito sa apartment mo.”
Dahil sa sinabi niya, awtomatikong nilinga ng mga mata ko ang loob ng aking apartment. Malinis naman at kahit saan walang kalat.
“Hindi ako burarang babae para iwanan ang lugar ko na maraming kalat for your information,” pagtataray ko sa kanya.
Masakit ang ulo ko dahil wala akong sapat na tulog dahil madaling araw na ako nakauwi. Dumagdag pa ang nalaman ko kagabi kaya halos jina-jack hammer ngayon ang ulo ko.
Bahagyang gumalaw si Hannah para sumandal sa couch kaya napatingin ulit ako sa kanya. May bahid na pagtatanong ang nakikita ko sa mga mata niyang nanliliit. Dahil do'n tinaasan ko siya ng isang kilay.
“Bakit?” mataray kong tanong.
“Bakit ka naging married nang hindi ko alam? Si Alli, alam niya ba ‘yon?”
Bumuntong hininga ako.
Ito na ang sinasabi sa hula.
“Bakit ako, alam ko ba? First of all, wala akong alam kung paano at kung ano ang nangyari, okay? Stk, mapapatay ko ang lalaking ‘yon kapag nagkataon na mag krus ulit ang landas namin!”
“So kilala mo siya?”
“Hindi ko siya kilala personally. I-it was a big mistake!” nanghihina kong sabi. Parang nawalan agad ako ng lakas nang maalala na naman ang nangayari sa amin ng Uno na iyon!
Biglang tumahimik si Hannah.
Nagkatinginan lang kami. Walang boses na lumabas sa kanyang bibig pero nakikita ko na naghihintay lang siya na mailabas ko lahat ng katotohanan tungkol sa nangyari noon. I heaved out a deep sigh just to release all the burden inside my body. Gusto ko nang makalaya sa isyu na ‘yon. Naging okay ako at kinalimutan ko iyon pagkatapos ng gabing iyon. Nagpakalayo ako at nanahimik at binaon sa limot lahat ng nangyari. Namuhay ako na parang buo pa rin kahit na ang totoo, hindi na.
“Makikinig ako,” mahina niyang sabi ng hindi na niya mapigilan na tumahimik lang.
Napayuko ako dahil nakaramdam ako ng guilt. Hannah has been my friend since we were children. Hindi siya sa bahay ampunan lumaki pero malapit lang din ang bahay nila kung saan ako lumaki. We've been classmates since we were in elementary. Kami nina Alli, Yusof at Kaden ang laging magkasama noon hanggang sa lumipat ako sa Bulacan hindi naputol ang koneksyon namin ni Hannah until we both graduated in college. She's been by my side since the day one kaya ganito na lang ang nararamdaman kong guilt dahil never niyang nalaman ang nangyari sa akin noon. Only Alli knows what happened before.
Kaagad kong inayos ang aking sarili. Ginawa kong komportable ang pagkakaupo sa aking kama habang kaharap si Hannah.
“Sorry kung hindi ko ‘to na kwento sa 'yo.” Huminga ako ng malalim bago ulit tumingin sa kanya. “Three years ago, December 25, isinama ako ni Alli sa christmas party nila. At that time I was devastated and feeling lost. Nalaman ko no’n na paalisin nila ako. Medyo nasaktan ako sa nalaman ko kaya pumayag ako na sumama kay Alli. Nagpakalasing ako sa bar hanggang sa hindi ko na alam ang mga nagawa ko…”
Hindi ko kaya ipagpatuloy ang kwento ko because the lump in my throat. Sobrang nasasaktan akong lumunok kahit laway ko lang naman ang pinipilit kong lunukin.
“Nag research ako about him. He is a famous doctor. His family is famous for both parties. Sobrang yaman ng mga Lowell, Miks… He is Jerah Apollo Lowell, aka Uno, the eldest child, and he has a successful life. Parang nakakahiya tuloy humarap sa kanya!”
Napamaang ako dahil sa ibinulgar ni Hannah. Seryoso siya? Talagang umabot siya sa puntong iyon na halughugin sa internet ang identity ng Uno na ‘yon?!
“You are really a compscie,” naiiling kong puna saka bumuga ng hangin.
May pagtataka sa itsura niya pagkatapos ko siyang punahin.
“I am… And by that, I saw the scandal–”
“Stop, Hannah!” agap ko.
Humalakhak siya without hesitation.
“Gagi Miks, ang swerte mo!” Bulalas niya kaya mas lalo akong napamaang at tila nasurpresa sa kanyang sinabi.
“Seryoso ka? Saan banda ako naging swerte do’n, Hannah? Nakuha niya ang virginity ko pero nadungisan ko rin ang iniingitan niyang pangalan at dahil do'n, kwits lang kami! Kahit sino sa amin walang swerte! Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan niyang gumastos at magpakahirap para gawin ako na asawa niya eh hindi naman kami humarap sa altar! Ni hindi nga namin mahal ang isat-isa!” Inis na inis kong himutok dahil kung hindi ko ilalabas ‘yon, baka mag tantrums ako!
“Huy, umayos ka nga!” Bulalas niyang sabi matapos dumikit sa akin. Halos gumilid ako sa tabi dahil sa bigat ng pag-upo niya sa kama.
“Anong ayos ba ang sinasabi mo Hannah?” Lito kong sagot sa kanya.
“Look. Nando’n na tayo sa part na nakuha niya ang virginity mo. Nadungisan mo rin ang pangalan niya pero think of it Miks, hindi kaya na obsessed siya bigla sa'yo kaya ginawa ka niyang Mrs. Lowell kahit hindi mo alam!? Isipin mo Namika, hindi ‘yon gagawa ng bagay na kokonekta sa iniingatan niyang pangalan kung wala ka lang sa kanya. Think of it! ” Paliwanag ni Hannah.
Hindi ko pa rin gets kaya napaawang na lang ang bibig ko. Ni hindi na magawang lumiwanag ng utak ko dahil kung iisipin ko ng mabuti, parehas namin sinumpa ang bawat isa dahil sa nangyaring iyon! Kaya mali ang iniisip ni Hannah. Hindi gano'n, hindi magagawa ‘yon ng Uno na ‘yon because all he wants is to revenge!
“Imposible pa sa pinaka-imposible ang naiisip mo na ‘yan Hannah! Hindi obsessed ang tawag do’n kundi paghihiganti!” gigil kong anas bago nag halukipkip. “Humanda siya kamo dahil haharapin ko siya! Hindi pwede 'tong ginagawa niya sa akin!”