Kanina pa akong nakahiga sa kama pero heto hindi pa rin ako nakakatulog sa mga nangyayari kanina. Hindi man harapang sinabi ni Mayor Luke ang damdamin niya pero batay sa mga salita nito hindi maipagkaila na nagustuhan niya ako. Gulong gulo ang isip ko sa ngayon paano ako maniniwala na kahit sarili ko ay hindi ko pa lubusang nahanap ang kasagutan. Kung talagang humilom na ba talaga ang sugat na dala ng kasawian ko sa pag-ibig. Naniniwala ako na lahat sila kaya pa rin nila akong saktan. Basta nandiyan ang mga magagandang babae sa paligid magloloko ang mga iyan at darating ang araw na ipagpalit ka rin nito. Napakabilis naman yata paniniwalaan na sa kunting panahon na nakilala ako ni Mayor Santillan mahuhulog agad ang loob niya. Or baka na challenge lang siya dahil hindi niya ako kayang

